Chapter 10

13 1 0
                                    

Jane's POV:

 "When you walk away I count the steps that you take. Do you see how much I need you right now? When you're gone. The pieces of my heart are missing you ~" ang lungkot nang boses ni Gwen habang kinakanta niya ito. Madadala ka talaga sa kalungkotan na nararamdaman niya ngayon. 

Alam niyo na naman siguro kung saan namin siya dinala no? Dinala namin siya sa isang lugar na kung saan mailalabas niya ang kanyang nararamdaman. Sa KTV namin siya dinala pero kumakanta lang kami dito ah. Wala nang ibang ginagawa. Dinadamayan lang namin tong kaibigan namin. 

"Wooooooh!!!" sigawan nila habang kumakanta palang si Gwen. Ganyan kami mag support eh. 

Natapos ang kanta ni Gwen na puro hiyawan lang kami. Kaya pagkatapos niyang kumanta ay kami naman ang kumanta. Syempre yung kantang masasaya at hindi malulungkot. Para nga hindi masaktan diba? 

"Eeeeeh, sexy lady. Op, op, op, op. Eh-eh-eh, eh-eh-eh. Jeongsukhae boijiman nol ttaen noneun yeoja.Ittaeda sipeumyeon mukkeotdeon meori puneun yeoja~" Kanta naming lahat. Kahit hindi na magkanda ugaga sa pagkanta sa lyrics. Hala sige! Kantahin parin. 

"Oppa Gangnam Style!~" Sabay sabay naming sigaw sabay sayaw pa. Tawang tawa kami ngayon sa pinagagawa namin. Para kaming mga siraulo.

Pagkatapos nilang kumanta ay inagaw ko agad ang mikropono. Para ako naman ang kakanta. 

"Sabayan mo ako Gwen!" Sabi ko sa kanya. Tumango lamang siya saakin bilang pag sany-ayun.

Nagsimula na ang intro nang kanta na aming kakantahin at syempre dapat damdamin namin ang kantang ito. 

"Do you remember how it felt like? ~ I still remember how the days that end, the weeks and months.~ We were together for so long.~ I haven't noticed, that we're falling down too fast~~" Pagkanta ni Gwen. Damang dama niya rin ang pagkanta nito. 

"If I could take it all back ~ I still want you by my side. ~ If only I could bring you back to me ~ If I could go back in time ~ promise we won't say goodbye ~ I never really moved on, No, not in time...~~~~" Kanta ko rin. Todo effort rin ako sa pagkanta nito kahit di naman ganun kagandahan ang aking boses. Syempre dapat with effort ang pagkanta ko dito kasi favorite song ko to eh.

"I wanna go back to the way we used to be ~ I wanna feel your skin, your lips so close to me~" Napatingin naman ako kay Gwen kasi parang naluluha siya? Wait.... Ay mali pala ako kinukusot niya lang ang mata niya kasi napuwing ata.

"I wanna go back when I called you mine all the time ~ Every smile and every moment ~ If only I have~ a time machine....~~~" Kanta ko rin with matching papikit pikit pa nang mata yan. Wag kayo hahahaha. 

Natapos namin ang kantang yun na with feelings. Wala eh favorite song eh. 

Sila ulit ang kumanta at syempre yung kantang makakapagpasaya saamin ang kinanta nila. 

"I want nobody nobody but you~~~~~ I want nobody nobody but you !!!!~~~~~" Sabay sabay naming pagkanta at again with matching sayaw. Kahit mukha kaming timang dito ay ayos lang. Kami lang din naman ang nakakakita.


"Lintik nayan! Parang kinuha ang lahat nang lakas ko sa KTV na iyon." Sabi ni Juvy sabay punas nang kanyang mukha na maraming tagaktak na pawis. 

"Atleast nag enjoy tayo dun. Diba guys? Hahaha" Natatawang sabi ni Noreen. 

"Oo!" Sabay sabay naming sigaw. Nagtawanan ulit kami. 


Gwen's POV:

Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong pumunta sa kwarto ko. Sobrang saya ko kanina kasi dinamayan nila ako sa kalungkutan na aking nadarama. Kahit panandaliang kasiyahan lang yun ay ayos lang. Ngayon ay andito na naman ako sa aking kwarto at nag mumuni muni. 

Your Smile Captured My Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon