Baka Sakali 7[EDITED]

1.2K 20 0
                                    

BAKA SAKALI 7

Smooth ang naging flow nang opersyon, hindi naman kasi masyadong malala ang sakit nung pasyente at maaga itong naagapan. Still, hindi ko maiwasang mabilib kay Nixon. –Pero syempre, hindi ko iyon sinabi sa kung sino-sino baka kung ano pang isipin nila e.

Napabuntog-hininga nalang ako at nagstretching nang konti, nagulat nalang ako nang may biglang nagsalita sa likuran ko. –Si Nixon lang naman pala.


"Pupunta ka sa opening ng bagong branch ng café ni Daniella, bukas?" Nagkibit balikat ako.

"You should. My sister's expecting you to be there." Pinilit kong kalmahin ang buong sistema ko bago nagsalita. Bwiset talaga tong lalakeng to—bakit malamig ang pakikitungo neto, bigla-bigla?

Sus, wag lang ako ma 'joki-joki' ni Nixon kundi patay siya pagnagkataon.


"Hihingi naman ako nang pahintulot kay Val at kung sinuswerte ay papayagan ako kapag hindi, I have my own ways para bumawi kay Daniella."

Natahimik siya sa sinabi ko pero nanatili siyang nakatingin saakin. Tila sinusuri ako, which made me very uncomfortable. Kung hindi siguro kami magkagalit ay baka nasabihan ko na siyang manyakis.


"Sige, mauna na ako."


—Pero, hindi kami okay at hindi ko alam kung bakit. Nasasaktan ako, oo. Dahil ang kaisa-isang taong inaasahan kong hindi ako tatratuhin nang parang bula lang ay nagawa ito saakin.

Ipinilig ko ang ulo ko sa table ko dito sa headquarters at paulit na napabuntog-hininga. Hindi ko talaga maalis sa isipan ko si Nixon. –Well, hanggang sa may text akong natanggap na naalis sa isipan ko ang bwiset na mokong yun.


From: Dyosang Ceci

Hoy lokaret, ba't hindi ka nagpaparamdam aber? Pumunta ka dito sa condo ni gagang Marga at nagdadrama ang bruha! Bilisan mo at gugulpuhin ka naming pag hindi ka dumating. Mwah!

4:30PM


Hindi ko napigilang mapatawa nang malakas. Buti naman at walang tao dito sa headquarters at baka iisipin nilang nababaliw ako. Dali-dali naman akong nagreply.


To: Dyosang Ceci

Mahal ko pa ang buhay ko, lokaret ka! Nasa ospital ako—nagtatrabaho kaya maghintay kayo kung ganun. Mwah!


Si Ceci at Marga ay mga kabarkada ko simula pa elementary. Kahit na nagpunta ako sa Canada e, going strong parin ang friendship naming nang mga gaga! O diba, so unbelibable!

Narinig ko ang pagbukas nang pintuan kaya napatingin ako roon. Iniluwa nito si Val kasama si Livy, sa tingin ko ay magbestfriends ang dalawa to. Obvious much lang, Miq?

"O, Miq nagiisa ka lang ba dito?" Tatanga lang? Bwiset, kitang-kita na ako lang ang magisa dito tapos tatanungin pa talaga. Pinilit kong ngumiti sa tanong ni Livy. 'Wag mong sirain ang first impression mo gaga!'

Siniko naman siya ni Val sa naging tanong niya kaya nahiyang napatawa nalang siya. "Anyways, sumama ka nalang saamin ni Val, let's have a cup of coffee, shall we?"


Dinala nila ako sa isang café na malapit lang sa ospital. Halos kabisado na ng mga waiter ang order nila kaya hula ko ay palagi silang pumupunta sa café na to, suki sila dito kumbaga.

Baka SakaliWhere stories live. Discover now