Teka, san ba kami pupunta? Tama na muna ang daydreaming Asha, gising!!"Hey, san tayo Mister Gabi?"
Bigla kaming tumigil dito sa tapat ng bakanteng room sa Building C.
Ang weird naman. Bakit dito pa sa walang katao tao. Baka isipin ng iba may kung ano kaming gagawin. Nasa Pilipinas tayo kaya panghuhusga everywhere hello.
Pag nakitang magkasama. Issue.
Pag nakitang magka usap. Issue.
Simpleng galaw. Issue.
Welcome sa Pilipinas!!! Yehey.
"Tara na, may trabaho pa ko. Wala kong oras para tumambay." wika ko sa kaniya.
Agad naman siyang napalingon sakin at sabay umupo sa armchair.
"Mag-rrelax tayo dito. Kahit 10 minutes lang please? Samahan mo lang ako."
Ayoko talagang nag pplease sila sakin. Kasi di ako makatanggi. Kahit ano pang kahilingan yan, magaan o mabigat, basta narinig ko yung 'please'.
Wala lang, nakaupo lang kami dito. Ako nakatingin sa kalangitan. Sya nakapikit. Pareho talaga kami ng trip nito pag gusto mag pahinga. Punta lang sa tahimik na lugar, hinga ng malalim. Oks na.
NANDITO na ko ngayon sa Dorm kung saan ako tumutuloy. Sa tabi nito ay ang Chill Cafe na pinag tatrabahuhan ko. Hinihintay ako ni Night dahil may pupuntahan daw kami after ng shift ko. Buti na lang at hinatid nya ko dito kaya hindi na ko nabugnot sa traffic.
Lumabas na ko dala ang maliit na shoulder bag ko. Hanggang ngayon lutang parin ako.
Di ko alam kung bakit.
Abnormal na kung abnormal. Pero yun talaga.
May mga bagay talaga na hindi sapat ang bakit.
Dumaan ako sa likod ng Cafe.. Nakita kong nakaupo sa dulo si Night habang nakatingin sakin. Umiwas na lang ako ng tingin.
"Magandang Gabi baby Girl!" bati sakin Kai na lagi akong kinukulit. Pasalamat siya at di mainit ang ulo ko, kundi nabuhos ko sakanya ang hawak niyang mainit na sabaw.
Ngumiti na lang ako sakanya at sinuot ang aking color blue na apron.
"Bakit ganyan mukha ng baby girl ko ha?"
"Ay nga pala pinapasabi ni Madam, mag OT ka daw ngayon dahil maraming tao." dugtong niya.
"Di ako pwede mag OT, may gagawin pa ko."
"Utos ni Madam baby Girl. Ikaw muna diyan ha."
Dumiretso na ko sa kusina. Napailing na lang ako sa tambak na hugasin na tumambad sakin.
Napahikab na lang ako antok.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan kung saan ako nag huhugas. Di ko nalang ito pinansin at nagpatuloy na para magbanlaw.
"You took 2 hours washing this dishes huh?" napansin kong tumabi siya sakin at kinuha ang sponge sa gilid. Ramdam kong nakatingin siya sakin pero di ko pinansin yon.
"Bawal dito ang customer." agad kong kinuha ang sponge na hawak niya. Pero di ako nakapalag.
"Tutulungan ka na nga eh." binitawan niya ang sponge na hawak niya at hinigit ang kamay kong puro bula. Itinapat niya ito sa gripo at hinugasan. Nakatingin lang ako sakanya habang ginagawa niya yun.
" I'll do this. Just sit down there Ash. Pagmasdan mo ang napakagwapo kong mukha."
Pagkatapos niyang sabihin yun ay bigla siyang ngumiti.
that killer smile though.
"Bawal ka nga dito kulit! Baka pagalitan pa ko ni Mada---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla niya kong pinahidan ng bula sa pisngi.
"Fck You ten times-- Aaaaaaahhhhh!!" hinawakan niya ang pisngi ko at pinisil pisil ito. Ngayon ay para na akong ewan dahil punong puno ng bula ang pisngi ko. Shit!
"Pagnakain ko 'tong bula isusubsob kita diyan sa lababo!"
Eto pa rin siya habang hawak parin ang pisngi ko. Hawak ko ngayon ang buhok niya.
Sa lahat ng bagay na gagalawin ko wag lang ang buhok niya. Ewan ko ba boys, ang arte pagdating sa buhok.
Mainis ka ngayon!
Bigla niya kong hinalikan sa noo at niyakap ako na siyang ikinatigil ko. Pagkatapos nun ay bigla nyang pinitik ang noo ko.
Bumitaw na siya at nag hugas ng kamay.
"My hair!" nag aalalang sabi niya. Ako naman ngayon ang tawa ng tawa.
"Ang arte nito. Buhok lang eh! Hahahahaha"
Pagkatapos nyang mag banlaw ay nag hugas na ako ng mukha ko. Nakita kong inaayos niya ang buhok niya.
"Be thankful, kasi di muna kita kukulitin. Baka kasi di mo pa ko samahan."
kinuha ko ang towel at nagpunas ng mukha.
"Buti alam mo!" bigla niya kong hinigit paraan para mapalapit sakanya.
"Tell Kai that don't call you 'baby girl' again or he will die sooner or later."
YOU ARE READING
Million Reasons
Teen FictionSa milyong tao dito sa mundo, alam kong isa ang para sa akin dito. Hindi natin alam kung sinong nakatadhana para sa'tin. Pero sana ikaw na.