She Talks: Paano Mai-in Love Sa'yo ang Friend Mo?

308 33 6
                                    

by greatfairy

×××

Ang pag-ibig parang ikaw, ang gulo.

Paano ma-in love sa 'yo ang friend mo? Simple lang, landiin mo. Kung gusto mo, habulin mo. Kung mahal mo, ipaglaban mo. HAPPINESS IS A CHOICE. H'wag kang duwag.

Sa digital age, hindi na uso ang pakipot. Hindi na uso kung sino ang unang dapat gumawa ng move sa pagliligawan. Hindi na usong maghintay na lamang ang babae kung kailan siya liligawan ng lalaki. Hindi na uso yung aakyat ang lalaki ng ligaw.

Oh well, hindi naman lahat, pero kadalasan iyon nga ang nangyayari ngayon. Nand'yan ang cellphone, p'wede siyang itext o tawagan. Nand'yan naman si viber, messenger, o skype para mag-chat o mag-video call. Hindi na rin uso ang hagdan ngayon kaya wala nang aakyat ng ligaw sa'yo. Siyempre nilikha ang mga 'yan para mapadali ang buhay. Batang 90's ka kung naranasan mo lahat ng ito.
Bakit mo pa pahihirapan ang sarili mo kung lahat ngayon ay nakukuha na sa instant? Bakit ka pa babyahe ng mahaba kung may short cut naman palang daan papuntang poreber mo? Ano pa'ng silbi na pinag-aaralan sa Mathematics ang Shortest Path Algorithm kung long-cut lang din pala ang gagamitin mo.

Kinukulong natin ang ating mga sarili sa tradisyon, sa paniniwala, o sa "standard" na ligawan stage.

Nakakalungkot na may masamang impression na nakukuha ang kasalukuyang henerasyon. Iba raw ang noon sa ngayon. Aba! Sa formula ng buhay, change is constant, and the other variables depend on oneself. Noon wala ka pang buhok sa kili-kili, ngayon ay may kagubatan ka na sa katawan mo. Noon mahiyain pa ang kaibigan mo, ngayon kasing kapal na ng encyclopedia ang kanyang mukha.

Bakit ba nila ikinukumpara ang noon sa ngayon? Marami namang nagkakatuluyan na magka-phone pal, nagkakilala sa chat, o textmate at iba pa.

Hindi naman mahalaga kung paano nagsimula ang isang relasyon. How the couple stands for each other in their relationship is what counts the most. Minsan may mga magkasintahan nga na walo o sampung taon nang magkarelasyon ngunit nagkakahiwalay pa. May magnobyo na ikakasal na bukas ngunit biglang umurong ang bride kasi nagbago ang isip. May mag-asawang lima na ang anak pero nagdi-divorce pa.

Walang makakapagsabi ng perpektong relasyon. In fact, an ideal relationship is the most flawed. Iyong tipong nagkandasugat-sugat na ang puso ng isa't isa para ipaglaban ang relasyon pero nananatili pa ring matatag.

The difference between "dalagang Pilipina" and a "modern Filipina" is change. Sa panahon ngayon hindi na basehan ng pundasyon ng isang relasyon kung sino ang unang nagparamdam.

Ano nga ba ang mainam gawin para masungkit ang puso ng isang kaibigan? Minsan kasi lakas mantrip ni Kupido. Pinana ka na nga lang hindi pa tumagos sa kaibigan mo.

Hindi naman maiiwasan talaga na magkagusto sa isang kaibigan. Sa araw-araw mo ba naman siyang kasama. Pati bilang ng paghinga ng isa't isa ay halos alam mo na. Masasandalan mo siya anumang oras, mauutangan sa oras ng kagipitan (which is practically true), at higit sa lahat, siya ang unang nakakaalam ng lahat-lahat ng whereabouts mo. Ang malala pa, pa-fall siya, lahat ng hinahanap mo sa isang tao ay nasa kanya na.

Kung may syota na ang kaibigan mo, move on ka na. Tanggapin ang iyong kasawian. Hindi siya para sa'yo. It's either you wait for them to break up or you wait for someone to bump on you. Kung single siya, aba! H'wag ka nang mag-aksaya ng oras kung mahal mo nga talaga siya.

