Chapter 4

31 3 0
                                    

Gwen's POV:

"Hinatid lang nila ako dito oy! Hindi ko siya boyfriend. Ganito kasi yun nakita nila akong naglalakad mag-isa kaya sinabay nila akong maglakad sa kanila. Kayo talaga! Napaka malisyoso niyo!" Pagpapaliwanag ko sa kanila. Paano kasi panay sabi silang syota ko raw yung isang lalaki dun. Yung Kenneth pa talaga yung pinagkamalan nila!

"Alam mo anak. Okay lang naman saamin kung mag bo-boyfriend ka eh." Sabi ulit ni mama.

"Ano ba kayo! Oo na! Okay sa inyo na mag bo-boyfriend ako but for god sake naman ma! WALA AKONG BOYFRIEND NGAYON!" Sabi ko sa kanila na naiinis na.

"Andito na ako!" Napatingin kami kay papa ng biglang sumigaw.

Nagmano kaming dalawa ng kapatid ko kay papa.

Nagsimula na kaming kumain. Nang dumating na si papa.

Nang tignan ko si mama ay nakangisi ito saakin. Jusko! Ano kayang nasa isip ni mama ngayon. Parang nararamdaman ko na talaga na may sasabihin siyang hindi totoo.

"Hon" tawag ni mama kay papa.

"Yes hon?" Nakangiting tugon ni papa kay mama.

"Alam mo bang itong panganay mong anak ay may boyfriend na." Nakangiting sabi ni mama. Ang reaction naman ni papa ay natutuwang nagugulat.

Sabi ko nanga ba! May sasabihin si mama na hindi totoo.

"Hindi po yun totoo papa. Hinatid lang nila ako kasi nakita nila akong mag-isang naglalakad." Sabi ko kay papa ngunit nginitian lang ako nito ng sobrang lapad.

"Nako nak! Okay lang yun saakin. Akala ko nga hindi ka na magkaka-boyfriend dahil tomboy ka o wala lang talagang manliligaw saiyo kasi takot sa iyo eh." Nasapo ko naman ang noo ko dahil sa sinabing iyong ni papa.

"Wala nga po akong boyfriend!" Pag-uulit ko sa kanila.

Ngunit na imbis na pakinggan ako ay pinagdidiinan pa nila na wag raw akong mahiya. Jusko!

Buong gabi nilang pinagdidiinan saakin na boyfriend ko raw iyon. Buong gabi ko ring pinagsasabi na mali ang kanilang pagkakaintindi ngunit ayaw talaga nilang makinig saakin.

-Kinabukasan-

Maaga akong gumising at pumunta sa sa university namin.

Nakita ko namang kumakaway saakin si Jane.

"Ikaw pa lang?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit? Maliban ba saakin may nakikita ka pang ibang tao?" Tanong niya saakin. Kahit kailan nga naman napaka pilosopo nitong babaeng ito.

"Sabi ko nga ikaw pa lang ang nakakarating maliban saakin." Sabi ko sa kanya sabay kamot sa batok ko.

"Ayun na naman pala sila oh." Napatingin ako sa tinuro ni Jane at nakita ang apat kung kaibigan na papunta sa direksyon namin.

"Tapos ka na sa assignment natin Noreen at Juvy?" Biglang tanong ni Jane. Kay aga-aga pa assignment agad ang tinatanong.

"Meron ba? Bat di namin alam yun?" Pagtatakang tanong nilang dalawa. Natawa naman si Jane sa kanila.

"Nako naman! Ayan kasi! Hindi nakikinig sa guro na nasa harapan. Hahaha" natatawang sabi ni Jane.

"Pakyopa nalang kami!" Sabi ni Juvy.

"Sure, so tara na sa room?" Nakangiting sabi ni Jane.

Nagsimula na kaming maglakad. Sila ay busy sa kakachika habang kami ni Jane ay nasa likuran nila.

"Sinabi ng kapatid ko na nakita ka raw niyang naglalakad pauwi na kasama si Kenneth. Okay kana sa presensya niya?" Biglang tanong ni Jane saakin.

"Okay lang naman siyang kasama eh at isa pa kasabay ko rin si Christian kahapon. Bali tatlo kaming nagkasabay kahapon." Sabi ko kay Jane.

Your Smile Captured My Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon