Gwen's POV:
Agad kung inalis ang kamay niya na nasa baba ko at dali daling nag bayad sa cashier.
"Diba may bibilhin kang damit? Tara na." sabi ko sa kanya na sa ibang direksyon naka tingin. Panigurado mapula parin ang pisngi ko hanggang ngayon.
Una akong naglakad at humabol lang siya saakin. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko parin yung hawak niya sa baba ko at hanggang ngayon malakas parin ang kabog nang dibdib ko. Sino ba naman ang hindi? Ikaw kaya hawakan nang crush mo paniguradong kakabog nang sobra sa kaba at kilig yang puso mo.
"Ayos ka lang ba talaga?" biglang tanong niya saakin.
"Oo nga." sagot ko naman sa kanya. Panay tingin parin siya sa mukha ko. Kaya medyo naiilang na ako.
"Ano ba! Wag kananga panay tingin sa mukha ko. Ayos nga lang ako eh." Sabi ko sa kanya. Tinawanan naman niya ako nangsabihin ko iyon sa kanya.
"Hahahaha okay. Sabi mo eh." bigla naman niya ako hinila at di ko alam kung bakit.
"O-oy teka! Saan tayo pupunta?" Sabi ko sa kanya. Sabay hila nang kamay ko ngunit masyado siyang malakas kaya di ko matanggal ang pagkakahawak niya saakin.
"Bibili tayo nang ice cream. Baka kapag mag a-ice cream tayo baka mawala yang pagkakapula nang pisngi mo." Nakangiti niyang sabi na may kasama pang pagtingin sa mukha ko.
Hindi ba siya na inform na dahil sa kanya kaya pumupula itong pisngi ko? Ang manhid naman niya ata at hindi niya mapansin na siya ang dahilan nang pagkakapula nang pisngi ko.
'Bakit ka ganyan Kenneth?' wala sa sariling tanong ko. Sa isip ko lang ah.
"Ito oh" Sabi niya saakin sabay bigay nang ice cream na binili niya. Kinuha ko nalamang ito at agad na tinikman.
"Masarap ba?" tanong niya saakin.
"Masarap naman lahat nang ice cream ah." Sabi ko sa kanya at again tumawa na naman siya bakit ba panay tawa siya? Mukha ba akong clown?
"Anong nakakatawa?" tanong ko sa kanya.
"May ice cream ka po sa gilid nang labi mo." nakangiti niyang sabi saakin at nilinis ang ice cream na nasa gilid nang labi ko gamit ang kanyang kamay. Hindi labi wag kayong ano.
"Ayan! Wala na." nakangiti niyang sabi.
"S-salamat" kinakabahan kung pagpapasalamat sa kanya. Ngayon mas nadagdagan ang bilis nang tibok nang aking puso. Magkaka heart attack yata ako nang wala sa oras nang dahil sa kanya.
"Tara na?" nagtaka naman ako kung ano itong sinasabi niya. Saan ba kami pupunta?
"Ha?" wala sa sariling tanong ko.
"Tara na. Diba sasamahan mo kung bumili nang damit?" Tanong niya saakin. So yun pala yun? Akala ko na kung ano eh.
"S-sige"
Agad kaming pumunta sa isang shop na may magagandang damit para sa mga lalaki.
Inilibot namin ang aming paningin sa shop na ito. Marami silang magagandang design na damit para sa lalaki. Naglakad si Kenneth papalapit sa isang damit na kulay blue. Kinuha niya ito at lumapit saakin.
"Sa tingin mo maganda ba ito?" tinignan ko ito nang mabuti at masasabi ko naman na maganda talaga siya.
"Yup maganda naman lalo na yung design." Hinawakan ko yung damit at tinignan kung malambot ba ito.
"Maganda yung design at malambot rin. Kaya ayos itong suotin." Sabi ko sa kanya. Tumango tango naman siya.
"Sige isusukat ko muna." Sabi niya saakin at umalis na.
BINABASA MO ANG
Your Smile Captured My Heart
FanfictionPaano kung bigla kang magkagusto sa isang lalaki na hindi mo naman tipo? Gagawin mo ba ang lahat para magustohan ka rin niya? O baka naman ay mag na- nakaw tingin ka nalang sa kanya? Ano nga ba ang ninanais mong gawin? Ang gumawa nang kilos para m...