Hindi ko alam kung bakit. Ang daming pumapasok sa isip ko. Gulong gulo na ko.
At hanggang ngayon natakbo parin ako habang tumutulo ang mga luha sa mata ko. Ewan ko kung bakit.
Siguro nahulog na rin ako sa best friend ko na hindi ko namamalayan.
Nahulog na pala ko ng hindi sinasadya.
Hindi ko naman siya sinasakal bilang best friend nya, yung tipong ayoko lang na magka gilfriend sya. Yung parang gusto ko akin lang siya kahit walang kami.
Ang hirap ng ganito.
---
Pumunta muna ko sa isang park kung saan gusto ko mapag isa. Ang nakakainis lang, puro mag jowa yung mga nandito. Gabi na nag haharutan pa rin.
Mga naka kupal shirt pa. Ay 'couple pala'
Sigh..
Tinamad na tuloy ako. Pagkatapos kong umupo, nagpasya na akong bumalik na lang sa dorm para magpahinga.
Sayang oras ko kung tutunganga lang.
----
Saktong pagdating ko sa dorm may sandwich na nakapatong dun sa table agad kong kinain yun dahil gutom na gutooooom na ako.
puro tubig lang laman netong tiyan ko sabay puro iyak pa ko kanina..
Humiga na agad ako sa kama at dito ko na lang nalaman na pagod na pala ako.

YOU ARE READING
Million Reasons
Teen FictionSa milyong tao dito sa mundo, alam kong isa ang para sa akin dito. Hindi natin alam kung sinong nakatadhana para sa'tin. Pero sana ikaw na.