Chapter 7

562 15 2
                                    


Night's POV


Eto na. Eto na yung araw na pinaka hihintay ko. Yung araw na magiging masaya ulit ako. 


Ikaw at ako, pinagtagpo at sana di na muling magkalayo. 



Sigh.. 


Ilang oras na lang the party will start. And here i am. 


Shit! Nagulat ako ng maramdaman na pawis na pala ang palad ko. Ganto ba kapag kinakabahan? Napapasma? 


Ngayon ko lang naramdaman to damn! 


Lumipas ang oras hanggang sa magsimula ang party ni Max. May mga pinapapunta ako na mag uupdate sakin at ayun, sumusunod naman. 


Di ko alam bakit ganito. Pero i'll try my best. 


"Bro!!" 

Napatingin na lang ako sa likudan ko sa gulat. Hingal na hingal ito kakatakbo. 


"Ano na? okay na ba? Si Asha? Andun na ba sa party? Naka ready na ba lahat? Hey?!"


Hindi na siya makasagot sa sobrang hingal niya. 


"Night please, haaaaay!! Isa isa tanong. Haishhh!" umupo siya sa isang bench at sumenyas na umupo ako.


"Bro.. Si Asha, andun na. Table 17 sya, lahat ng inutos mo dun sa dalawang kambal okay na. THE HECK! WHY THE HELL IS YOUR FUCKIN' PHONE--- aigoooo!! " binatukan ko siya dahil wala siyang karapatan sigawan ang napaka gwapo kong mukha. Tsss.



Inoff ko yung phone ko kasi kukulitin ako ni Bonsai, sabi ko kasi di ako pupunta sa party eh. 


"Let's go."  hinigit ko na siya at pupunta na kami sa party. Sinubukan niyang mag reklamo dahil pagod pa daw sya kakatakbo pero hinayaan ko na lang. I'm too nervous shit!



Habang naglalakad kami papuntang venue napatingin ako sa mga bituin na kumikinang. Napangiti na alng ako sa sobrang ganda non. 


Naalala ko tuloy dati, lagi kaming nakahiga sa rooftop ni Asha para lang tumingin sa mga bituin. I miss that girl so much. 


Habang papalapit kami, naririnig ko na ang malakas na tugtugan mula sa loob. May mga nakakasalubong din akong mga schoolmate ko  na bumabati. Ganito ba talaga pag gwapo?  




ASHA'S POV

Eto na naman tayo, nakatulala sa mga taong masayang nagkekwentuhan. At eto na naman ako loner. Well wala naman nagbago dun. 


Kinuha ko yung phone ko at sinubukang i-contact si Night. ANo na kayang nangyari don? Bakit kay hindi siya pupunta? Damn...



Tinawag ko yung waiter na kanina pa pagala gala dito. Ayaw na ngang lumapit dito sa table ko kasi nakaubos  na ko ng tatlong pitsel ng tubig. Bakit kasia ng tagal nung debutant? Haayy!

Sorry naman kung mainipin ako. Sino ba namang hindi maiinip tapos wala kapang kausap. 


Kanina pa ko hilong hilo sa mga ilaw.


Napatingin ako sa mga taong humiyaw ng may isang lalaking pumasok. Dalawa sila. 


Napatayo ako ng maaninag ko kung sino yung lalaking pumasok. Naiwan yung isang lalaki dun sa entrance. 


Palapit ng palapit at paunti ng paunti ang distansya namin. Sobrang lakas ng dating niya, sobrang gwapo niya, may dala siyang isang bouquet ng flowers. Napagtanto ko na sa direksyon ko siya papunta. 


Palakas ng palakas ang tugtog at ganun din ang kabog ng puso ko. Parang sasabog na ito bigla. 


Biglang ngumiti ito na parang nang aakit, lumakas din ang hiyawan ng mga tao. 


Shit! Di ako ready bakit ngayon pa? Pwede naman sa ibang araw hindi dito sa party ni Max. Paunti ng paunti ang distansya. 


Paunti ng paunti...

Hanggang sa lumampas na siya sa akin, nakita ko ang mga mata nilang napakasaya. Yung ngiti nila parang aabot hanggang bukas. Hindi ko alam kung bakit ganito. 


Ang saya niya habang kinuha yung bulaklak na binigay ni Night. Nagyakap pa sila at biglang humiyaw na naman ang mga taong nakapaligid. Sobrang saya nila. 


Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha sa mga mata ko. 


Nakangiti ako pero umiiyak. 


Ang sakit umasa kasi akala mo ikaw na hindi pala. 


Tumakbo na lang ako. Kahit san ako dalhin ng mga paa ko makalayo lang sa lugar na to. 



Million ReasonsWhere stories live. Discover now