Casanova 24

66 0 0
                                    

'Unexpected'

'Everything will fall in their own places when the time comes.'
~Aoife Louise Marquez~

*****

[AOIFE]
~*~

Nasa daan ako ngayon papuntang opisina dahil pinapatawag daw ako ni Pops. Baka nalaman na niya ang ginawa ko kahapon.

'Flashback'

"Aoife-chan, Found you" nanigas ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses niya. Nakita ko naman sa peripheral view ko na nandun sa kabilang side si Lyle at hinaharap siya ni Blythe ngayon.

Sana kasing tapang ako ni Blythe.

"I heard that you've been a very bad girl" sabi nito sa akin at ramdam ko ang disappointment niya.

"Akala ko ba gagawin mo lahat para lang bumalik ako? Eh ano yung nabalitaan ko?! Ha?!"

Napayukom ako dahil sa sinabi niya. Oo sinabi ko dati sa kanya na gagawin  ko lahat para lang bumalik siya.

"Ano nang ginagawa mo?!" Napaatras ako dahil sa bigla niyang pagsigaw. Hindi makapaniwala na nasisigawan ako at wala akong masabi.

Ngumisi ako sa kanya at tinago ang sakit na nararamdaman ko.

"An--"

"Ano naman sayo ngayon?" Napatingin ako sa taong pumutol sa pagsagot ko. Naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko na para bang sinasabi niyang andito ako.

"J-jalen?" Ngumiti lang siya sa akin at inakbayan ako para mapalapit sa kanya.

Shit. Para akong kinukuryente.

"Sino ka?" Maangas na tanong ni Dwayne sa kanya.

"Let her go. She's not yours"

"And so do you" malamig na sagot ni Jalen sa kanya.

She's the Casanova PrincessWhere stories live. Discover now