BAKA SAKALI 6
"Hello, Miss. Bago ka dito, no?"
Tumango ako dun sa petite na babae na nagtanong. I didn't want to be rude kaya ipinakilala ko na ang sarili ko. "Miracle Quin Morris, but I prefer if you call me, Miq."
Inabot niya ang kanyang kamay, hindi inaalis ang ngiti sa kanyang mukha. From what I can see, masiyahin siyang tao, she seems so positive at tska, sociable.
"Olivia Dela Cruz, Livy nalang." Inabot ko ang kanyang kamay and in an instant, may kaibigan na ako. Well, that's a first.
Matutuwa talaga si Nixon kapag nalaman niya ito o baka naman aasarin ako. Teka—bakit ko ba siya iniisip? Gaga ka talaga, Miq! Galit ka sakanya, okay? GALIT.
"Miq, okay ka lang? Gusto mo nang tubig o ano?"
Kaagad naman akong umiling sakanya. "Anesthesiologist ka diba, Miq? Samahan na kita sa quarters ninyo, kilala ko kasi yung head ng Anesthesiology department."
Nandito kami sa opisina nang head ng anesthesiology department, dito ako dinala ni Livy. Marami pa nga siyang kinuwento saakin tungkol sa head naming, na nagpagalaman kong babae pala at may pagkaintimidating daw ito.
"O, andyan na pala siya e." Masayang aniya habang kumawaykaway. "Valeria!"
Napalingon naman ako at muntik, again.. muntik na akong mapanganga dahil sa gulat nang nakita ko. True enough, maganda nga yung head namin though, hindi ako masyadong naintimidate sakanya. Mas nagulat pa ako nang nakita kong nagtatawanan sila ni Nixon.
Kaya pala dumistanya siya saakin mula pa kagabi—may umaangkin na pala sakanya.
Natigil naman sila sa pagtatawanan nang makita nila kami ni Livy. Biglang nagseryoso ang mukha ni Nixon, pero nanatiling good mood ang head namin at binati pa ako.
"Ikaw yung bagong anesthesiologist diba?" Tumango naman ako sa tanong niya kahit napako ang tingin ko kay Nixon na ngayon ay malamig na nakatingin saakin. Tila, hindi iyon napasin ng head namin kaya hindi ako sinuway.
"Welcome, Miracle Quin Morris. Minsan ka nang naikwento saakin ni Papa. Valeria Kirstin Madrigal, but then you can just drop the formalities and call me, Val, instead."
Hindi ko napigilang mapatingin kay Valeria. Tinawag niya 'Papa' yung chairman diba? Yung chairman nang ospital na ama mismo ni Nixon? E, hindi naman sila magkapatid at sa pagkakaalam ko ay walang asawa si Nixon.
Hindi ko na maintindihan ang sitwasyon at naguguluhan narin ako sa nararamdaman ko—ano ba kasing dapat kung maramdaman?
Dumiretso ako kaagad sa rooftop, mahangin tska hindi masyadong matao dito. Aba, sino namang maghihirap umakyat sa stairs papunta dito? Ako lang siguro at mukhang magiging tambayan ko na ito.
"Ano bang nangyayari sayo, Miq? Ikababaliw mo na yata to. –Magpacheck up nalang kaya ako sa baba, papatulung ako kay Livy total marami siyang kak—Ay bwiset!"
Natigil ako sa pakikipagusap sa sarili ko—ako na ang honest dito ha, nagpapakatotoo talaga ako na nababaliw na ako. Sinagot ko yung tawag nang hindi tinitignan kung sino ba yun.
"Ano?!"
Nakarinig ako nang malakas na tawa sa kabilang linya. ["O, mainit yata ang ulo ng reyna. Ano, may problema kayo ni Kuya?"]
"Bwiset. Manahimik ka, Daniella. Di porket masaya ka sa lovelife mo ay que-questionin mo
ang akin! Hoy, uso ang privacy, gaga! Ba't ka ba napatawag ha?!"
Ang magaling na kapatid ni Nixon, nga naman. May pagkaasarin rin no? Pero akala mo kung sino kung mapikon. Leche lang?!
["May problema nga pero mamaya na ako mangungulit. Gusto ko lang sana kitang imbitahin ka sa opening ng bagong branch ng café ko!"]
Napangiti naman ako sa narinig ko. Hindi lang successful sa lovelife kundi pati sa career ang gaga. "Kailan naman yan? Kasisimula ko lang dito sa ospital, buti nga at hindi masyadong busy kaya nakasagot pa ako sa tawag mo."
Napabuntog-hininga naman siya sa kabilang linya. ["Bukas, 3pm sharp. Please pumunta ka, Miq at tska magsama ka rin ng kung sino kapag hindi pa kayo magkaayos nang kuya ko."]
Napailing nalang ako bago pinatay ang tawag. Nakakahiya naman kung aalis ako sa ikalawang araw ko, pero ayaw ko rin namang madisappoint si Daniella. Shit, anong gagawin ko?
"Dr.Morris, pinapapunta ka ni Doctor Revas sa operating room, ikaw ang kinuha niyang anesthesiologist, hihintayin po kitang magbihis at ituturo ko po sayo kung saang operating room."
Binalewala ko muna lahat nang mga bumabagabag sa isip ko at kailangan kong gampanan ang pagiging doktor. Pagkapasok na pagkapasok ko sa operating room ay naradaman ko ang tingin nang lahat na nasa loob pero hindi ko naman iyon pinansin, bahala na sila sa buhay nila.
"Let's start?"
YOU ARE READING
Baka Sakali
RandomMIRACLE QUINN MORRIS, A WOMAN WHO HAS NOT YET, GOTTEN OVER THE FACT THAT WHAT WAS GOING ON BETWEEN HER AND HER EX-BOYFRIEND, BLAKE IAN TORRES IS ALREADY AT ITS END POINT. MIRACLE QUINN GAVE HERSELF, HER OWN MISERY. SHE WAS THE ONE WHO LEFT AND NEVER...