Baka Sakali 9[EDITED]

1.8K 40 7
                                    

BAKA SAKALI 9

Pagkatapos kong magbayad ay nagpasalamat ako sa driver at lumabas na.

"Miracle? Oh my, Ikaw nga!" Napatingin naman ako sa pamilyar na boses na tumawag saakin at nakita ko si Daphne na tumatakbo papunta sa direksyon ko.

Sinalubong ko siya ng isang ngiti at niyakap siya pabalik. "Mukhang namiss mo ako, Daph? Parang noon lang ay kinamumuhian mo ako."

Hinampas niya ang balikat ko. "Gaga. Matagal na yun tska, natutunan ko na ang leksyon ko. Grabe kaya yung torture na inabot ko kay Blake! Pero keri na rin, atleast happy na ang lovelife ko ngayon!"


Napailing nalang ako nang maalalang kasal na ang bruhang Daphne. Sayang nga lang at hindi ako nakapunta sa araw ng kasal niya, marami pa kasi akong inayos sa buhay ko at hindi pa ako handang bumalik noon.

Naalala ko rin kung paano kami nagkabati, in the weirdest way possible. Umiyak kaming dalawa nang magdamag noon nang nagkaayos kami, then instant-bff's na kami ni bruha. Kaya nga lang, ilang araw din pagkatapos nun ay ang mapaghihiwalay namin ni Blake at ang paglipad ko papuntang Canada.


Sinubukan nga akong pigilan ni Daphne umalis, na huwag ko raw iwan si Blake, na huwag daw akong magpadalos-dalos at makipagayos kay Blake. Pero hindi ako nakinig. Matigas kasi ang ulo ng lola niyo at nagpumilit parin akong umalis. At eto ako ngayon, hinihiling na sana, nakinig nalang ako kay Daphne.

Napabalik ako sa realidad nang tawagin ni Daphne ang pangalan ko at dinamba ako ulit sa isang mahigpit na yakap.


"Nakita mo na siguro si Blake at Brianna. I know you're curious about them kaya sasabihin ko sayo ang tungkol sakanila but then, hindi ko masyadong maide-detalye dahil nagmamadali ako." Biglang lumakas ang tibok nang puso ko habang hinihintay ang susunod sa sasabihin ni Daphne. Siya lang talaga ang naguupdate saakin tungkol kay Blake, mula pa nung nasa Canada ako dahil hindi na ako binalitaan nang mga lokaret kong kaibigan kasi daw, uso ang salitang 'move-on'.


"It's been three years since naging sila. At first, hindi ako makapaniwala, no one did. Alam kasi nang lahat kung gaano ka kamahal ni Blake at kung paano, sa dalawang taon ay nagmukmok siya at nakita nang lahat kung paano siya naapektuhan nang pagalis mo. Nagulat nalang kami nang kumalat ang balita na naging sila ni Brianna. No one knows how and when they started basta, biglaan. Hindi rin naman ako sinabihan ni Blake dahil wala siyang tiwala saakin, kasi raw ipagkakalat ko. Echos naman yung lalakeng yun. Tse!"


Nagpaalam na si Daphne pagkatapos. Chineck niya lang kasi yung unit na bibilhin niya pangregalo sa pinsan niya, at may meeting pa siyang hinahabol kaya iniwan niya lang saakin ang contact number niya para daw maupdate niya ako.

Nagmadali akong pumasok sa unit ni Marga at napaluhod nalang ako sa pagod. Ang daming nangyari sa araw na to, mula sa problema ko kay Nixon hanggang sa mga nalaman ko tungkol kay Blake. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.


Why is my heart being torn by those two?


"Ayan kasi, nagpaloko ka naman. Alam mo namang shaky ang relationship niyo ni Edward dahil sa mga babae niya at paulit-ulit nalang kayo nagaaway tapos balak niyo pang magpakasal? Tapos e, ano ngayon? Nganga ka na naman dahil naabutan mo nanaman siya may kasamang babae sa condo niya?"


Nagpatuloy pa si Ceci sa panermon niya kay Marga. Tahimik lang akong nakikinig sakanila. Updated naman ako sa mga pangyayari, bago paman ako umuwi pabalik dito sa Pinas ay nakatanggap na ako nang imbitasyon sa kasal nila Marga at Edward at isa iyon sa dahilan kung bakit rin ako bumalik dito. Hindi ko naman kayang mamiss ang kasal nang mga taong super close saakin lalo na ang mga lokaret.

Sa pagkaalala ko ay hindi kayang mambabae ni Edward dahil sobra niyang mahal si Marga. Ilang beses na itong napaaway dahil lang sa mga lalakeng umaaligid kay Marga, at halos bantay-sirado si Marga sa ibang mga lalake at protekadong-protektado siya ni Edward. Pero nagkalabuan sila sa mga nagdaan na taon kaya eto.. nagkabalikan nga sila pero parang hindi.


"Loks, bakit hindi nalang kayo muna magbreak? Yung totoong break hindi yung ilang minuto, oras o araw lang. Hindi masama na tumagal kayo nang napakatagal, actually, nakakabilib nga e pero minsan ba naisip niyo na imposible na hindi kayo magbreak sa isang relasyon? E, parang hindi nga matatawag na 'break' yung 'break' niyo dahil hindi naman iyon tumatagal talaga. Oo, alam kong mahal niyo ang isa't-isa, despite the fact na palaging nambababae yang si Ed, alam kong mahal ka parin nun. Sadyang may mga bagay na hindi niyo kinaklaro sa isa't-isa at kailangan niyo iyong linawin. At kung kailangan niyong magbreak para magkalinawan, to see things in a better view, then wala naman sigurong masama kung magbreak talaga kayo." Aniya ko at dinamba sa isang yakap si Marga. Alam kong nahihirapan siya ngayon, kahit hindi niya iyon sinasabi ay pinaparamdam niya ang lungkot na nararamdaman niya at masakit na makitang nasasaktan ang kaibigan mo.


"May point siya, loks. Kung kayo naman talaga ni Ed, sa huli edi kayo talaga."



Hindi sumagot si Marga, imbis ay umiyak nalang ito sa bisig naming ni Ceci. Bwiset, mapapatay ko talaga si Ed! Pati na ang mga malanding babae niya.




Maghanda kayo sa pagbabalik ng nagiisang, Miracle Quin Morris.

Baka SakaliWhere stories live. Discover now