Casanova 14

95 1 0
                                    

'Falling game'

"Will you catch my heart if it falls for you?"
~Aoife Marquez~

*****

"Louise sige na kasi" pagpilit sa akin ni Jalen. Tanginang yan kasi paasa. Akala ko tuloy seryoso. Bahala siyang manigas diyan aba!

(Flashback)

"Can i court you?" Napatitig ako ng wala sa oras sa sinabi niya. Ano ulit? Nakita ko din na napatigil si Logan sa ginagawa niya.

"Nabingi ata ako" sagot ko sa kanya

"Sabi ko, Can i count on you to be a maid in our café?" Hindi ko alam pero bigla nalang akong nainis. Assumera na kung assumera pero kasi yun talaga ang dinig ko!

Punyemas naman oh. Agad agad akong nagligpit ng gamit ko bago nagsalita.

"No. Bye. Uwi na kami. Meeting adjourn"

(END)

Tas ngayong umaga ayan nanaman siya! Sinundo nila kami sa bahay! Si Chale piniplease si Logan at pinapakiusapan din, good luck nalang sa kanya makipag-usap siya sa pader.

"Louise. Please? Last na to promise tapos di na kita kukulitin" sabi niya sa akin at nagpuppy eyes pa! Mukhang gagu lang.

Hindi na kita kukulitin...

Bakit parang masakit yun? Bakit mas gusto ko pang nangungulit siya?

"Tigilan mo ko Mr. Kang" seryosong sabi ko sa kanya at inirapan siya.

"Narinig niyo na ba? Sinusundo daw sina nerd sa bahay nila?"

"Ts! Malalandi"

"Naku lagot yan kay Ms Raven!"

"Hala! Tignan niyo oh magkasama sila"

Magkasama kaagad? Di pwedeng nagkasabay lang? Kaloka!

Malandi? Ako? Baka.

"Jalen!"

"Sibat nako" sabi ko sa kanya ng marinig ko ang sigaw ni Raven. Ayaw ko muna ng gulo kaya nagiging mailap ako. Lalo na at
binantaan pa ko mas maganda na ang maging maingat. Mahirap na ang masira ang plano.

"Wait Louise!" sabi nito sa akin pero agad akong tumakbo palayo sa kanya at dumiretso sa locker ko. Nagkasabay pa kami ni Logan.

"Running away?"

"Uh-huh" sagot ko

"Me too." Sabi niya at linagay na ang gamit niya.

Paglabas namin ng locker room ay kabilaang bulungan na ang naririnig ko.

"Akala ko ba girlfriend sila nina Prince Ish at Prince Corey? Eh bakit sila sinusundo nina King at Prince?"

"Malalandi kasi. Two timer"

"Tapos lagi pa nilang kasama yung apat nating prinsipe. "

She's the Casanova PrincessWhere stories live. Discover now