She Talks: Bigti na, Friend!

119 27 2
                                    

by: greatfairy

×××


Ang kapirasong tinapay ay hindi matatawag na burger pag walang patty sa loob. Ang patty ay hindi matatawag na burger kung hindi nakapaloob sa biniyak na kapirasong tinapay. Parang ikaw, wala ka ngayon sa mundo kung wala ang nanay at tatay mo.

Isang araw, natuwa si Lord. Naisipan niyang lumikha ng isang katulad mo sa mundo. Pero hindi naging madali ang lahat. Kinailangan Niyang pagtagpuin ang landas ng dalawang tao. Tinuruan Niya silang magmahal, masaktan, at magmahal ulit. Sinubok sila ng tadhana at tinangay ng panahon. Pero dahil mahal nila ang isa't isa, hindi sila kumawala sa lubid ng kanilang damdamin. Kaya ka nalikha. Kaya ka humihinga at nakikita mo ngayon ang kagandahan ng mundo.

Paikot-ikot lang ang buhay. Ang lahat ay dumadaan sa pagkabata, pagdadalaga at pagbibinata, at pagtanda. Sa kasamaang palad, hindi lahat ay pinagpapala. Hindi lahat mayaman, hindi lahat guwapo at maganda, hindi lahat kumpleto ang bahagi ng katawan. Hindi lahat matalino sa Math, sa English, sa Science, at sa kung anu-ano pa.

Lahat tayo ay may kanya-kanyang kuwento. Sabi nga ni Charo Santos, ikaw ang bida sa iyong kuwento. Anuman ang katayuan mo sa buhay, mayaman ka man o mahirap, pangit ka man o maganda, hindi ka makakaligtas sa pangil ng pagsubok.

Pero pakatandaan na hindi ka nilikha ng Diyos para sayangin ang buhay na ipinahiram Niya sa 'yo. Hindi ka Niya binigyan ng problema nang walang dahilan.

Maraming problema sa mundo. Pero alam mo bang tao rin ang may likha ng mga ito? Problems were created out of man's curiosity. Maraming katanungan ang tao sa kanyang isipan, at gusto niyang matugunan ang mga ito. Kaya nalikha ang Scientific Method. Kaya ka nakakagamit ng cellphone, kaya ka nakakapag-facebook ay dahil sa ideyang nabanggit.

Pero hindi lang mga scientists ang matatalino at curious. Hindi ba't minsan mo na rin naitanong sa sarili mo kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo ay ikaw pa ang binigyan ng ganyang problema? Minsan mo naitanong sa kawalan kung bakit ang unfair ng buhay.

Truth slaps. Life is never been fair. Kasi kung fair ang buhay, mawawalan ng saysay ang kahulugan nito.

H'wag mong problemahin kung hindi matangos ang ilong mo, buti nga nakakahinga ka eh. At h'wag mo ring problemahin kung hindi perfect vital statistics mo. Hindi naman 'yon requirement papuntang langit.

Ang lahat ng bagay na pagmamay-ari mo rito sa lupa, materyal man o talento, ay hindi mo madadala sa kabilang buhay. Kasi pag tsugi ka na, ililibing ka na lang sa ilalim ng lupa hanggang sa matunaw ang kahuli-hulihang buto mo sa katawan.

H'wag problemahin kung lahat ng problema ay na sa 'yo na. Tanggapin mong iyon talaga ang kapalaran mo. Iyon ang papel mo sa mundo.

Lahat ng problema ay may solusyon. Pero kung talagang masikip 'yang level of understanding mo, naku! Bigti na, friend!

Pero bago ka magbigti, alamin mo muna ang mga bagay na maiiwan mo.

Una, ang katawan mo. Hala ka! Hindi mo na maguguhitan ang kilay mo kasi nga multo ka na. Hindi mo na rin masusuot ang magaganda mong damit kasi nasa ilalim na ng lupa ang pinakamamahal mong katawan. Hindi mo na rin makakain ang mga paborito mong pagkain kasi hindi naman nagugutom ang isang multo.

Pangalawa, ang pamilya mo. Lalabas na wala kang utang loob. Hindi mo alam kung ilang beses umire ang nanay mo para maisilang ka lang. Dinamitan ka nila, pinakain at pinag-aral, pero magbibigti ka lang pala.

Pangatlo, ang mga kaibigan mo. Siguradong maiinggit ka sa kanila sakaling matsugi ka na kasi hindi ka na makakasama sa mga gimik. Hindi mo na rin sila makukuwentuhan tungkol sa love life mo. Hindi ka na makakasama sa group picture at kung anu-ano pang pakulo na ginagawa n'yo palagi.

Pang-apat, ang special someone mo. Tiyak na pag natsugi ka na, maniniwala ka na talagang may forever nga. Kasi hanggang tingin ka na lang forever. Hindi mo na siya mahahawakan, mayayakap o makakausap.

Panglima, ang buong mundo. Hindi mo na magagawa ang hobby mo. Hindi mo na rin makakamit ang mga pangarap mo no'ng bata ka pa. Hindi mo na rin ma-fulfill ang bucket list mo. Hindi ka na makakapag-status sa facebook. Hindi mo na rin matitikman ang biyaya kung matsugi kang virgin. Hindi mo na maikakalat ang lahi mo. Sayang!

On the other hand, okay na rin pala kung matsugi ka na kasi matatapos na ang paghihirap mo. Iyon nga lang, ang kaluluwa mo naman ang maghihirap. Ang lakas kasi ng loob mong kitilin ang buhay na ipinahiram lang sa 'yo. Natapos nga ang problema mo, pero nakagawa ka naman ng kasalanan.

Love is a choice. If you choose to entertain your feelings, you choose the possibility to get hurt as well. Hindi mo naman malalaman na nagmamahal ka kung hindi ka nasasaktan. Kasi ang pag-ibig parang combo meal, may iba't ibang kaakibat.

Kung nagkataong hindi ka mahal ng mahal mo, hindi ka biktima ng pag-ibig. Biktima ka ng pagkakataon, kaya h'wag mong mumurahin si Kupido kung hindi niya napana ang taong mahal mo.

Huwag mong ipilit kung ayaw, hindi nililimos ang pagmamahal. Magmumukha kang pulubi. Pulubi sa pagmamahal. Bleh!

May ibang nakalaan para sa 'yo. Lawakan mo ang iyong mundo. H'wag kang bulag, maraming nagmamahal sa 'yo. Maging mapagmatyag, mapangahas, matanglawin.

Hindi lang ikaw ang may problema. Ang presidente nga pasan ang problema ng buong bansa. Maliban do'n may personal pa siyang mga problema. Kung sa tingin mo napakalaki ng problema mo, isipin mong napakalaki rin ng mundo. Hindi ka nag-iisa. May taong mas mabigat pa ang problema kesa sa 'yo.

Kaya h'wag mong problemahin ang problema. H'wag mong pasanin ang mundo kasi may sarili 'yang axis, kaya niyang umikot mag-isa. Feeling mo naman orbit ka na sa 'yo lang umiikot ang problema.

Huwag mong sisihin ang buhay. Hindi mo kasalanan na ipinanganak kang mahirap. Kasalanan mo kung mamamatay kang mahirap pa rin.

You are given a single chance to change the lifetime. Make it your best shot.

×××

A collaboration by:
|greatfairy & manrvinm|
©2017











He Speaks, She Talks (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon