Casanova 15

117 1 0
                                    

'Heartbeat'

"Your name is what my heart screams"
~Ainsley Jalen Kang~

*****

[AOIFE]
~*~

Dumiretso ako sa canteen kahit na puno ako ng pasa at sugat sa katawan. Nakatingin lahat sila sa akin at pinagtatawanan ako. Gusto ko silang sigawan pero wala akong magagawa dahil isang nerd lang ako sa paningin nila.

A nerd who will make your life a living hell.


Yan ang gusto kong isigaw. Kinuha ko na ang mga pinamili kong tubig para sa aming anim at palabas na sana ako pero naramdaman ko nalang na basa na ang damit ko.


"Woops. Sorry natapon ko" sabi sa akin ni Raven at ngumisi. Nginitian ko lamang siya at lumabas na nang tuluyan sa canteen. Pumasok muna ko sa isang cubicle sa cr at umupo sa bowl dun.

Pinipigilan ko ang sarili kong wag umiyak pero traydor ang mga mata ko. Patuloy lang ang pag-iyak ng mga ito.


"Maghintay lang kayo. Hintayin niyo lang at iiyak kayo sa mga kamay ko. Damn!" asar na asar nako gusto ko na silang paiyakin isa isa pero kailangan ko pang magtiis. Konti nalang. Konting konti nalang.

*****

After kong magpatuyo ng damit ay bumalik nako at nginitian sila.

"Eto na yung tubig!" masiglang sabi ko sa kanila. Nakatitig sa akin si Logan alam kong gusto niyang magtanong pero mas minabuti na niyang tumahimik.

Nakita ko naman si Jalen na nakaupo lang sa isang sulok at nakapikit.

"Anong nangyari sayo? Bakit puno ka ng galos?" Tanong ni Corey sa akin habang inaayos ang mga gamit sa kusina.

"Ha? Wala ah. Ganito na kaya ko kaninang umalis!" sabi ko at tumawa pa nung inabutan ko siya ng tubig. Isa isa ko silang inabutan nang si Jalen na ang aabutan ko ay bigla nalang siyang tumayo at hinila ang kamay ko. Shet. Masakit!

"Uuwi na kami" sabi niya at hinila ako papunta sa mga gamit namin.

"A-ano ba! Di pa tayo tapos! Hoy!" tawag ko sa kanya pero di niya pa rin ako pinapansin.

"Logan,Chale kayo nang bahala dito." habilin niya kina Kambal nung makuha niya ang gamit ko.

"Sige. Ingat kayo" sinamaan ko ng tingin si Kambal pero isang tipid lang na ngiti ang binigay niya sa akin bago kami tuluyang makalabas ng booth.

"Ano ba! Jalen!" sigaw ko sa kanya habang pumipiglas sa pagkakahawak niya at hinahampas yung braso niya.

"Let go!"

"Pag di ka tumahimik dyan hahalikan kita!" bulyaw niya na kinatahimik ko. Hinayaan ko na lang siyang kaladkarin ako papunta kung saan. Nakayuko lang ako sa buong paglalakad namin.

"Aray ko naman!" reklamo ko sa kanya dahil bigla bigla nalang siyang tumitigil. Pagtingin ko ay nasa tapat kami ng isang apartment.

She's the Casanova PrincessWhere stories live. Discover now