Pero hindi gano'n kadali. Dapat natural ang proseso ng pagkakahulog niya sa'yo. Hindi itinulak o pinikot. Ang mga sumusunod na steps ay maaaring makatulong sa 'yo.

Art of Landi With Poise:

Step 1. Be a friend. Treat him plainly as a friend. H'wag kang magpakita ng motibo. Magmumukha kang malandi na may bangs.

Step 2. Be accessible. Kung kailangan niya ng payong kaibigan, be there. Cry with him, laugh with him, and be with him when he needs you.

Step 3. Make him fall you. Be true to yourself. Mas na-appreciate ng lalaki ang babaeng walang paki sa sinasabi ng iba. May mga babaeng over conscious sa katawan. Iyong tipong halos kalkulado niya lahat ng kilos niya. Pilit na ngumingiti kaya nagmumukhang rabbit, at kalkuladong tawa ngunit sa kasamaang palad nagmumukhang ursula.

Step 4. Be independent. H'wag kang pabebe. Halimbawa: H'wag mong ibigay sa kanya ang shoulder bag mo kapag nag-offer siya na siya ang magdadala. Magmumukha siyang alalay na bakla. Hindi iyon sukatan ng pagiging gentleman. Shoulder bags were designed for women. Always remember that! Hindi mo naman siguro ikamamatay ang magbitbit ng sarii mong bag.

Step 5. Shape your own fashion. H'wag makiuso sa uso. H'wag magsuot sexy'ng damit kung hindi komportable. H'wag magsuot ng sobrang conservative kung hindi mo rin trip. Higit sa lahat, h'wag magsuot ng damit na kita ang iyong kaluluwa. Major turn off 'yon.
SEDUCE HIS HEART, NOT HIS EYES.

Step 6. Explore his interests. May mga taong nag-e-enjoy na makasama ang taong pareho sila ng interes. Kung mahilig siya sa sports, alamin kung bakit. To summarize, be interested with his interests.

Step 7. Never demand. Hindi ka niya girlfriend, kaibigan ka lang. Never demand for his time and attention. Know your limit, matuto kang lumugar sa lugar mo. Matulog sa loob ng banga kung kinakailangan.

Step 8. H'wag kang pa-fall. Kung mahal mo, panindigan mo. H'wag basain ang iyong sarili kung hindi ka rin lang maliligo.

Step 9. Respect his privacy. H'wag pakialaman ang cellphone niya kahit gaano pa kayo ka-close. H'wag siyang pilitin na magsabi ng kanyang sekreto kung ayaw niyang mag-share.

Step 10. Love unconditionally. Never expect him to reciprocate your feelings. Hindi kayo fraction. Kung kaibigan lang talaga ang turing niya sa'yo, tanggapin ng buong-buo. Cry now, move on later. H'wag ipilit ang ayaw. You'll just get hurt in the end.

Kung effective ang mga steps na nabanggit, maglaan ng oras para mag-celebrate. Tumalon sa tuwa at sumayaw ng boduts. Ibalita sa buong barangay at magpapansit.

Ngunit kung sa kasamaang palad ay walang nangyari pagkatapos mong gawin ang lahat ng steps, isa lang ang ibig sabihin niyan, bato siya, kaya move on ka na. Marami pang lalaki sa mundo. Iniisip mong madaling sabihin pero mahirap gawin.

H'wag ka, madali lang mag-move on, sadyang tamad ka lang. Tamad kang alisin siya sa isip mo. Tamad kang mag-entertain ng ibang bagay, because you're busy hurting inside. H'wag ka kasing tamad, kaya mabagal umusad ang ekonomiya ng Pinas.

Make yourself productive. Sabi nila, hindi natuturuan ang puso pero tandaan mong natututunan ang pagmamahal. Affection is a magic turned love. Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. Walang profit kung walang investment.

×××

A collaboration by:
|greatfairy & manrvinm|
©2017

He Speaks, She Talks (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon