Gwen's POV:
Pag gising ko ay agad kung tinignan kung anong oras na 10:30am na pala? Ang tagal kung nagising ngayon.
Agad akong umalis sa kama ko at dalidaling ginawa ang palage kung ginagawa tuwing umaga. Pagkatapos ay bumaba ako at ang aking nadatnan lang ay ang aking kapatid na busy sa kanyang phone.
"Oh ate andyan ka na pala." sabi niya saakin. Hindi parin siya nakatingin saakin siguro naramdaman lang niya yung presensya ko.
"Sila mama?" tanong ko sa kanya.
"Umalis muna kasama si papa. May date siguro yung dalawa." Sabi niya saakin na sa phone niya parin nakatingin.
"Ano ba yang tinitignan mo?" tanong ko sa kanya at lumapit para tignan rin yung tinitignan niya.
"Video nang Exo." Sabi niya saakin at iniabot ang kanyang isang earphone.
"Baka gusto mong tignan at pakinggan." sabi niya saakin.
"Sige" sabi ko sa kanya sabay lagay nang earphone sa aking tenga at kinuha yung phone niya. kinlick ko agad yung play. Nag simula na yung kanta at nagustohan ko ito.
"Anong title nito?" tanong ko sa kanya.
"What is Love ate." sabi niya saakin na nakatingin rin sa phone. Habang nakatingin sa mga ito ay namamangha naman ako sa mga boses nila lalo na ang kanilang angkin na kagwapohan. Jusko bakit ngayon ko lang sila nakita? Eh palage ko naman silang naririnig sa mga kaklase ko.
Napadako naman ang aking tingin sa isang lalaki na sobrang puti. May katangkaran ito at taglay niya rin ang salitang kagwapohan. Parang may kamukha siya. Parang nakita ko na siya pero hindi ko matandaan kung saan.
"Sino pala ang lalaking ito?" tanong ko sa kapatid ko.
"Ah siya ba? Si Sehun yan ang maknae nang Exo K." Sabi niya saakin. Hindi ko naman siya maintindihan.
"Ha? Anong maknae? at ano ring Exo K?" Tanong ko sa kanya.
"Maknae ate ibig sabihin pinaka bata sa kanila. Bunso kamo. Ang Exo K naman ay Exo Korean. Kasali si Sehun sa Exo K. Ang gwapo niya ate no?" Sabi niya saakin na parang kumikislap pa ang mata.
"Oo nga ang gwapo niya." paagsasang-ayon ko sa kanya.
"So siya na ang bias mo ate? Mabuti nalang at hindi si Xiumin ang iyong nakita. Kundi nako! Mag-aaway talaga tayo ate." Sabi niya saakin. Nagtaka naman ako kung ano yung sinasabi niya.
"Ha? Bakit naman tayo mag-aaway?" Tanong ko sa kanya.
"Kasi hindi ako papayag na may karibal ako pagdating kay Xiumin. Si Xiumin ay akin lang." sabi niya na nakalagay pa ang kanyang isang kamay sa kanyang dibdib. Ako naman ay parang nagtataka.
"Para kang sira. Hindi naman mapapasaiyo si Xiumin. Kung makapagsabi ka na sa iyo siya parang pag mamay-ari mo na siya. Oy! Tandaan mo di ka nila kilala." Sabi ko sa kanya. Napabusangot naman ang kanyang mukha.
"Grabe ka saakin ate. Kahit naman hindi niya ako kilala atleast mahal parin nila kaming Exo-L. Kaya wag kang ano ate. Kapag ikaw ang nasa posisyon ko paniguradong yan rin ang sasabihin mo." Sabi niya saakin sabay irap. Kinuha naman niya ang kanyang phone at ang kanyang earphone.
"Sa kwarto muna ako!" Sabi niya saakin na padabog. Napailing nalamang ako sa kanyang inasta. Ganyan ba talaga ang nangyayari kapag mahal na mahal mo na ang mga idol mo? Jusko. Kaya pala maraming naloloka na mga fans nila.
Pumunta muna ako sa kusina para kumain kasi bigla akong ginutom. Habang kumakain ay hindi ko napapansin na napapahum na pala ako sa kantang what is love na narinig ko kanina. Nagustohan ko talaga iyon kasi napakaganda.
BINABASA MO ANG
Your Smile Captured My Heart
FanfictionPaano kung bigla kang magkagusto sa isang lalaki na hindi mo naman tipo? Gagawin mo ba ang lahat para magustohan ka rin niya? O baka naman ay mag na- nakaw tingin ka nalang sa kanya? Ano nga ba ang ninanais mong gawin? Ang gumawa nang kilos para m...