Single But Happy

229 26 2
                                    

Pero hindi naman lahat ng tao ay agad na nakatatagpo ng magiging katuwang nila sa buhay. Ang iba pa nga ay inaabot na ng pagtanda pero tila maramot sa kanila ang pana ni kupido. Ano nga ba ang dapat gawin kung parang forever single na yata sa mundo?

Maraming mga tao ang natatakot na tumandang mag-isa. Iyong iba nga, OA pa. Nasa twenties pa lang pero kung maka-react 'pag single, akala mo huling-huli na sila sa last trip. Hindi naman puro sadness lang ang dala ng pagiging single. Hindi naman porke mag-isa ka eh, kalungkutan na ang kasunod. Marami kang puwedeng gawin para ma-enjoy ang pagiging single at maging masaya habang hinihintay mong dumating ang taong nakatadhana para sa'yo. Pero kung nangangarag ka pa rin at naliligaw sa mga nangyayari sa paligid mo, heto na lang ang mga tip ko sa mga puwede mong gawin para naman manatili kang single but happy.

Una, hinding-hindi ka mag-iisa at hindi mo mararamdaman ang pagiging lonely kung mayroon kang pamilya. Spend more quality time with your family. Mag-bonding kayo ng mga magulang at mga kapatid mo. Samantalahin mong single ka para ma-enjoy mo ang company nila. Nakakahiya naman na naghahanap ka ng company ng iba, eh nandiyan naman ang pamilya mong mula umpisa ay kasama at karamay mo na. Show them your love. At makikita mong hindi naman pala malungkot ang maging single.

Second, get a pet. Mag-alaga ka ng tuta o pusa. Kung may pet ka, mayroon kang ibang pagkakaabalahan at hindi mo na maaalalang single ka pala at walang jowa. Kapag nag-alaga ka ng hayop, mas matututo kang mag-care sa iba at preparation na rin iyon para sa future relationships mo. Kumbaga, nagte-training ka kung paano magmahal at mag-alaga habang hindi pa dumadating iyong taong mamahalin at aalagaan mo.

Next, go on a shopping spree. Kung may trabaho ka naman at may pera, aba mag-enjoy ka at bilhin ang lahat ng gusto mo. Bumili ka ng damit at iba pang mga gamit. Ibili mo rin ang mga mahal mo sa buhay. Share your blessings to them para naman hindi lang ikaw ang magiging  masaya, pati sila. Hindi ba ang sarap sa pakiramdam no'n? Kung kapos ka naman sa budget, puwede naman iyong mga little things lang. Hindi naman kailangang mahal ang mga bagay na bibilhin mo para sa'yo at sa mga mahal mo. It's the thought that counts pa rin. Wala pa ring tatalo sa pagmamahal na kakabit ng mumunting regalo mo para sa kanila.

Mag-travel ka! Libutin mo ang buong mundo. Char! Hindi naman kailangang sa ibang bansa. Maganda ang Pilipinas. Dito ka magsimula sa sarili mong bansa. Huwag maging dayuhan sa sariling bayan. Kilalanin ang bansang iyong pinagmulan, at kung may extra budget ka pa at saka ka naman maglibot sa ibang mga bansa. Malay mo, sa pagtra-travel na 'yan ay makilala mo na ang taong mamahalin mo at makakasama mo sa habang buhay.

Fifth, watch a movie or television shows. Ang daming magagandang palabas sa sinehan ngayon at maging sa telebisyon. Kung ayaw mong lumabas at pumunta sa sinehan, puwede na rin namang manood ng sine sa telebisyon. Madalas, ang mga bagong pelikula ay ipinapalabas na rin kaagad sa cable after just few months. Kung ayaw mo naman ng pelikula, naglipana ang magagandang K-dramas at iba ang mga palabas sa Netflix at iWant kaya siguradong may isang papatok sa iyong pihikang panlasa. Ang kakulangan sa kilig dahil sa zero lovelife ay mapupunan ng kilig na dala ng mga romantikong palabas. Don't worry, siguradong hindi ka naman maiinggit sa mga bida sa palabas dahil alam mo naman na may darating ding tao na magpapakilig sa'yo. Na-traffic lang siya siguro.

