by: greatfairy
***
"Forcing someone to love you is like teaching the pigs to fly. It is never possible even in your dreams."
Naranasan mo na bang magmahal ng pader? Mahulog sa bangin? Mauntog sa bubong? Magbasa nang nakapikit at makipaghabulan sa pagtakbo ng buwan? Nasubukan mo na bang hipan ang ice cream bago kainin?
Kung hindi pa... malamang normal ka.
E 'yong magmahal ng taong manhid?
May tatlong uri ng tao na nakakalulong sa loob ng pag-ibig: a) nagmamahal; b) minamahal; at c) both a & b. Kung nagmamahal ka, dapat mong ipagpasalamat iyon kasi isa lang ang ibig sabihin niyan, normal ka. Hindi ka bato, hindi ka alien, at lalong hindi ka robot kasi may puso ka. Normal ang function ng hypothalamus gland mo.
Sabi nga nila, it is better to give than to receive. Kaya h'wag malungkot kung hindi ka mahal ng minamahal mo. Sa katwiran, mapalad ka dahil nagagawa mong mahalin ang taong hindi ka naman mahal. Maituturing na inborn talent iyon.
Pero, ngunit, subalit, datapwa't, hindi porke mahal mo ay pag-aari mo na puso niya. Alamin mo ang kalalagyan mo sa buhay niya. Huwag kang masyadong mag-expect, h'wag bigyan ng kahulugan ang mga gestures niya dahil hindi ka dictionary.
Ugaliing idistansya ang puso mo sa kanya kahit na nakaka-fall naman talaga siya. Magsuot ka ng parachute para kung sakaling magka-aberya ang puso mo, hindi ka bumulusok paibaba.
Naka-jackpot ka naman kung kabilang ka sa grupo ng mga minamahal. Magbunyi! Isang napakalaking himala iyon. Akalain mong sa dinami-rami ng tao rito sa mundo, ikaw pa ang kanyang napusuan! Akalain mong sa kabila ng itsura at ugali mo nagawa ka pa rin niyang mahalin! Hindi ka naman mukhang artistahin, at lalong malayo kang maging model. Kumbaga sa coke, sakto lang. Walang labis, walang kulang. Kumbaga sa grade, 75% ka, pasado sa panlasa. Kaya pahalagahan mo habang mahal ka pa niya, baka bukas bigla siyang mauntog at matauhan e 'di farewell party na.
Masarap magmahal, pero mas masarap sa pakiramdam kapag mahal ka ng taong mahal mo. Kumbaga sa demand and supply function, may breakeven point. Ngunit kadalasan ang nangyayari, habang tumatagal, tumataas ang demand mo sa pagmamahal habang bumababa naman ang supply nito. Ang resulta, nasisira ang relasyon. Nagkakaroon ng shortage ng supply ng pagmamahal at surplus ng demand ng atensyon.
Maraming hatid ang social media. Sa panahon ngayon, mas nauuna pang nalalaman ni facebook na broken-hearted ka kesa sa nanay o mga kaibigan mo. Post ka kasi ng post, hindi ka naman kinakabitan ng kuryente. Feeling mo ba matutulungan ka ni facebook na mawala ang dinadaramdam mo? May gusto ka sa kaibigan mo pero sa facebook ka nagco-confess. Niloloko mo ang sarili mo kasi para mo na ring kinakausap ang pader.
Pag mahal mo, ipaalam mo sa kanya. H'wag kay facebook, h'wag sa mga kapit-bahay mo. Malay mo 'di ba? May gusto rin pala siya sa'yo. Natotorpe nga lang kasi masyado kang maganda sa paningin niya. Pero ano nga ba ang sagot sa kadalasang krisis ng magkakaibigan: ang friendzone?
Totoong hindi mo matuturuan ang puso. Kung nagkakagusto ka sa kaibigan mo nang hindi sinasadya, hindi mo kasalanan. Love is an accident, you can never predict. Kaya habang may pagkakataon ka pang sabihin sa kanya ang nararamdaman mo, sabihin mo na. H'wag matakot ma-friendzone, doon ka rin naman mapupunta kahit hindi mo sasabihin.
