by: manrvinm
***
Naniniwala ako na sa isang relasyon, dapat laging may limitasyon. Kaibigan man 'yan o kasintahan. Hindi ka dapat lalagpas sa boundary ng pagkakaibigan. Dapat alam mo rin kung hanggang saan lang kayo bilang magkasintahan.
Masarap ang may kaibigan. Madalas, pamilya ang turing mo sa kanya. Siya iyong taong kapatid mo mula sa ibang mga magulang. Kumakain ka kasama siya. May mga pagkakataong natutulog kang katabi siya. Siya iyong kapag humingi ng kinakain mo eh mas marami pa ang nakakain niya kesa sa'yo. Siya 'yung pagtatawanan ka sa mga katangahan mo. Kukutusan ka niya sa bawat kagaguhang gagawin mo. Siya 'yung inaasahan mong dadamay sa'yo tuwing may problema ka at makikitawa sa bawat saya. Siya 'yung kapag nagbibiruan, akala mo nag-aaway na kayo. Pero hindi. Ganoon lang talaga ninyo kakilala ang bawat isa. Ganoon lang talaga kayo magmahalan. Isang pagmamahal na tulad ng kung paano ka magmahal sa kapamilya. Aminin mo bes, hindi ba may mga pagkakataong mas close ka pa sa kaibigan mo kaysa sa kapatid mo? At may mga sikreto kang alam ng kaibigan mo, pero hindi alam ng kapatid mo. Ganun katindi ang relasyon ng magkaibigan. Ngunit tulad din ng magkapatid, dumarating ang panahong nagkakaroon kayo ng tampuhan at mga hindi pagkakaunawaan. Pero sa dulo, ang kaibigan ay kaibigan. Hindi mo siya matitiis, bes. Gagawa ng paraan ang tadhana para muli kayong magkabati at muling gumawa ng masasayang mga alaala.
At dito na papasok ang mas komplikadong mga problema. Dahil sa sobrang closeness at attachment n'yo sa isa't-isa, dumarating ang puntong nagseselos ka na kapag iba ang kasama niya. Nagtatampo ka na kung hindi siya agad makapag-reply sa mga text messages mo. Iyong tipong sunod-sunod mo siyang pinadadalhan ng text messages pero wala siyang sagot kaya kung ano-ano na ang pumapasok sa isip mo. Baka may iba siyang ka-text. Baka naman may kausap siya sa fone. O mas malala, baka may ka-date!
Selos kaibigan.
Sige, sabihin nating normal lang 'yan. Katulad lang 'yan ng nararamdaman mo sa iyong kapatid. Gusto mong ikaw lang ang sentro ng kanyang atensyon. Gusto mong sa'yo lang nakalaan ang kanyang oras. Gusto mong ikaw lagi ang kanyang priority. Siyempre naman! Close kayo, eh. Bakit sa iba pa siya sasama eh, nandiyan ka naman? Bakit iba pa ang ite-text niya samantalang hindi ka naman nagkukulang kung text lang din ang pag-uusapan.
Nasasaktan ka sa mga inaakala mong pambabalewala niya sa'yo. Pero ang totoo, normal lang naman na maging close din sa iba pa ang kaibigan mo. Kasi hindi lang naman ikaw ang tao sa mundo. Hindi lang sa'yo umiikot ang buo niyang pagkatao.
Bes, tatandaan mo lagi na wala kang karapatang magselos. Kaibigan ka lang. Hindi naman kayo.
Pero kailan ba pumapasok iyong pagkakataong lumalagpas na sa pagiging magkaibigan ang isang relasyon?
Friends no more, but lovers.
Matanong nga kita. Ano ba talaga ang gusto mo? Maging friend mo siya? O lover?
Mag-isip kang mabuti bago ka sumagot. Mahirap magpadalos-dalos. Balansehin mong mabuti kung mas okay bang maging magkasintahan kayo kesa magkaibigan o vice versa?
Kailangang alam mo ang advantages at disadvantages ng bawat relasyon at sitwasyon. Anu-ano nga ba ang advantages kapag naging magkaibigan lang kayo?
1. Kung magkaibigan kayo, napakadaling magsabi ng sikreto. Hindi n'yo pag-aawayan iyan dahil friends share secrets with each other.
2. Kapag friends kayo, madaling magpatawad kung magkaroon man kayo ng hindi pagkakaunawaan. Hindi awkward ang feeling. Kasi wala namang romantic angle between the two of you.
3. Hindi mo kailangang ipaalam sa kaibigan mo kung nasaan ka at kung ano ang ginagawa mo sa bawat oras. In short, buong-buo ang freedom mo.
4. Hindi ka obligadong tumawag o magtext sa gabi para lang magsabi ng goodnight, i love you, o kung ano mang sweet nothings. Kasi kung lovers kayo at hindi mo iyan ginawa, lagot ka! Humanda ka na sa isang madugong paliwanagan kinabukasan.
BINABASA MO ANG
He Speaks, She Talks (Completed)
No FicciónManiwala ka, buhay mo ang laman nito. A collaboration with @greatfairy ©2017 by greatfairy and manrvinm Rank 123 in Non Fiction - Jan 1, 2018