Parang di ko pa kaya imulat ang mata ko dahil sa sobrang kapuyatan at kapagudan.
Teka? Anong oras na ba? Parang may mabigat na ewan na nakapatong sa ulo ko, parang pinukpok or what. Napahawak na lang ako sa lamesa ng sinubukan kong tumayo, nagdilim lahat ng paningin ko. Ang sakit ng ulo ko.
Parang binabarena.
"Ahhhhh!" napasigaw na ko sa sakit, wala akong makita at tanging naririnig ko lang ay parang kinukuskos na bakal, nakakangilo!
F*ck!!!
"Charm! Tulong! Ang sa-- Ahhhh!!" di ko na kaya! ang sakit ng ulo ko as f*ck.
"Charm!" sigaw ko ulit sa roommate kong tulog mantika.
Ang labo ng paningin ko, i feel dizzy. Sinubukan kong abutin yung phone ko pero di ko kaya, di ko maabot. Parang may pumipigil sakin. Anong nagyayari sakin.
Lord pls help me.
"CHAAAAARM!" hindi ko na talaga kaya sinubukan ko na talagang sumigaw sa abot ng makakakaya ko.
"Cha-harm--- tulung-nga-an mo ko..."
Bigla na lang akong nalaglag sa kama at wala ng namalayan.
CHARM'S POV
Kung nagising lang siguro ako agad sana nadala ko agad si Ash sa hospital. Parang feeling ko ako may kasalanan. Napabuntong hininga na lang ako at inaantay ang sasabihin ng doktor.
Sino ba pwedeng i-contact? Yung bestfriend nya yung Night ba yun? Di ko alam pero sya ata. Hinanap ko sa contact list ko pero wala. Hindi ko pa naman masyado kaclose yun. Hays
Hmmm? Wala naman akong ibang kilalang relatives niya. Galit na galit si Madam kanina pa. Dagdag gastusin na naman daw ang bayad sa hospital bills nitong si Asha. Grabe naman to, kung ikaw kaya ma-ospital no.
Agad kong kinuha ang phone ko para i-record ang sasabihin ni Doc.
"Miss? Ayon sa nakonsulta ko ay stress ang pasyente. Hindi lang sya basta stress dahil medyo malala siya doon. Ito ang tinatawag na Emotional stress, dahil ayon ho sa inyong nabanggit ay natutulog naman siya sa tamang oras, walang anumang sakit. Di po ba?"
"Opo doc."
"The signs of Emotional Stress ay ang mga Depression or general unhappiness. Anxiety and agitation. Moodiness, irritability, or anger. Feeling overwhelmed. Loneliness and isolation. Kailangan nya lang siguro ng makaka usap at mapaglalabasan ng loob, more water and sleep. And iwasan na rin ang negatives dahil maaring humila ito pababa sakaniya."
"Ahh, okay po doc. Salamat po "
Tumungo na lamang si Doc at umalis. Hay nako Asha pasaway na bata talaga. Sino naman kaya magbabantay dito? Kailangan ko pumasok sa school.
Kahit anong mangyari di ko siya hahayaang mag isa dito. Gagawa kong paraan teka.
NIGHT'S POV
Bakit kaya hindi sumasagot si Asha sa mga tawag ko? Hindi ko rin sya nakita sa party ni Max.
Im so tired.
Kailangan ko ng mag pahinga. Hindi ko na muna rin iistorbohin si Max dahil alam ko busy sya or else nag papahinga na. Grabe. Di ko inexpect na gusto rin nya ko. Well ngayon nasa dating stage pa lang daw kami. Im willing to wait hanggang mapa-oo ko sya.
Yung feeling ko ngayon is di ko ma-explain. Ang saya ko ng sobra. As in sobra sobra. Mix emotions. Di ko na matanggal itong ngiti sa labi ko. Buo na ang taon ko dahil sakanya.
Sa dami rami ng tao dito sa mundo, nararamdaman ko na siya na. Siya na yung makakasama ko habang buhay. I wanna grow old with her. Gagawin ko lahat para sakanya. Mapasaya ko lang ang taong pinakamamahal ko ng sobra.
Sana walang kapalit na lungkot itong saya na nararamdamn ko. Sana happy lang muna. Kasi di pa ko handa kung may mangyari mang malungkot.
I know hindi maiiwasan na malungkot. Pero i'll try my best na walang mangyari na hindi maganda.
YOU ARE READING
Million Reasons
Teen FictionSa milyong tao dito sa mundo, alam kong isa ang para sa akin dito. Hindi natin alam kung sinong nakatadhana para sa'tin. Pero sana ikaw na.