Ang buhay ay maraming twist, maraming intersection, ups and downs, push and pull, minsan malungkot, minsan masaya, minsan sa ibabaw ka pero kadalasan sa ilalim. Maraming etchos, parang pelikula. Ang pinagkaiba nga lang, alam ng direktor ang magiging ending ng pelikula. E ikaw? Alam mo ba ang magiging ending ng buhay mo?
Alam ko ang unang sagot na pumasok sa utak mo. Mamamatay ka. Tama. H'wag matakot, iyon ang katotohanan. Doon ka pupunta. Doon tutungo ang iyong maluwalhating ending. O maluwalhati nga ba? Ako, ikaw, siya, sila, tayong lahat ay may katapusan. Pati ang kinaiinisan mong kontrabida sa buhay mo ay matsutsugi pagdating ng panahon.
Paano nga ba makipaglaro sa laro ng buhay? Makipagpatintero kay tadhana? Sundan ang pagtakbo ng bawat araw? At sabayan ang pag-ikot ng orasan? Maraming katanungan na dapat sagutin. Puwang na kinakailangang mapunan.
Likas na sa mga tao ang maging opinionated. Lahat na lang ay may palagay at kuro-kuro sa halos lahat ng mga bagay. Whether solicited or not, ang hilig nating magbigay ng payo sa ibang tao. Pero madalas, iyong sarili nating buhay, hindi natin maasikaso. Feeling magaling pagdating sa pakikialam sa buhay ng iba. Shunga naman kapag siya na ang nagkaproblema. Andali nating makaisip ng solusyon sa problema ng ibang tao, pero bakit sa sarili nating gusot, hirap tayong makalusot?
Aminin mo sa sarili mo, minsan ka nang naging pakialamera, tsismosa, etsusera, at kung anu-ano pang title na mapupulot sa kalye. Maraming issue na nakaka-tempt naman talagang salihan, makipagtalatasan,at makipagpalitan ng opinyon, kahit na hindi naman talaga hinihingi ang saloobin mo. Trip mo lang talagang makialam para "in" ka sa topic, at updated ka sa trend.
Hindi naman talaga si twitter o si facebook ang nagpa-uso ng "trend." Ang mga tsismosa mong kapit-bahay naman talaga ang orihinal na may likha, minsan kasali ka pa. Araw-araw iba't ibang buhay ang pinapa-trend nila. Iyong tipong inuuna pang magdaldal sa kapit-bahay kesa magsaing. Parang ikaw, minsan inuuna mo pang mag-post ng status o mag-scroll ng newsfeed sa facebook kesa magdasal pagkagising mo.
Kaya h'wag ka na talagang tumanggi, tsismosa ka. Iyon nga lang medyo sosyal kasi "digital tsismis" naman ang hatid ng social media sa'yo.
Madali naman talaga kasing makigulo sa usaping hindi naman ikaw ang diretsong maapektuhan ano man ang kahinatnan nito. Eh, paano kung ikaw na mismo ang sangkot sa gulo? Mauuna na ang pagkataranta. Nagpa-panic na ang utak mo. Hindi mo na alam kung paano mareresolba ang mga bagay na nagpapagulo sa isip at katinuan mo.
Halina at pagpiyestahan natin ang buhay ni Juana. Sumali na kayo at panghimasukan natin ang ilang mga isyung kinakaharap ng mga kabataan na maagang nakaramdam ng kirot na dala ng pana ni kupido. At sa huli, pagkatapos ng pagbibigay natin ng unsolicited advice, pulutin natin iyong makakatulong na payo, at pagtawanan natin ang mga kalokohang tila mas nagpagulo pa sa dati nang magulong mundo.
Sa bawat issue, may opinyon ka.
Sa bawat kuwento, nakikinig ka.
Sa bawat pangyayari, may usisero't usisera!
Sige na nga, heto naman ang masasabi ko.
Maniwala ka, buhay mo ang laman nito...
-greatfairy & manrvinm-
BINABASA MO ANG
He Speaks, She Talks (Completed)
SachbücherManiwala ka, buhay mo ang laman nito. A collaboration with @greatfairy ©2017 by greatfairy and manrvinm Rank 123 in Non Fiction - Jan 1, 2018