Casanova 4

166 2 0
                                    

"Encounter"

"Hey boy. You mess with the wrong girl"
~Aoife Louise Marquez~


*****

[AOIFE]
~*~


"It's your choice on what you think about me. I'm just somebody who manipulates other people. I'm a friend or a foe, your choice. "

"It's your choice on what you think about me. I'm just somebody who manipulates other people. I'm a friend or a foe, your choice. "

"It's your choice on what you think about me. I'm just somebody who manipulates other people. I'm a friend or a foe, your choice. "

"Uggggggh!" Sakit sa ulo! Paulit-ulit na nagpeplay sa utak ko ang sinabi ng babaeng yon. Di ko man lang nakita ang mukha niya dahil masyado akong natulala sa mga sinabi niya. Ang alam ko lang is magkahawig kami. She have a cold eyes.

"Ahmm. May problema ba?" Tanong ng nasa tapat ko.

"Ah. Haha. Wala naman. Sorry" sabi ko at dumungaw nalang sa may bintana.

"Hay. Ang boring talaga pag walang prof" bulong ko sa sarili ko.

"Hoy! Nerd!" Tawag ni Raven sa akin at sinipa ang desk ko.

Hindi ko siya pinansin at bumuntong hininga lang. Araw-araw siyang namemeste konti nalang at magpapakilala nako sa kanila. Di ko man lang naenjoy tong pagiging normal ko.

"Tss. Nerd!" Sigaw niya sabay hila sa buhok. Pucha naman! Liningon ko siya at sinamaan ng tingin.

"Ooh. Scary~ Ano iiyak kana?" Nagsmirk lang ako sa kanya at tinabig ang kamay niya na nakahawak sa buhok ko.

Hinaplos haplos ko yung buhok ko at sinuklay bago nagsalita.

"Hayy. Sayang naman yung shampoo. Nadumihan yung buhok ko sa isang hawak lang"

"WHY YOU! MATANGGAL NAKONG PUNO SAYO HA!" Woops. Napikon. Hinanda ko na ang sarili ko sa sampal na gagawin niya. Napapikit na lang ako at inabangan ang kamay na dadapo sa mukha ko.

"Raven" sabi ng isang malamig at malalim na boses. Narinig ko na tong boses na to.

"-__O" My face. Dinilat ko yung isa kong mata para makita kung sino ang pumigil kay Bruha.

"Oh~ Ainsley~" sabi ni Raven sa kanya at agad na yumakap sa braso nung Ainsley. Tinignan ko lang sila at parang nakita ko na ang pagmumukha ng lalaking to?

Nagkibit balikat nalang ako at kinuha ang gamit ko dahil tinatamad nako dito.

"Matte" sabi nung lalaki. Yikes. Baka kilala niya ko. Hindi ako tumigil pero biglang may humablot ng gamit ko.

"SINABI NIYA SANDALI LANG!" Talaga naman! Talaga naman! Humarap ako sa kanila ng nakabusangot ang mukha.

"Hoy. Ano bang problema mo?!" Asar na tanong ko sa kanya. Dahil punong puno nako.

"Aba! Talagang matapang kang nerd ka ha!" Sabi naman ng mga alipores niya. Inirapan ko sila at napaatras naman sila. Hinablot ko ang gamit ko at naglakad ulit paalis.

"Wag kayong mag aksaya ng oras sa isang katulad ko. Wag puro make up atupagin niyo! Nagmumukha kayong clown!" Bwisit na usal ko sa kanila at binagsak ang pinto.

She's the Casanova PrincessWhere stories live. Discover now