BAKA SAKALI 3
I looked decent enough wearing a simple A-line, V neck ¾ Sleeve Mini Dress na tinernohan ko sa nude stiletto pumps na regalo saakin ni Nixon.
"Nanay Elay, nandito parin po ba si Nixon?" Tanong ko kay Nanay Elay habang tinutulugan siyang magligpit. Muntik ko nang makalimutan na nagpalipas pala nang gabi si Nixon dito, buti nalang at naisipan kong suotin yung regalo niya.
Tsk, estupida ka talaga Miq!
"Ah, si Gwaping ba yang tinutukoy mo iha? Naku, hindi man lang iyon nagpahinga at magdamag kang hinintay na lumabas sa kwarto mo. Aba, kung hindi lang iyon kinausap ni Donya Elisa ay baka nandun parin iyon ngayon."
Nakonsensya na naman ako ulit. Bwiset na lalakeng iyon, pinapakonsensya talaga ako, hmp! At
ano daw?—GWAPING?
Nagpaalam na ako kay Nanay Elay at nauna na. May appointment kasi akong kailangang puntahan sa ospital, kailangan ko paring magtrabaho dito and to my luck, may ospital na pagmamayari ng pamilya ni Nixon kaya madali akong nakakuha ang appointment with the chairman of the hospital. Ganun!
Pinagtitignan ako nang mga tao pagkapasok ko dito sa ospital pero binalewala ko iyon at dumiretso sa elevator papunta sa 5th floor kung nasaan ang opisina nang chairman.
"Goodmorning, Chairman Revas." Pagbati ko sa tatay ni Nixon. Ngayon ko palang nakaharap ang tatay ni Nixon and I could say, despite the age gwapo parin ito at malakas ang aura na nataglay niya. He resembles Nixon yun nga lang, makulit si Nixon unlike his father na sobrang seryoso kaya unti-unti akong kinabahan.
"Have a seat, Miss Morris." Agad ko naman itong sinunod at nagpasalamat. Kakaiba ang tension dito sa opisina ni chairman.
Tsk, si Nixon kasi e...Pwede naman akong magtrabaho kahit sa branch office lang nang ospital, hindi naman yun problema pero bakit dito sa main pa at kailangan ko pa talagang harapin ang tatay niya na nakakatakot palang kaharap?! Bwiset talaga!
"I've heard stories about you from my wife and Nixon as well. They say you're a really skilled anesthesiologist and this hospital needs the best skilled doctors, so I'm counting on you to show what you've got, the better best."
"Thank you for counting on me, Chairman and I really appreciate it. And yes, I will be at my best as one of the anesthesiologist of this hospital. I won't let you down, Chairman."
Pagkalabas ko nang opisina ng Chairman ay parang nakahinga ako ng maluwag. TALAGANG hindi ko in-expect na ganun pala kaseryoso at dedicated sa trabaho ang tatay ni Nixon. Well, nakarinig ako nang mga kwento tungkol sa chairman kay Nixon pero this was beyond my expectation.
"Baliw ka talaga, Milagro."
Napahawak naman ako sa dibdib ko at nagpakawala ng malalim na hininga bago sinipa ang alaga ni Nixon. Sumigaw naman ang loko kaya pinagtitignan tuloy kami nang mga tao.
"Uy, sino ba yang babaeng yan at ang kapal naman nang mukha niyang lumapit kay Sir Adriel."
"Ang mga babaeng kagaya niya, kailangang malaman kung saan lumugar. "
"Walang-wala siya kay Dra.Varidel at di hamak mas maganda si doktora."
Mga tsismosa! Hmp, nangiinit talaga ang dugo ko sa mga taong kagaya nila, kung makapagsalita parang alam ang lahat? WOW.
Sayang nga lang at wala akong oras makipagplastikan sakanila, maging insecure sila habang buhay, pwe!
Nagmadali akong umalis doon at dumiretso sa parking lot nang ospital. Nabwibwiset talaga ako at tska, sino naman yung doktorang tinutukoy nila? Aridel? Delair? Ay aba, ewan! Ampake ko! Bwiset!
"Hoy Milagro, hintay!"
Hindi ko siya pinakingan at pumasok na sa loob ng Mercedes Benz gle43 coupe na siyang regalo nila Mama saakin noong nagraduate ako nang medical school. Though, ngayon ko palang to nagamit dahil nasa Canada ako that time.
Bago ko pa naisara ang pintuan ay napigilan ito ni Nixon. Bwiset, hindi talaga ako tatantanan
neto? "Ano ba, Nixon?!"
"Woah, kalma ka lang Milagro. Labas ka diyan, ako ang magdadrive."
Pinangikutan ko siya ng mata, kung makapagsalita talaga tong bwiset na lalakeng to e, parang sakanya naman tong sasakyan!
"Hiyang-hiya na talaga ako sayo, Nixon! O, eto na ha? Lumabas na ako. Gusto mo ba nang isa pang sipa para magjelly-jelly yang mga tuhod mo?!"
Malakas naman siyang napahalakhak. "Sumakay ka nalang o baka gusto mo yung tuhod mo ang magjelly-jelly?"
Binatukan ko naman siya nang malakas bago pumasok sa shotgun seat. "Ang manyakis mo talaga, Nixon!"
Nakakaloko siyang ngumisi. "Sayo lang naman, Milagro."
Ewan kung dapat ba akong kilabutan sa sinabi ni Nixon pero hindi ko napagilang tumawa. As weird as this may sound, mas gusto ko pang saakin lang siya ganun at talagang hindi na siya makakaanak pa kung malaman kong may-iba siya.
Shit. Ano ba tong kagagahang pinagsasabi ko?! Ghad, nababaliw kana talaga, Miq!

YOU ARE READING
Baka Sakali
RandomMIRACLE QUINN MORRIS, A WOMAN WHO HAS NOT YET, GOTTEN OVER THE FACT THAT WHAT WAS GOING ON BETWEEN HER AND HER EX-BOYFRIEND, BLAKE IAN TORRES IS ALREADY AT ITS END POINT. MIRACLE QUINN GAVE HERSELF, HER OWN MISERY. SHE WAS THE ONE WHO LEFT AND NEVER...