Gwen's POV:
"Mabuti pa kayo may boyfriend. Ano kayang feeling magka boyfriend no?" Out of the blue na biglang tanong ko sa kanila. Ewan ko ba kung bakit bigla ko nalang yan natanong at huli nang bawiin ito kasi lahat sila ay nakatingin na saakin.
"Subukan mo nang malaman mo." Sagot ni Noreen saakin.
"Eh walang nanliligaw saakin." Sabi ko saman sa kanila.
"Edi ikaw ang manligaw." kung may iniinom siguro ako ngayon paniguradong naibuga ko na iyon.
"What?! Ako? No way! Hindi ako ganun ka desperada para manligaw no!" Sabi ko sa kanya.
"Alam mo. Sa panahon natin ngayon eh yung ibang babae sial na yung nanliligaw. Kaya wag kang ano!" Sabi ni Zaldy.
"Sabagay yun ang ginagawa mo eh." Sabi ko sa kanya sabay dila.
"Hoy! Hindi ah!" Pag de-deny nito.
"Anong hindi? Hindi ba ikaw yung nanligaw dun sa isang singer?" Sabi ko sa kanya. Nag isip naman siya kung sino ang sinasabi kung singer. Sa dami ba naman nang syota nito paniguradong mapapaisip talaga siya.
"Ay... oo nga no? Pero siya lang isa no at hindi na naulit yun." Sabi nito saakin. See? Tama akong nanligaw rin siya.
"Try mo kayang mag confess nang nararamdaman mo kay Kenneth, Gwen? Baka may gusto rin siya sayo o di kaya ay magustohan ka rin niya." Sabi nila saakin. Napailing nalamang ako. Kasi diba nga? May nakakamabutihan na si Kenneth sa room nila? Baka nga syota narin niya yun eh. Hindi ko narin kasi nakikita si Kenneth. Nakailang araw nang hindi nakikita.
"Diba may nakakamabutihan na siyang babae sa room niyo?" malungkot kung tanong sa kanila.
"Walang lang yun oy! Nalaman naming kapatid lang pala ang trato nila sa isa't isa." Sabi ni Juvy saakin.
"Seryoso bayan? Baka sinasabi mo lang yan saakin para hindi ako mawalan nang pag-asa sa lalaking yun." Sabi ko sa kanya.
"Totoo naman kasi. Diba guys?" Tanong niya sa kanila.
"OO!" malakas na sigaw nila.
"Juvy!!!! Andito na si Kenneth!!!!" bigla kaming napatingin sa pinto nang bigla itong bumukas. Yung nanay lang pala ni Juvy. Nasa bahay nila kasi kami ngayon. Sabado eh walang magawa kaya dito muna kami tatambay pero parang mapapaalis na siguro kami ngayon.
"Pano bayan guys? Sibat na tayo?" Sabi ni Noreen.
"Parang ganun nanga." Pag sang-ayon naman ni Nikka.
"So Juvy. Alis na kami ha?" pagpapa-alam ni Jane.
"Sige guys. Pasensya at dumating na yung boyfriend ko." nakangiting sabi ni Juvy saamin nginitian lang namin siya at lumabas na sa kwarto niya. Nakita naman namin si Tita na busy sa pakikipag usap kay Kenneth. Nga pala ibang Kenneth to ah? Ito yung Kenneth na boyfriend ni Juvy at hindi yung Kenneth na gusto ni Gwen. Sadyang magkapangalan lang talaga yung dalawa.
"Tita at Kenneth alis na kami." Pagpapa-alam namin sa kanila.
"Osya! Mag ingat kayo sa daan." Sabi ni Tita at nginitian lang kami ni Kenneth. Dali dali naman kaming lumabas.
"Saan tayo ngayon?" Tanong ko sa kanila.
"Sorry guys pero may date kasi kami ngayon ni Shin eh." Sabi ni Noreen.
"Kami rin ni Rodelo may date." Sabi naman ni Nikka.
"Pinapapunta ako nang mommy ko sa salon namin ngayon eh." Sabi naman ni Zaldy.
BINABASA MO ANG
Your Smile Captured My Heart
FanfictionPaano kung bigla kang magkagusto sa isang lalaki na hindi mo naman tipo? Gagawin mo ba ang lahat para magustohan ka rin niya? O baka naman ay mag na- nakaw tingin ka nalang sa kanya? Ano nga ba ang ninanais mong gawin? Ang gumawa nang kilos para m...