Casanova 12

104 3 0
                                    

'Signs'

"Fall now, heartbreak later." 
~Aoife Louise Marquez~

*****

Napahawak ako sa ulo dahil sobrang sama ng pakiramdam ko. Tinanggal ko yung nakapatong sa noo ko at umupo sa kama.

"Buti naman gising kana" sabi sa akin ni Logan na katabi ng kapatid ko.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanila.

"Di mo maalala?" tanong ng kapatid ko

"Magtatanong ba ko kung naalala ko?" tanong ko sa kanya at inirapan siya. "Mukhang maayos kana. Sumasagot kana eh" natatawang sabi ni Logan at sinabi sa akin ang nangyari. Tinamaan ako ng bola at isang araw nakong tulog.

"As in isang araw na kong tulog?" nagnod lang sila bilang sagot.

"Alam mo bang susugurin dapat netong bubwit na to yung nambato ng bola sayo?"

"Hoy di ako bubwit no!"

"Sayang nga eh! Napuruhan na pala nung crush mo"

"Hoy! Sinong crush pinagsasabi mo?!" gulat na tanong ko sa kanya! Wala akong maalalang may crush ako!

"Sus! Nee-chan wag mo ng itago. Alam kong crush mo yung soccer player!" wtf? Sino dun? Wala akong maalala!

"Ikaw ata tinamaan ng bola eh"

"You're lucky dahil di nila tinanggal ang salamin mo at sakto ang pagtawag ko sa phone mo kaya agad akong nakapunta dun. Sayang nga eh. Di ko navideohan si Jalen. Ts" sabi ni Logan sa akin at iiling iling pa.

"A-ano bang nangyari?" curious na tanong ko sa kanila. Nakita ko ang paggrin nilang dalawa dahil sa tanong ko. Malay ko ba anong ginawa!

"H-hoy! Di ako interesado!" pagdepensa ko sa sarili ko.

"Bakit ka namumula Nee-chan?" pang aasar sa akin ng magaling kong kapatid.

"M-Mainit! Oo mainit! Kaya ako namumula!" paglusot ko sa kanila tinawanan lang naman nila ko.

"Ewan ko sa inyo!" pagdabog ko at lumabas ng kwarto para pumunta sa kusina. Nagugutom na kasi ako!

Nakaplain v-neck shirt lang ako ngayon at jogging pants. Nakatirintas din buhok ko at yung nerdy glasses ko. Mahirap na rin baka mahuli pa kami.

Pagpunta ko sa kusina ay kumain na ko kaagad pero habang nasa kalagitnaan ako ng pagkain ay tumunog ang doorbell.

Nakita ko naman na agad lumabas ng kwarto si Logan para tignan kung sino yung bwisita. Pagkatapos kong kumain ay linapitan ko siya.

"Sino yan?" tanong ko sa kanya at sinilip kung sino

"Okay ka na ba?" tanong sa akin ng taong kadarating lang.

"H-ha?"

"Huy. Tinatanong kung okay ka na daw!" pag ulit ni Logan. Tumango lang ako bilang sagot at yumuko. Sama ata ng tama ko? Shit!

My heart is beating so fast!

"Pasok ka." pag anyaya ko kay Jalen

"Ahh wag na. Dumaan lang ako para icheck kung ayos kana" sabi nito at nginitian ako. Shet! Wag mo kong ngitian nakakatunaw kasi eh. Huhu.

"Pagaling ka. Para sayo" sabi nito at inabutan ako ng mga prutas.

"S-salamat"

"Sige alis na ko. Pagaling ka ulit!" sabi nito at pinat ang ulo ko bago umalis.

She's the Casanova PrincessWhere stories live. Discover now