BAKA SAKALI 4
"Bwiset ka talaga, Nixon! Anong kabaliwan ang pumasok diyan sa isip mo at magdamag kang nasa labas nang kwarto ko, ni-hindi mo man lang ako kinatok para sabihin na nandiyan ka! Bwiset ka tal–"
Nagulat ako nang biglaan akong niyakap ni Nixon. Naestatwa ako habang niyayakap niya ako. Shit!—yayakapin ko ba siya pabalik o tatayo lang ako dito?!
"Alam kong kailangan mo to kaya wag ka nang magpigil. Hindi mo kailangang magpanggap sa harapan ko."
Niyakap ko siya pabalik. He was right, I needed a hug. He knew me well enough to know, and I'm more than thankful right now. You know that feeling na hindi ka okay pero pagtinatanong ka na 'Okay ka lang ba?' o 'May problema ba?' wala kang ibang maisasagot kundi 'Okay lang ako' o 'Wala namang problema'
kahit na taliwas ang nararamdaman mo sa sinasabi mo.
During those times, a hug is all everyone needs. Mas comforting pa yung yakap kaysa puro nalang salita, puro tanong. Nakakabanas kasi minsan e, yung tinatanong ka kung okay ka lang tapos obvious naman na hindi.
Tatanga lang? Bwiset.
"Gusto mong magpahinga? You can sleep in my room." I smiled at his offer. Napakaconsiderate talaga ng isang to pag hindi ako okay well—palagi naman.
"I had enough rest. Akalain mo, dalawang araw akong magkukulong sa kwarto? Bwiset lang!"
Napatawa naman siya sa naging sagot ko. "I guess. Kumusta naman yung usapan niyo ni Dad?"
"Tinatanong pa ba yan? Of course, kinaya ko pero ilang beses kong hiniling na ibaon ang sarili ko sa lupa dahil sa sobra takot! Hindi ko naman in-expect na ganun kalakas ang aura nang dad mo! Bwiseett, nakakapressure kaya!"
Mas lumakas ang tawa niya sa mga sinabi ko. O, kita niyo? Tinawanan lang ako ng bwiset na lalakeng to!
"Ganyan talaga si Dad. Wag mo nang isipin ang mga sinabi niya at huwag mong hayaan na mapressure ka sa mga salita niya. You know you always do well, Miracle."
Biglang napawi ang lahat nang sama nang loob ko sakanya. Hindi ko rin namalayan na napangiti niya na naman ako. Was there ever a second na hindi ako napapangiti ni Nixon kahit na naasar na ako sakanya?
"Nga pala, I can stay over? Bukas na kasi ako magsisimula sa ospital, that is if hindi ako makakaistorbo?"
Ngumiti naman siya at ginulo pa ang buhok ko. Ugh, this guy really.. "Hindi ka istorbo and you'll never be, Milagro."
Pinagtaasan ko naman siya nang kilay. "Talaga lang huh? Kung hindi lang siguro ako patay na patay sa ex ko hanggang ngayon e, iisipin kong kinikilig talaga ako sa mga sinasabi mo."
Biglang nawala ang ngiti sa mukha niya at naging seryoso siya. "Kukunin mo ba ang mga gamit mo sa mansion niyo?"
Umiling naman ako. "Medyo matagal pa ang byahe pabalik dun, gagabihin ako pagnagkataon. Bibili nalang ako sa mall na malapit dito."
"Sasamahan na kita. We'll use my car, Milagro."
*******
Kanina pa kami paikot-ikot ni Nixon hanggang sa may makita akong boutique na natipuhan ko. "Hindi ka nagrereklamo ah, hindi ka pa pagod?"
Ngumisi naman siya saka yumuko para pantayan ang height ko. Bwiset, alam ko namang ipinagkaitan ako nang height at ang isang to ay hindi.
"Ibahin mo ako sa mga lalakeng nabasa at nakita mo sa mga palabas, dahil pagdating sayo hindi ako madaling mapagod, Milagro."
Bumilis ang tibok nang puso ko, karera lang ang peg! Shit, maghunos-dili ka, Milagro—este Miracle! Bwiset ka talaga Nixon, kung ano-ano ang ginagawa mo sa sistema ko!
Hindi rin kami nagtagal dun sa boutique, ang totoo kasi niyan, matatagalan talaga kami kung hindi ako nakumbinse ni Nixon. Kung hindi ko siya kasama e, binili ko na ang buong boutique, ganun!
"Pupunta ba dito si Daniella o baka naman busy iyon sa 'babe' niya?" Kapatid ni Nixon si Daniella. Minsan ko na rin itong nakasama tuwing binibisita niya ang kuya niya sa Canada.
"Pupunta raw kasama si Hale." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Nixon at tinawanan niya lang ako. Tss, wag lang talaga sila mag-PDA sa harapan ko at baka masuka ako sa kasweetan.
Pagkatapos naming kumain dun sa café ay umalis na rin kami ni Nixon dahil hindi raw tutuloy sila Daniella. Hindi rin naman sinabi kung bakit kaya sa susunod nalang daw. Hmp, gusto ko pa namang makausap si Daniella este—asarin. Ang dali kasing mapikon! HAHAHAHA.
Nasa parking lot na kami nang may nakabangga akong babae. Kasalanan ko rin naman dahil lutang ako at wala sa sarili kaya humingi kaagad ako nang dispensa kaysa gumawa pa nang eksena dito, nakakahiya aber!
"Brianna, damn! Be careful!"
Napatingin ako sa lalakeng kararating lang na inalalayan yung babaeng nakabanggaan ko. Ang
lalakeng hindi ko inasahang sa ganitong paraan ko makikita muli.
![](https://img.wattpad.com/cover/98371805-288-k935570.jpg)
YOU ARE READING
Baka Sakali
AcakMIRACLE QUINN MORRIS, A WOMAN WHO HAS NOT YET, GOTTEN OVER THE FACT THAT WHAT WAS GOING ON BETWEEN HER AND HER EX-BOYFRIEND, BLAKE IAN TORRES IS ALREADY AT ITS END POINT. MIRACLE QUINN GAVE HERSELF, HER OWN MISERY. SHE WAS THE ONE WHO LEFT AND NEVER...