Chapter 11: ( Friendship is over )

1 0 0
                                    


Sam's POV

Ilang minuto din kaming naghintay na dumating ang softdrinks pero wala paring Sab na dumadating

" ang tagal naman ni Sab " reklamo ko at isinubo ang isang kutsarang salad

" edi pumunta ka sa ref. may tubig naman 'don " sabi ni Alice at isinubo rin ang salad

" ayoko sa tubig eh, gusto ko softdrinks " sabi ko nang biglang tumayo si Zoe na parang ang lalim ng iniisip

" susunduin ko lang sya "

" sasama ako " sabi ni Alice at nagmadaling inilagay ang isang tasa na nilagyan nya ng salad sa sink at tuluyan narin silang umalis

habang kumakain ako, pasulyap-sulyap lang ako kay Rain na tahimik lang kumakain

" may sasabihin ka ba " sabi nya na hindi man lang ako nilingon

" wala naman, nagandahan lang kasi ako sayo " sa sinabi kong yun, naibuga nya ang tubig na ininom nya tapos ay tiningnan ako ng masama

" peace tayo " sabi ko at ibinalik ang atensyon sa pagkain

Ilang minuto rin kaming naghintay pero hindi parin sila dumadating kaya nagsimula narin ang kaba ko

" parang nagdududa na ako ah.. " sabi nya kaya napalinga ako

" ako rin, puntahan na kaya natin sila. Masama ang kutob ko eh "

" good idea " sabi nya at nagmadaling umalis habang dala ang baril nya at sumunod naman ako sakanya

Nang makalabas na kami HQ ay agad ko pinuntahan ang motor ko at sumakay na habang si Rain naman ay nasa likod ko

Nang makalayo na kami sa HQ
ay may nakita kaming tatlong nakahandusay sa di kalayuang kanto at may tatlong pamilyar na motor sakin kaya pinaharurot ko pa ng mabilis para makita kong sino yun dahil kinakabahan talaga ako

Nang makarating na kami sa mismong lugar na'yun ay agad kaming bumaba, sa di ko inaasahan ay tumulo ang mga luha ko kung sino ang mga taong nadatnan namin

" Alice, Zoe , Sab " mahinang sambit ko

Bigla akong napalingon sa likuran ko kung nasaan si Rain at nakita kong may tama sya ng baril sa kaliwang tagiliran nya

" Rain!! " sigaw ko pero hindi nya ako sinagot at nakipagbarilan lang sa mga kalaban na nakapalibot sakanya

Agad kong binalik ang tingin ko kay Zoe na ngayo'y tinamaan ng anim na bala at tatlong saksak

" Zoe, wake up " sambit ko pero wala akong natanggap na response mula sakanya

" Z-Zoe, wake up! " sambit ko ulit at iminulat na nya ang mga mata nya parang naluluha

" B-bestie " tawag nya sakin
pero nakinig lang ako sa susunod nyang sasabihin, pinunasan ko ang mga luha nya sa pisngi dahil umiiyak na ito

" I love you bestie, c-can y-you please tell R-Rain t-that...I-I ( she cough ) love her too okay.. " dahil sa sinabi nya ay lumakas ang paghikbi ko

" Zoe naman eh, w-wag ka ngang magsalita n-ng ganyan. Hindi ka pa mamatay okay.. " sabi ko at bigla nyang hinawakan ang pisngi ko gamit ang isang palad nya

" h-happy b-birthday again, S-Samantha R-Reyes " sabi nya at biglang bumaba ang mga kamay nya galing sa pisngi ko

" Zoe!!!! " sigaw ko

Bakit ba pinaparusahan nyo kami ng ganito lord, may nagawa ba kaming kasalan sa inyo

Inilipat ko naman ang tingin ko kay Alice

The Thing Called " Love "Where stories live. Discover now