Chapter 15

11 1 0
                                    

Gwen's POV:

"Sino nga pala yang kasama niyong isa? Di ko ata kilala yan." biglang tanong ni Noreen saamin kaya napatingin ako kay Jane. 

"Si Jewook pala." Sabi ni Jane at kumain ulit. 

"Bagong kaibigan niyo?" Pagtatanong ni Noreen saamin ulit.

"Ye-" sasagot na sana si Jane kaso pinutol ito ni Jewook.

"Actually Ex boyfriend ako ni Jane." nakangiting sabi ni Jewook na para bang wala lang iyon. Tinignan ko naman si Noreen na nakanganga ngayon. Hindi makapaniwala sa sinasabi nang lalaking nasa harapan niya ngayon.

"Babe ang bibig mo. Baka mapasokan yan nang langaw." Sabi ni Shin sa kanya. Hinampas naman ito ni Noreen. 

"Langaw? Sa tingin mo may langaw dito?! Nako Shin! Tigil tigilan mo ako ha!" Sabi ni Noreen sa kanya sabay pinandilatan nang mata. 

"Hmp!" tanging nasagot ni Shin na nakahimas parin sa kanyang braso. Malakas kasi yung pagkakahampas ni Noreen sa kanya. 

"So back to the topic." Sabi ni Noreen at isa isa kaming tinignan. 

"Kailan kapa naging Ex nang babaeng yan? Sa pagkaka-alam ko isa lang ang boyfriend niyan. Again! Isa lang ang naging boyfriend niyan. Walang iba kundi si Kyu! Kaya papaanong naging ex ka niya? Aber?!" Tanong ni Noreen sa kanya na nakataas pa ang isang kilay. Napapailing nalamang ako sa pinagagawa niya. Kaka-kilala pa nga niya kay Jewook ayan na agad ang inaasta. Paano nalang kaya pag nalaman niya yung nangyari sa school? Edi mas lalong tatarayan siya ni Noreen. 

Tinignan ko naman si Jane na ngayon ay nakayuko at nakatakip ang isang kamay sa mukha na para bang hindi makapaniwala na nagtataray si Noreen ngayon. 

"H-hindi mo sinasabi sa ka-kanila Jane na may naging boyfriend ka rin no-noon?" medyo garalgal na tanong ni Jewook. Hindi makapaniwala na hindi siya ikweninto nang ex niya sa mga barkada nito. Tinignan ko ang mukha ni Jewook at mababakas dito na nasasaktan siya. Nasasaktan nang malaman na isa lang pala ang pinakilala ni Jane saamin na lalaki sa buhay niya. Pati siguro ako ay magiging ganyan rin ang reaction kapag saakin yan nangyari. 

"Hindi naman sa ganun." sabi ni Jane na nakayuko parin.

"Eh ano?" medyo napataas naman ang boses niya kaya pinakalma namin siya. 

"*sigh* Ano nga?" pagtatanong ulit ni Jewook sa kanya. Inangat naman ni Jane ang kanyang mukha at tinignan kami na blangko ang mukha. 

"Hindi naman sila nagtanong saakin." sabi ni Jane na nakatingin saamin.

"W-what? Ha.Ha.Ha.! Grabe! Hindi mo man lang shinare na may ex ka noon? Na bago si Kyu ay may Wook ka noon? Grabe umabot tayo nang ilang taon tapos ganito. Hahaha parang sinasabi mo narin na hindi ka nasaktan nung naghiwalay tayo. Na balewala lang talaga ako sa iyo." Sabi ni Jewook na mababakasan sa mukha na nasasaktan at pekeng tumatawa pa. 

"Hindi kasi mahilig mag kwento si Jane sa ganyang mga bagay Jewook. Hindi nga namin sana malalaman na mag boyfriend siya kung hindi pa namin siya nahuli eh. " Sabi ko sa kanya para naman medyo gumaan ang loob niya. 

"Diba Noreen?" sabi ko kay Noreen na medyo pinandilatan pa nang mata. Nagets naman niya ang ibig kung sabihin kaya medyo ngumiti ito pero kita mo naman na napipilitan lang.

"A-ah oo! Tama si Gwen. *cough* *cough*" Sabi ni Noreen sabay nameke pa nang ubo. Pinainom naman siya nang tubig ni Shin. 

"Ganun ba?" Sabi ni Jewook habang nakatingin sa kanyang pagkain. Tinignan ko naman si Jane na blangko parin ang mukha. Ano ba talaga ang past ng dalawang to? 

Your Smile Captured My Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon