Chapter 5

531 14 0
                                    


Asha's POV

Anong oras na ba? Naramdaman kong may mabigat na nakapatong sakin. Hindi ko agad matanggal ang aking eye mask dahil nadadaganan din nito ang aking mga braso. Sinipa ko ang binti niya. Hindi pa rin siya natitinag. Muli kong sinipa ng malakas ang kanyang binti. Ngayon ay naalis ko na aking braso sa pagkadagan niya kasabay ang pag tanggal ng aking eye mask.


Nakita kong nakapatong siya sakin habang hinahaplos ang buhok ko. Tulog ba to? O nagtutulog tulugan? 

Napatingin ako sa wall clock, 5:48 am .

Sigh...


Ang aga pa para bumangon. Sinubukan kong matulog pero ayaw talaga. Sabi ng katawan ko, 'sige Noreen Isabell mahiga ka lang' , sabi naman ng utak ko 'Noreen Isabell bumangon ka na!'  mukha na kong tanga. 


Damn!


Sa ayaw at sa gusto ko, bumangon na ko. Nagpunta ako sa kusina at umupong nakatulala. In short bangag.


Mga ilang minuto din ako sa ganoong posisyon at di namalayan na 6:30 na.


Tumayo na ako at nagpunta sa ref. Nagkalkal ng makakain. Di papala nag gogrocery yung alien na yon. Kahit tinatamad akong magluto ay napilitan ako. Kesa naman magutom. Umiiral na naman katamaran ko. Hays

Kinuha ko na lang yung Mix na ingredients para sa pancake. Nag init ng pan at kinuha yung chocolate syrup at strawberry. Nagsalang na ko ng isang pancake. Hiniwa ko na rin yung strawberry para lamon na  lang mamaya.


Bigla kong naramdaman ang pag init sa bahagi ng aking likod at pag dampi ng kanyang labi sa aking batok. Napaismid na lang ako sa ginawa niya. 


"Anong oras pa lang ah? Aga mo atang nagising." sabi ko sakanya. Nakita kong kumukuha siya ng gata sa ref. 


"Nagising ako sa bango ng niluluto mo babe." 


"Luh? Suntukan na lang ano!"  sigaw ko sa kanya kaya napatawa siya. 


"Pakibilis babe, gutom na ko." 


Pinatay ko na yung stove at nilapat yung plato sa lamesa. Nilagyan ko ng chocolate syrup at strawberry. 


"Hep! Akin to! Magluto ka ng sayo!" 



"Whoah! Kapal naman neto eh gas at ingredients ko yung gamit mo tapos ganto lang?"


"Seriously? Electric gas stove po ang gamit ko Mr. Steinford! Medyo pahiya. Hahahaha!"  


"Sabi ko nga."  sabay kamot niya sa ulo.


Habang kinakain ko yung pancake ay nakatingin lang siya sakin.

Para bang sinasabi niya na "bigyan mo ko pakyu ka" hahahaha!

At dahil may punto siya sa sinabi niya kanina. Tinirhan ko siya ng isa. 


"Oh!" Sabay abot sakanya nung pancake. Kinuha nman agad niya yun.


"Say 'ahhh'" peste to susubuan pa ko.


"Hindi na ko baby."

"Babygirl kita eh. Siya oh, 'aaaahhhh'"


Aktong susubuin ko na yun ng bigla niyang kainin. 


"Gusto din naman pala ."  napahalakhak na naman siya.


Tinignan ko na lang siya ng masama











Million ReasonsWhere stories live. Discover now