Have time with friends. Aside sa pamilya, masaya ring makipag-bonding sa mga kaibigan. Sila iyong mga taong hindi mo kadugo pero pamilya na rin ang turing mo. Sila iyong mga taong mas kilala ka pa kesa sa pagkakakilala sa'yo ng pamilya mo. Sila iyong mga taong kulang na lang ay maging karugtong ng bituka mo dahil sa sobrang closeness ninyo. It's time to have a solid bonding with them at i-enjoy mo ang oras kasama sila. Dahil kapag nagkaroon ka na ng jowa, siguradong mababawasan na ang mga oras na makakasama mo sila. So, samantalahin mo na ang oras na single ka pa at free as a bird. Lumabas ka with friends and explore the world with them.

Pangpito, magpaganda ka! Tama, magpaganda ka! Baka naman kasi mukha kang tilapia kaya wala kang lovelife. Try to assess yourself. Huwag magpapaniwala sa mga nagsasabi sa'yo na maganda ka. Baka naman kasi binobola ka lang nila. Ikaw mismo ang dapat kumilos para masigurong maganda ka nga. Hindi ko na ipaliliwanag kung ano ang mga dapat mong gawin para maging maganda. Malaki ka na, dapat alam mo na iyon. Basta, make sure na at the end of the session, you will be a better version of yourself. Ganern!!!

Magpa-sexy ka! Pagkatapos mong magpaganda, it's time to be sexy. Ang pangit naman na okay na ang itsura ng face mo pero hindi ka na magkasya sa pantalon mo. Time for Balik Alindog Program, hindi lang para maging sexy kung hindi para maging healthy. Para ito sa lahat, babae man o lalaki or kahit pa in between. Panahon na para sabay-sabay nating tunawin ang nag-uumbukang mga taba. Ibalik ang katawang malusog. Katawang ligtas sa mga kolesterol. Katawang magpapadagdag ng confidence mo para sa mas produktibong pamumuhay. Hindi ko naman sinasabing pangit tingnan ang mga matataba. Kailangan mo lang talagang maging health conscious para na rin may kakayahan kang maghintay sa pagdating ng inaasam mong kahati ng iyong puso.

Start a new hobby. Malungkot lang naman ang maging mag-isa kapag wala kang ginagawa or hindi ka occupied. Pero kung busy ka naman, wala kang panahon na mag-isip ng mga malulungkot na bagay. Wala kang panahong mag-emote kung bakit single ka pa. Kaya para mangyari iyan, mag-umpisa ka ng bagong hobby o anumang bagay na puwede mong paglibangan. Magsulat ka. Magpinta. Mag-aral magtanim ng mga bonzai plants. Mag-aral kang mag-bake. Kahit anong hobby pa 'yan. Ang mahalaga lang naman ay magkaroon ka ng ibang bagay na mapaglilibangan. Para hindi na nababagot sa bahay. Para hindi ka nalulungkot sa buhay. Lagi mong iisipin na sa bawat bagay na gagawin mo, puwedeng doon mo ma-encounter ang hinihintay mong pag-ibig. Puwedeng doon mo makilala ang taong makakasama mo habang buhay.

And lastly, indulge yourself into business. Mahirap ang buhay ngayon, mga ate't kuya. Huwag puro lovelife ang iniisip. Dapat mayroon din kayong way para mag-survive habang ini-enjoy n'yo ang kaligayahang dulot sa inyo ng lovelife. Magnegosyo! Huwang basta makuntento sa trabahong mayroon kayo ngayon. Putting your money into business is a good investment. Basta piliin n'yo lang mabuti kung anong negosyo ang papasukin n'yo at siguruhing matututukan n'yo ang negosyong ito, walang dahilan para sumablay kayo. Gawin mo ito habang hinihintay mo ang pagdating ng iyong "the one". Para kapag dumating na siya, puwede ka nang mag-concentrate sa pagiging masaya.


He Speaks, She Talks (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon