Gwen's POV:
Andito ako ngayon sa room namin. Naghihintay sa magandang guro namin. Habang nag hihintay sa kanya ay tinitignan ko ang naglalampungan na si Zaldy at Thunder. Si Thunder ay ang aming kaklase na gwapo.
I admit gwapo talaga tong kalandian niya ngayon. Walang halong biro.
Imbis na ituon ko ang atensyon ko sa dalawang to ay tumingin nalang ako sa labas.
Paano kasi yung upoan ko ay malapit lang sa pintuan. Kaya malamang sa alapang mas maganda pang tignan ang labas kaysa sa katabi kung may kalampungan.
"Oy Gwen." napatingin naman ako sa tumawag saakin. Walang iba kundi si Nikka.
"Ano?" Tanong ko sa kanya.
"Pwede ba raw na sumabay saatin si Rodelo. Mamayang lunch?" Tsk! Si Rodelo ay yung lalaking kasama nung lalaking nacu-cute-an ni Zaldy. Yung Kenneth ba yun?
Kahapon lang nagkakilala si Rodelo at Nikka pero kung maglandian sa chat mapagkakamalan mong magsyota ang dalawa. Matindi diba? Paano ko ito nalaman? Panay send kasi si Nikka saamin kung ano ang convo nilang dalawa.
"Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba ang mag su-subo ng pagkain sa kanya?" Mataray kung tanong sa kanya.
"Hala siya! Tinatanong ko lang naman kung okay sa iyo. Baka kasi di ka komportable na may ibang kasama tayo." Sabi ni Nikka saakin.
"Whatever! Bahala kayo diyan." Mataray kung sabi sa kanya ulit. Hindi ako maldita. Sadyang nakakaurat lang ang mga kalandian nila! Jusko!
"Good Morning ma'am!" Napatingin ako sa guro namin na nakangiting pumasok.
"Good morning din class!" Ang ganda niya. Sobra! Ilang taon na kaya to?
"Ma'am? Ilang taon kanaba?" Napatingin ako sa isang kaklase namin ng bigla niya itong tinanong.
"21 years old." Nakangiting sagot ng guro namin.
Seriously? Bakit ang babata ng guro namin? Ang gaganda pa nila.
Nag tuloy tuloy lamang ang kanilang tanong sa guro namin. Mga tanong na tungkol sa buhay niya. Mas maayos na ito kesa magturo siya agad.
Makalipas ang ilang oras. Ay lunch time na. Habang papunta kami sa room nila Jane ay kinakabahan ako. Kinakabahan sa hindi malaman na dahilan.
"Rodelo!" Masiglang tawag ni Nikka sa kaklaseng lalaki nila Jane.
"Hi Nikka! Pumayag na sila Noreen at Jane na makikisabay kaming kumain sa inyo." Nakangiting sabi ni Rodelo sa kanya.
"Kami? Akala ko ba si Rodelo lang ang makikisabay?" Tanong ko kay Nikka.
"Makikisabay rin daw yung kaibigan niya." Sabi ni Nikka.
"May problema ba dun Gwen?" Tanong ni Zaldy saakin.
"A-ah nothing! Sige na pumasok na tayo." Habang papasok kami sa room nila Jane ay may nakita akong lalaki na siyang mas nagpakaba saakin.
Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan. Tsk! Di ka dapat kabahan Gwen. Jusko! Walang dapat ikakaba.
Nung tuluyan kaming pumasok ay napabuntong hininga ako ng makitang hindi yung lalaking yun ang makikisabay kung hindi ibang tao na kaklase rin nila.
Mabuti nalang talaga at hindi siya ang makikisabay kasi hindi ako komportab-
"Hi guys!" Napatingin ako sa lalaking biglang nagsalita. Napalaki ang aking mata ng makita ko siyang nakangiti ng sobrang laki.
"Sasabay ka rin?" Tanong ni Zaldy sa malanding tono.
"Yup! Kung okay lang sa inyo?" Nakangiting tanong niya saamin.
"Okay na okay!" Mabilis na sagot ni Zaldy sa kanya.
"Umupo ka nalang sa tabi ni Gwen." Pagkasabi ni Zaldy nun ay agad akong nag reak.
"Bakit sa tabi ko? Pwede naman sa tabi mo!" Galit na sabi ko kay Zaldy.
"Like duuuuh! Yung katabi mong upoan lang ang bakante. Look oh! Perfect circle na ang nagagawa natin. Wag mong sabihin na ipapakuha mo pa siya ng ibang upoan?" Mataray na sabi ni Zaldy. Napabusangot nalang ako kasi alam kung matatalo lang ako ng baklang to pati narin nila Noreen na nakataas na ang isang kilay na nakatingin saakin.
Nang wala na akong masabi ay agad na umupo siya sa tabi ko.
Ako naman ay binaling ang aking katawan sa ibang direksyon. Nakakahiya naman siguro kung nakaharap ako sa kanya habang kumakain no? Mas mabuti pang sa ibang direksyon tumingin kaysa sa mukha niyang may nakakapatay na baba!
"Pagkatapos nito ay ipapakilala ko yang mga kaklase ko sa inyo." Nakangiting sabi ni Noreen saamin. So ganun? Tsaka lang ipapakilala kung saan nagkakasama na?
Nang matapos na kaming kumain ay nag pa ganda muna kami saaming upoan. Nag lagay ng pulbos at lipstick.
"Siya nga pala si Rodelo" napatingin ako bigla kay Noreen ng magsalita ito. Di ba siya na inform na kilala na namin si Rodelo?
"Alam na namin." Sabi ni Zaldy.
"Ganun? Sino ba dito yung hindi niyo kilala?" Tanong ni Noreen.
Ngumuso naman si Zaldy sa direksyon ko at sa direksyon ni Nikka.
"Si Kenneth yang katabi ni Gwen. Si Christian naman yang katabi ni Nikka." Sabi ni Noreen
"Hi!" Bati nila. Ako naman ay tumango lang sa kanila. Kasi tumingin sa aking direksyon yung Kenneth.
"Nga pala Kenneth, Rodelo at Christian. Si Nikka pala yang katabi ni Christian at Rodelo. Si Gwen naman yang Katabi ni Kenneth. Si Zaldy naman yang isa." Pagpapakilala ni Jane saamin.
Tumango lang ulit ako sa kanila.
Makalipas ang ilang minuto na pagpapakilala sa mga kaklase nila Noreen ay bumalik na kami sa classroom namin.
"Ang cute talaga nung Kenneth no?" Sabi ni Zaldy.
"Ang landi mo talaga kahit kailan!" Sabi ko sa kanya.
"Totoo naman kasi yung sinasabi ko eh!" Pag poprotesta niya.
"Tsk! Ewan ko sa iyo! As if I care naman diyan!" Sabi ko sabay irap sa kanya.
Bakit ba ang daming malalandi ngayon? Makakita lang ng lalaki sasabihin agad na cute at pogi ito kahit hindi! Mga kalandian nga naman nila!
-
A/N: Kung may mali man sa sulat ko ay pagpasensyahan niyo na.
By the way thanks for reading this chapter. Please continue and enjoy reading. You can leave any comment so that I can improve my writing skills. Spread love readers. Thank you ♥
BINABASA MO ANG
Your Smile Captured My Heart
FanfictionPaano kung bigla kang magkagusto sa isang lalaki na hindi mo naman tipo? Gagawin mo ba ang lahat para magustohan ka rin niya? O baka naman ay mag na- nakaw tingin ka nalang sa kanya? Ano nga ba ang ninanais mong gawin? Ang gumawa nang kilos para m...