Tandaan: it's better to try and fail than to never try at all. E ano naman kung hindi mutual ang feelings n'yo? Hindi mo naman 'yon ikamamatay.
Basic tips to confess your feelings:
1. Daanin mo sa pagkain. Gasgas man pero epektibo pa rin yung kasabihang, a way to man's heart is through his stomach.
2. Maging feeling close sa pamilya niya. Makisipsip ka. Mas madaling mahulog ang lalaki pag nagkikita niyang magkasundo kayo ng pamilya niya, lalo na ng mga magulang niya.
3. Be mysterious. H'wag mong ipangalandakan na may gusto ka sa kanya. H'wag kang clingy, h'wag siya i-text o i-chat parati, nakakaumay 'yon. Be natural, pero kumilos ka nang patalikod.
4. Be patient. Kung kailangan niya ng kausap, be there. Kung hindi mo kayang ipagtapat sa kanya ang nararamdaman mo, i-text siya at magkunwaring na wrong send sa kanya ang mensaheng para sana sa isa mo pang kaibigan.
5. Kung dinedma niya ang confession mo, iiyak mo lang. Ilabas ang sipon at i-utot ang masamang hangin. Move on! No matter how hard it is.
Isipin mong ang pag-confess ay parang pagsali sa beauty pageant. You are only given a shot to win the crown. Kung successful ang confession mo, congratulations! Pero tandaan mo, magbi-break din kayo--- kapag matanda na kayo at pareho kayong matsugi.
Kung epic fail naman ang confession mo, h'wag mong hayaan na malunod ka sa kalungkutan. Wala ka sa dagat. Linisin mo ang bahay n'yo, kiskisin ang toilet bowl sa banyo. Make your heartbreak productive. Magbasa ka ng Bible, puro kasi pag-ibig. Nand'yan si Lord, mas alam Niya ang paraan para gumaling ang sugat mo sa puso. Meditate and ponder in His words.
May iba naman na kahit ano pa ang gawin mong pagpapalakas ng kanilang loob ay matatakutin talaga. Takot na masaktan, takot na ma-reject-- takot na ma-friendzone. Iba-iba naman kasi ang klase ng tao, mayroon talagang hindi vocal sa kanilang nararamdaman. People of this kind are meek and often tend to show their feelings through action.
Tips para maiwasang ma-friendzone:
1. H'wag mong i-sentro sa kanya ang atensyon mo. Get a life!
2. Kill your expectations. Isipin mo na lang, ganyan siya sa lahat ng mga babae.
3. Read more books. Kung kinakailangan, iwasan ang manood ng sine kasama siya.
4. Set your priorities. Palaging unahin ang mga goals mo sa buhay.
5. Iwasan ang pana ni kupido. H'wag mong gawing open-book sa kanya ang buhay mo. Always set limits. Makisalamuha ka sa iba, bilog ang mundo. Malay mo, nasa kabilang kanto lang pala nakatira ang destiny mo.
6. Eat nutritious food and get enough sleep. Mas makakapag-isip ka kung nasa kundisyon ang iyong katawan.
Maraming tips na kumakalat sa internet na makakatulong sa 'yo. Pero walang kabuluhan ang mga ito kung ikaw mismo hindi mo kayang disiplinahin ang iyong sarili. When you really need an expert advice, talk to yourself.
Romantic relationship is a union of two hearts sharing a common affection, where they label themseves, couple. Unless you commit yourself to a union, you remain a lover...
×××
A collaboration by:
|greatfairy & manrvinm|
©2017
BINABASA MO ANG
He Speaks, She Talks (Completed)
SachbücherManiwala ka, buhay mo ang laman nito. A collaboration with @greatfairy ©2017 by greatfairy and manrvinm Rank 123 in Non Fiction - Jan 1, 2018