Casanova 16

113 1 0
                                    

'Busy Day'

"There's no such word as busy for a person who has her priorities"
~Aoife Louise Marquez~

****

[AOIFE]
~*~

Foundation day na! Woohoo~ Dahil walang klase ay nandito kami ngayon ni Logan sa office ko sa school. Syempre walang nakakaalam na nandito kami. Opening ng mga booths ngayon at napagpasyahan namin na dito nalang panunuorin ang pangyayari during foundation.

Iba't ibang rides, iba't bang food booths and shops. Magsawa sila sa buong dalawang linggo. May mga plays,contests, etc pa ang event na to may isang screen kaming hinanda para dun sa apat. Sila talaga ang imomonitor namin ni Logan.

Para kahit dito man lang makita ko siya.

"Yung uniform nila nabigay mo ba?"

"Diba ikaw magbibigay nun?" balik na tanong ko sa kanya. Kasi nasa bag yun na itim.

"Ito ba?" tanong niya at tinaas ang bag na itim. Nagkatinginan kaming dalawa bago tumayo sa mga kinauupuan namin. Hindi kami magpapakita sa kanila ngayong foundation week. Dahil kailangan na namin silang layuan.

Sumasakit ang dibdib ko kapag iniisip kong lalayuan ko siya. Bakit?

Dumiretso kami sa booth nila at linagay sa loob ang bag tsaka nag iwan na din ng note na uniform nila yun. Agad agad kaming umalis at nagtago ng makita namin silang paparating pero nakita na nila kami.

"Louise!"

"Logan!"

Tawag nila sa amin pero di kami lumingon at dire-diretso lang sa paglalakad hanggang sa makalayo kami sa kanila.

*****

Pagbalik namin sa opisina ay agad kaming inabutan ni Assistant Kim ng mga folder ng programs ngayong araw.

"Anong ginagawa nila Raven at Aisha?" tanong ko kay Mr. Kim. 

"Nasa cafe booth po sila Young lady" sagot niya sa akin. Napatingin naman ako sa screen nung booth nina Jalen at nakita ngang nandun ang dalawang bruha. Iniirapan nila ang mga babaeng lumalapit kina Jalen at Chale.

"Paano makakabenta kung gaganyanin nila ang bawat babaeng lalapitan ng dalawa?" tanong ko sa sarili ko at napailing nalang.

"Wanna play a little twin?" nakangising tanong ni Logan sa akin.

"Oh sure my dearest twin. Shall we play?" excited kong tanong sa kanya at agad agad na nagbihis.

*****

Nakacrop top na blue ako with jacket then sneakers then tinali ko ang jacket sa bewang ko. Linugay ko lang ang buhok. Samantalang si Logan ay nakablue din na crop top and shaggy pants then sandals ata yun or sneakers din. Naglagay din kami ng simple make up.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
She's the Casanova PrincessWhere stories live. Discover now