BAKA SAKALI 5
Bakit masakit makita ang mahal mo na masaya sa piling nang iba? Ang sakit harap-harapang makita na ang lalakeng minsan akong minahal, ay may iba na.
Ang lahat nang pagmamahal, pagaaruga at pagkalinga niya saakin noon ay nasa iba na ngayon. Bwiset! Hindi ako pwedeng umiyak sa harapan niya at lalo na sa harap nang bago niya! Hinding-hindi.
Napabalik ako sa ulirat nang naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Nixon... ngitian niya ako at mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko bago tinignan ang magkasintahan sa harapan namin.
Tumikhim si Nixon para agawin ang pasin nung dalawa—pero nabaling ang tingin saakin nang lalake, ni Blake. Gustuhin ko mang magsalita pero may pumipigil saakin. In the end, si Nixon ang nagsalita para saaming dalawa.
"I'm sorry miss, hindi sinasadya nang girlfriend ko ang nangyari." Binaling naman ni Nixon ang tingin niya kay Blake bago tuluyang tumingin saaakin.
"Tara na, Milagro."
Hindi na ako umimik pa at nagpahila nalang kay Nixon. Bigla akong nawalan nang gana, ng lakas. Gusto ko na namang magkulong sa kwarto.
"Alam kong gusto mo mapagisa pero please, kumain ka muna." Hindi ako umimik at dumiretso na sa kusina. Wala akong gana pero..'niluto to ni Nixon para sayo Miq, umayos ka diyan at mamaya ka na magdrama!' Napabuntog-hininga ako at nagsimula nang kumain habang dumiretso si Nixon sa itaas.
Gaga ka talaga kahit kailan, Miracle! Inaabala mo pa si Nixon, ni-hindi pa nga kumakain ang tao! Bwiset! Napakainsensitive ko naman! Tangina!
Matapos kong kumain ay niligpit ko ito at pinaghandaan nang plato at tinimplahan nang paborito niyang juice. Timing naman ay kabababa lang ni Nixon.
I plastered a faint smile at lumapit sakanya. "Sleep in my room, may sofa naman dun sa kwarto ko kaya pwede ako dun."
Gusto kong tumutol pero hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at ngitian ako. Hindi na ako pumalag at nauna na sa kwarto.
Naisipan kong maligo muna para mahimasmasan ako nang kahit konti man lang at saka nagbihis nang pantulog. Paikot-ikot ako dito sa loob nang kwarto ni Nixon. Hindi pa kasi siya pumapasok dito at ilang oras na ang lumipas.
Oo, hinihintay ko siya. May konsensya parin naman ako at sakanya tong kwarto, I wouldn't mind sharing the bed with him. It's not as if we'll do something, kaya okay lang saakin.
Hindi na ako mapakali at lakas loob akong bumaba. Nakita ko naman siyang nakahiga dun sa sofa, napatawa naman ako sa posisyon niya. Halatang hindi ito sanay at hindi komportable.
Lumuhod ako at tinapik-tapik siya. "Hoy, Revas anong ginagawa mo dito sa sofa? May kama ka sa kwarto mo, aber! Tska, kung gusto mo sa sofa matulog, may sofa sa kwarto mo na mas malaki kaysa dito."
Umupo siya nang tuwid at seryoso akong tinignan. "Lalake parin ako, Milagro. I have needs at baka makagawa nga tayo nang milagro pagnagkataon."
Inarapan ko naman siya at pinagtaasan nang kilay. "Ampake ko sa 'needs' mo, ha? Problema mo na yan at wag kang mandamay!"
*******
Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Pagkagising ko ay napailing nalang ako sa mokong mahimbing na natutulog sa tabi ko. Pumalag pa siya dahil sa 'needs' niya kagabi tapos eto siya naglalaway sa kama.
Napagpasyahan kong magluto nang agahan, yung fried foods lang naman para hindi naman ako matagalan. Ipinagtimpla ko na rin nang kape si Nixon at alam kong mamayamaya ay gising na iyon. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa common bathroom dito sa may kitchen.
"O, gising na pala ang moko na grabe kung maglaway. Ano, mainit pa ba ang kape?" Umiling naman siya bilang sagot sa tanong ko. Bahagya akong nagulat dahil sa inakto niya, e.. kailan ba nagpatalo ang isang Nixon Revas saakin?
Nanatili akong nakatayo sa may counter at pinagmasdan si Nixon na kinakain ang iniluto ko. Ilang beses akong naglakas-loob na magsalita upang tanungin siya ngunit, ilang beses rin akong naduwag.
Dahil nakabathrobe lang ako mula paglabas ko sa common bathroom dito ay dinalaw ako nang lamig. Pinagpasyahan kong umalis muna dun at magbihis muna. Ngunit, bago pa ako tuluyang makaalis ay napatigil ako sa biglaang pagtawag ni Nixon sa pangalan ko.
"Miracle." Pinigilan kong kumunot ang noo ko sa seryoso niyang bangit sa pangalan ko. Anong nangyari sa pagtawag niya saaking, Milagro? Muntik ko nang masampal ang sarili ko sa harapan niya, bwiset lang talaga. Kung ano-ano ba kasing pumapasok sa isip ko!
"Bilisan mo sa pagbihis at sabay na tayong pumunta sa ospital. Kakain ka ba pa?"
Parang may kung anong kumirot sa puso ko. Magpapacheck-up na siguro ako, ano sa sinabi naman ni Nixon na dahilan para kumirot ang puso ko nang ganun-ganun lang? As if naman may pake siya kung kakain ba ako o hindi, e magutom na kung magutom, bwiset!
"Magbibihis na ako. Ayaw ko namang masayang ang mahahalagang oras mo, Nixon."
YOU ARE READING
Baka Sakali
SonstigesMIRACLE QUINN MORRIS, A WOMAN WHO HAS NOT YET, GOTTEN OVER THE FACT THAT WHAT WAS GOING ON BETWEEN HER AND HER EX-BOYFRIEND, BLAKE IAN TORRES IS ALREADY AT ITS END POINT. MIRACLE QUINN GAVE HERSELF, HER OWN MISERY. SHE WAS THE ONE WHO LEFT AND NEVER...