Chapter 3

704 18 0
                                        


Napakalamig na hangin ang tumambad samin ngayong gabi dito sa Park. Ang saya lang kasi kahit 9:00 na marami paring mga bata na naglalaro kasama yung mga magulang nila. Sana lagi na lang silang masayang ganyan. 

"Tara fishball tayo." alok ko kay Night na tumango din naman. 

"Buti napansin mo to. Balak ko pa sanang mag resto." 

"Kala ko kumain ka sa Cafe?" 


"Nawalan ako ng gana dahil sa Kai na yun."  srsly Night? Protective ata tong best friend ko ngayon?

"Bakit naman?" kumuha ako ng stick at tinusok yung fishball. 


"Bakit tinatawag ka niyang baby girl? Ha? Napakalakas ng boses niya pagkasabi nun." napatingin ako sa mukha niya. Parang gusto niyang sabihin 'papapatay ko talaga yun subukan niya. Huwag ka lang landiin nung mokong na yun nako' hahaha! Mga naiimagine ko. nako

"Miss yung sauce po natulo na." sabi nung nagtitinda kaya nilagay ko uli dun sa lalagyan. Di ko namalayan natutuluan na pala yung paa ko. 

Nakita kong kumuha ng baso si Night at nilagyan yun ng maraming kwek kwek. Tapos kumuha naman ulit siya ng isang baso at pinuno ng fishball. Nilagyan niya ng suka yung fishball at yung kwek kwek ay yung sweet sauce.

"Ano na namang pakulo yan?" napapatawa na lang ako dahil naweirdohan din yung tindero sa kanya kaya napailing na lang.  

"Try this." alok niya sakin. 

"Ayoko nga. Ano namang lasa ng suka sa fishball?" 

"Masarap." 

Lapad ng ngiti nito. Anong meron ngayon? 

Ako nagyaya siya nag bayad. Galing. 

Pagkabayad niya naglakad na ako papunta sa malapit na bench. Alam kong nasa likod ko lang siya na nakasunod sa akin. Naiirita ko habang naglalakad. Bigla akong napatingin sa paa kong may tulo ng sauce. Shit nilalangaw pa! Urghh. 

Para tuloy akong galit dahil pa martsa kong nilalakad tong isa kong paa namay tulo. Mukang tanga lang. -_-

Inaantay ko si Night ng bigla siyang lumuhod sa harap ko na parang mag po-propose. assuming alert


"Huy! Anong ginagawa mo?!" tanong ko sakanya. Inaabot niya sakin yung dalawang baso.

"Hold this."  kinuha ko naman agad iyon. Nakita kong may kinuha siya sa bulsa niya.

O.M.G

Don't tell me mag popropose ka nga? not.

Kaya pala kanina oa to nung narinig niyang tinawag ako ni Kai ng 'babygirl'. Tapos may pahalik halik pa sa noo ko with matching pahid ng bula sa pisngi. Tas may pa yakap effect pa! 


O.M.G 

sht

 Spell U.M.A.S.A ? Langya panyo pala kinuha! Pinunasan yung paa ko. 

Napatawa na lang ako sa mga iniisip ko kanina. 

In fairness. Effort.

Tumayo na siya at napabuntong hininga. 


"Asha babala."

"Huh?" nagtatakang tanong ko.

"Babala, Warning. Di mo alam?" 


"Gags! I mean--" 

"I know. Haha. Pikunin talaga to." eto na naman siya tatawanan na naman ako. Babaw ng kaligayahan. 

"De realtalk na. Warning Asha, wag titig sa gwapo kong mukha kung ayaw mong langawin ka." 

Bigla niyang binato sakin yung panyo. Sakto sa mukha ko. Badtrip! 

"Labhan mo yang panyo ko. Paa mo yang dinikitan niyan. Kadiri."


Bastos hutangina. 

Tinignan ko na lang siya ng masama habang papa upo sa tabi ko. 

"Dinuraan ko yang fishball mo."  natatawa kong sabi sakanya.

"Okay lang. Laway mo naman eh." Grabe siyaaa. 

Medyo natagalan akong sumagot dahil nag iisip ako ng pambara.

"Wala kang maisip na mababato no? Hahahaha." 

Sabi na eh! Kilalang kilala talaga ko netong alien na to. Psh.  

"Gusto mong itlog?" naningkit na lang yung mata ko dahil sa sinabi niya. 

"Anong itlog ba?" napatawa siya sa sinabi ko kaya napatawa rin ako.

"Anong itlog ba gusto mo?" 

"Yang kwek kwek. Ayan oh! Yung may sweet sauce! Alien ka talaga!"

"Ang gwapo ko namang alien?" pagkasabi niya nun nginitian pa ako ng nakakaloko. 

"Hmmm, ka level mo si kokey sa kapogian e."

"Kokey ah, makatitig ka nga sakin wagas. Batuhin kita dyan ng ano e."

"Ng ano?!"

"Nang-- nang stick!"


Napatawa na lang ulit kaming pareho. Wala kaming pake kung pinagtitinginan na kami dahil sa lakas ng tawa o boses namin, at sa mga kababuyan namaing ginagawa.


Million ReasonsWhere stories live. Discover now