Naglalakad ako papunta sa next subject ko habang nakakasuksok sa dalawang tenga ko ang earphones. Nakakatamad ngayon kasi wala akong kasama. Absent bestfriend ko kaya eto, loner.
Bakit ganito itong mga estudyanteng to? Imbis na mag aral nakikipag kwentuhan eh finals na next week. Kung hindi nakikipag kwentuhan, nakatutok sa mga phone nila.
Habang naglalakad ako napatingin ako sa wrist watch ko. Bakit ang bagal ng oras? Kanina 2:00 na, ngayon 2:30 pa lang. What the heck? Mamaya pang alas tres next subject ko kaya naupo muna ko dito sa bench sa tabi.
Grabe, ganto pala pag loner ka. Ang dami mong narerealize.
Bakit nya ko iniwan?
Bakit di niya ko mahal?
Bakit kahit isang taon ng wala tayo, bakit ikaw pa rin?
Urghh!!!
I hate this fucking life!
Imbis na pinoproblema ko yung sweldo ko ay lovelife pa ang iniisip ko. Damn.
Bago nga pala yung prof namin ngayon sa math. Sana wag naman ibungad yung Quiz diba? Karamihan sa mga math teacher ganon. Or sana gwapo para may inspiration habang nag sosolve.
Habang nakaupo ako ay napapikit na lang ako sa lakas ng hangin na dumampi sa'king balat. Buti na lang at hindi pa ko nababaliw sa dinami rami ng problema ko.
Sana kasi hindi nalang namatay si Mama para hindi kami nagkahiwa hiwalay. Sana hindi ako iniwan ni Papa. Habang nakapikit ako ay biglang may tumapik sa balikat ko. Kaya napamulat ako
Kainis! Nagmumuni muni pa ko dito haynako.
Nag momoment yung tao pa epal! Tinanggal pa yung earphones ko. Pfft!
"ASHA MORTENSEN!" Sigaw sakin ni Lexine.
Inayos ko ang pagkakaupo ko atsaka itinabi ang phone ko.
"What?" umupo siya sa tabi ko habang nilalagay sa bag niya ang mga librong hawak niya kanina.
"Birthday ni Maxine this Thursday. Punta ka." pagkasabi niya nun ay iniabot niya sakin yung invitation card na kinuha niya.
Agad ko naman itong binuklat. Whoa. Engrande to for sure.
"18th birthday huh? Uhmm..." kung pupunta ako, baka makaltasan ako sa sweldo kasi aabsent ako. 3k pa naman ang kaltas ng sweldo dun kaya hindi na rin siguro ako pupunta.
Hindi madaling pagsabayin ang pag aaral at pag papart time job. Yeah, srsly ang hirap. Puyat pa ko kaya etong eyebags ko nadadala sa concealer. Buti na lang at nasisingit ko pa ang mga ganyan.
May kinuha siya sa bulsa niya at binuklat ang kanyang wallet. Naglabas siya ng isang libo at sinundan pa ng dalawa. Nagtataka akong napatingin sa mata ni Lexine.
"Para san yan? May papabili ka? At kung meron, FYI may susunod pa kong subjec---" tinakpan niya ang bibig ko kaya hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.
"Kaltas sa sweldo mo 3k right? I'm here to pay girl." napangiti ako sa sinabi niya. Pero saglit din na nawala yun...
Napangiti ako hindi dahil mukha akong pera, napangiti ako kasi hindi na ko mamomroblema sa sweldo. Nalungkot ako.
Bakit? Dahil ang pamasahe? Ang damit? At ang kung ano ano pa. Wala kong pambili at kung meron man, para sa next tuition ko iyon. Kailangan mag ipon para sa kinabukasan!
"Papasundo kita sa driver ko don't worry. And-- " tatayo na sana ko ng hawakan niya ang braso ko..
"Ako na ang bahala sa hair and make up, clothes and shoes!" napatingin ako sakanya ng sabihin niya yun. Well, bawal tanggihan ang grasya diba?
Yun nga lang, sa Thursday yung party kaya di ako sure. Nagpapasama din kasi si Night sa resort nila.
"Pag iisipan ko." simpleng sagot ko sabay ngiti at saka naglakad palayo.
Nagpunta na ko sa room at di namalayang tapos na ang klase. Kanina nagrereklamo ako kung bakit ang bagal ng oras ngayon ang bilis naman. Lutang ako kanina at ni katiting walang pumasok sa kokote ko. Dami kong iniisip.
Niligpit ko na yung ballpen na kanina ko pa hawak habang nag lelesson yung Math teacher namin. Inexpect ko gwapo. Ayy ang kinalabasan tanders. Kaya wala na rin ako sa mood makinig. -_-
Pagkalabas ko nakita ko siyang nakatayo sa gilid at nakasandal sa pader.
Dire-diretso akong naglakad at nagkunwaring hindi siya nakita.Hinigit niya ang kamay ko at sumunod na lang ako sa lakad niya. Wala ko sa mood na makipagbangayan sa kanya. Habang hinahangin ang buhok ko sa lakas ng hangin, kasabay nito ang pag langhap ko sa nakaka adik niyang pabango. Ang lakas ng tama. Kumbaga maiinlove ka talaga dahil sa bango. Feeling ko tuloy nasa commercial ako ng Juicy Cologne.
Amoy pa lang pamatay na. Idagdag pa natin yung nakakamatay niyang ngiti at mapupungay niyang mata. Hinahangaan ko to kasi lahat ng kahinaan ko, dun siya malakas.
Night Tyler Steinford...

YOU ARE READING
Million Reasons
Teen FictionSa milyong tao dito sa mundo, alam kong isa ang para sa akin dito. Hindi natin alam kung sinong nakatadhana para sa'tin. Pero sana ikaw na.