Chapter 4

577 15 0
                                    



Asha's POV



Sa haba ng pagtatawanan at pag uusap namin, di ko na namalayan na lumalalim na pala ang gabi. 


Napatingin ako sa kanya na napabuntong hininga na lang dahil sa traffic. Mag dadalawang oras na kaming naka upo dito sa kotse niya. At hanggang ngayon ay binabalot na kami ng katahimikan dahil pareho na kaming inaantok.


"Wag ka munang umuwi sa dorm niyo. Just stay in my Condo for this night. Baka bukas pa tayo maka uwi." 


Napahikab na lang ako sa sinabi niya. 


"Right. Sige dun na lang." 


Napansin kong mapula na yung mata niya dahil sa antok. Napatingin ako sa wrist watch ko. Alas dose na pala? O_O 


Ang bilis talaga ng oras pag masaya ka. 



Night's POV


Ilang minuto lang ang lumipas ng makarating kami sa condo ko dito sa Brei Ave. Nakatulog agad si Asha. Alam kong pagod to kaya nakatulog agad.


Ang saya titigan ng mukha neto. Lumapit ako ng kaunti at pinisil ang pisngi niya. 

Lagi kong pinipisil pisngi nito kasi ang lambot. Yung parang sa baby. 

Napatingin ako sa rear mirror. Di ko namalayan na nakangiti na pala ako. 

Parang may kakaiba. Fuck this smile! 

Lumabas na ko ng kotse at sumandal. Napatingin ako sa langit. Napakaliwanag ng buwan. Ang saya siguro makipag kwentuhan ng mga seryosong bagay. Kaso tulog na itong ugok na to. 


Binuksan ko na yung pintuan ng kotse. Pagkabukas ko bumungad sakin ang natutulog na nakangangang si 


Noreen Isabell Mortensen


And yes. Noreen Isabell ang real name niya. Naging Asha lang kasi yun ang tawag sakanya ng mga tita niya. Kasi may cartoon character ata na favorite nya at asha ang name. At ayun, pinanindigan ang pangalang asha. Pero kadalasan Noreen ang tawag ko sa kanya. 


Binuhat ko na siya at pumasok na sa condo. Habang naglalakad ay parang may nakasunod samin. Di ko na lang pinansin at binilisan ang paglakad.


"Hanggang ngayon pa rin ba?"  hindi ko pa rin siya nilingon. Alam kong nasa likod ko pa rin siya.


"Don't follow me." malamig kong sabi. 


"I want to talk to you. Just in 5 minutes."


Kinuha ko na ang card at dinetect. Agad kong binuksan ang pinto at sinara ng malakas. 

Million ReasonsWhere stories live. Discover now