BAKA SAKALI 8
***FLASHBACK***
Nakaupo ako dito sa may bleachers, hinihintay si Blake na matapos sa pagshower. Kakatapos lang kasi nang practice nila nang team, medyo natagalan nga lang kasi tinodo talaga nila ang pagpapractice para sa magiging laban nila ng Sieera University.
Natalo kasi ng Sieera University and Sanders, which is ang university naming kaya ayan, talagang pursigido ang buong team na bawiin ang titulo.
"Miracle!"
Napatingin naman ako sa kararating lang na si Daphne. Abot tenga ang kanyang ngiti, which is, unusual.
"Hinihintay mo ba si, Blake?" Tumango ako sa tanong niya. May kakaiba talaga sakanya ngayon, at masama ang kutob ko dito.
Daphne Ann Reyes. Ang walanghiyang ex ni Blake na patay na patay parin sakanya hanggang ngayon, at ilang beses na niya akong pinagbantaan, ma-piskal o verbal.
"Ganun ba? Samahan na kita at mukhang matatagalan pa sila dun sa loob." Kunot-noo ko naman siyang tinignan. Anong ibig sabihin niya?
Akmang tatayo na ako nang pinigilan niya ako at mahigpit na hinawakan ang pulsuhan ko.
"O, saan ang punta natin, Miracle? Hintayin na natin sila Blake dito, okay?" Pumiglas ako pero mas lalo niya lang hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko.
"Ang tigas talaga nang ulo mong babae ka!" Aniya at marahas akong tinulak pabalik sa mga bleachers. Tumama ang likod ko kaya hindi ako kaagad nakabawi. Ginamit niya ito at pinagsampal-sampal ako.
"Ang hirap makipagplastikan sayo kanina, yung tipo na puro ako ngiti sa babaeng kinamumuhian ko. Ang babaeng ang sarap patayin ngayon din!" Kinalibutan ako sa mga sinabi niya, talagang may saltik na ang babaeng to.
"Inagaw mo si Blake saakin, ang landi-landi mo kasi e! Alam mo namang may karelasyon na yung tao e, pumatol ka parin! Puro landi lang ba ang inaatupag mo, Miracle? Alam mo bang pwede sana na hanggang ngayon, ay kami parin ni Blake? Kung hindi mo lang ipinagsiksikan at ipinilit ang sarili mo sakanya! Ako ang mahal ni Blake at hindi ikaw! Ha! Ano ba kasing ginawa mo kay Blake? Isinuko mo ang virginity mo sakanya, para lang hiwalayan ako at maging kayo? Bullshit! Napakadesperada mong babae ka! Wala kang hiya!—"
Hindi na ako nanahimik pa at siya naman ang sinampal ko. pagkatapos ay hinila ko ang buhok niya pababa. Sinigurado kong masasaktan siya sa ginawa ko.
"Bakit sarili mo yata ang ikinukwento mo, Daphne? Ikaw na kahit sinuman ang tanungin mo ay alam na ikaw ang kaisa-isang babaeng isinuko ang virginity niya para lang maging sila ni Blake! Sa lahat nang babaeng naghahabol kay Blake, ikaw lang ang naglakas-loob na gawin iyon. Pero akala mo maipagmamalaki mo yun? Oo, tama ka. At some point, ako ang sumira sa relasyon niyo ni Blake. But so what?! Nobody even gave a damn to you nang nagbreak kayo. You were treated like an outcast simula nang maghiwalay kayo ni Blake. Because everyone knew the reason kung bakit naging kayo. Pero ibahin mo ako, Daphne. Naging kami ni Blake dahil mahal naming ang isa't-isa and everyone knows that. Hindi kagaya mo na hindi naman talaga minahal ni Blake at pampalipas oras niya lang! Ikaw ang totoong desperado saating dalawa, Daphne! Anong pumasok diyan sa kokote mo at ipinamukha mo na ako ang kontrabida dito? Stop putting all the bullshits on me!"
"Manahimik ka nalang Daphne, habang may konting awa pa akong natitira para sayo. At gusto mo akong patayin? Ha! Anong akala mo? Basta-basta nalang kita hahayaan? No fvcking way, Daphne Ann Reyes."
Hinila ko pataas ang buhok niya para magkaharap kami ngayon at kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata.
"Matapang ka? Akala mo lang yan, Miracle. Tignan nalang natin kung saan aabot ang tapang mo kapag nalaman mo na maaring may mangyaring masama kay Blake pati na sa mga kasamahan niya?" Natigilan ako sa mga binigkas na mga salita ni Daphne. Walang siyang awa! "Go, and be their 'miracle' dahil ikaw nalang ang tanging pag-asa nila."
"Nababaliw kana talaga, Daphne! Pati mga inosenteng tao ay dinamay mo sa kabaliwan mo! Baliw ka! Baliw!"
Binitawan ko kaagad ang buhok ni Daphne at iniwan na siya doon. Mabilis akong tumakbo papunta ng shower room. Bago ko pa man mabuksan ang pintuan ay iniluwa na nito si Blake na bagong ligo pa lamang. Kahit na, ay niyakap ko ito dala na nang takot at kaba.
"I was so damn worried, akala ko na kung anong nangyari sainyo! Mabuti at ligtas kayo.. mabuti at ligtas ka, Blake."
"Si Daphne na naman ba?" Walang alinglangan akong tumango. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya saakin. I could feel his breath near my ears, at narinig ko ang malakas na tibok nang puso niya.
"I wont let her come near you again. I promise you, this will be the last, Mimi."

YOU ARE READING
Baka Sakali
RandomMIRACLE QUINN MORRIS, A WOMAN WHO HAS NOT YET, GOTTEN OVER THE FACT THAT WHAT WAS GOING ON BETWEEN HER AND HER EX-BOYFRIEND, BLAKE IAN TORRES IS ALREADY AT ITS END POINT. MIRACLE QUINN GAVE HERSELF, HER OWN MISERY. SHE WAS THE ONE WHO LEFT AND NEVER...