Chapter 1: You're mine

1.3K 68 12
                                    

Chapter 1: You're mine

(Yahiro Zamante POV)

"T-trish, gustong-gusto kita simula noong una pa tayong magkakilala. I-ikaw lang ang babaeng naging malapit sa akin. K-kaya sobrang mahalaga ka para sa akin. P-pwede ba kitang ligawan?" Sabay abot ko ng Pulang rosas sa kanya.

Nag-uumpisa na ang bulungan sa paligid. Halos lahat nagtatawanan na rin. Pero isinawalang-bahala ko lamang ang kahihiyang ito. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang maitapat na ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Hahahaha! Si Baduy nagbibinata na!"

"Si Manang at Baduy oh. Pag nagkatuluyan sila ang anak nila tatawaging Budoy!"

"Wahahahahahaha!"

"Hello po ako Budoy, ikaw baboy, siya unggoy..."

"Bwahahahahaha!"

"Bagay kayo pareho kayong baduy. Baduy na nga tanga pa. Hahahaha!"

"Pareho kayo ng taste of fashion! Old style! Boring!"

Tinitigan ko siya habang hinihintay ang isasagot niya. Hindi maipinta ang itsura niya sa sobrang kahihiyan. Galit ba siya? Hayss! Bakit ba kasi dito sa loob ng Cafeteria ko naisipang gawin to? Sana kinausap ko na lang siya ng kami lang dalawa. Tanga ko nga talaga!

Nagulat ako ng itapon niya sa sahig ang Rosas at tinapaktapakan.

"T-trish?" di makapaniwala kong banggit. Galit na galit niya akong tinitigan.

"Hindi kita gusto Yahiro! Hindi ko pinangarap na maging Boyfriend ka! Sa susunod wag na wag mo na akong ipapahiya ng ganito!"

Napaigtad ako ng ibuhos niya sa ulo ko ang Orange Juice na hawak niya.

"Woooooooohhhhh???"

"Tandaan mo to Yahiro! Wag na wag ka ng lalapit sa akin! Napipilitan lang naman akong pakisamahan ka dahil matalino ka pero ang totoo nandidiri talaga ako sayo! Nakakadiri ka!"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko hindi dahil sa ginawa niya kundi dahil sa sinabi niya. Nawasak ng pinong pino ang puso ko. Hindi ako nasaktan na binusted niya ako. Nasaktan ako sa pang-iinsulto niya sa akin. Napilitan lang siya? Nandidiri siya sa akin? Sa Tatlong taon ng pagiging magkaibigan namin, ganun pala ang tingin niya sa akin?

Sa kakaisip ko sa lahat ng mga nangyayari, namalayan ko na lang na nag-uunahan na sa pag-daloy ang mga luha ko sa pisngi. My first broken heart.

[1 week later]

"Papasok o hindi? Papasok o hindi? Papasok o hindi?" Pagdadalawang isip kong tanong sa sarili ko habang uma-atras at uma-abante ako. Nakatago ako dito sa puno ng Mangga habang tinitignan ang mga ibang college student na pumapasok na sa loob ng Great Luxe University. Natatakot akong magpakita sa kanila dahil sa nangyari nung nakaraang linggo. Isang linggo akong hindi pumasok dahil sa sobrang kahihiyan na dinanas ko dahil sa katangahan ko.

Naging trending pa kasi sa social media ang nangyari. May nagvideo pala sa amin kaya ayun kumalat sa buong kalawakan ang katangahan ko. 50% ng mga netizen ay naawa sa akin. 30% ng mga netizen ang nagalit kay Trish. At 20% ng mga netizen ang pinagtatawanan lang ang nangyari. Habang 99% naman ng mga schoolmate ko ay sobrang tuwang-tuwa at pinagtatawanan ako. Puro lait ang natanggap ko mula sa kanila. Dahil nga sa Baduy ako kaya hindi ako tanggap sa lipunan.

Kaya heto ako nagtatago. Mas lalo tuloy akong nawalan ng kumpiyensa sa sarili.

Pero kailangan ko ng pumasok. Isang linggo na akong absent at ang dinahilan ko pa ay namatay ang Lolo ko kahit ang totoo buhay pa siya. See? Nadamay pa sa katangahan ko ang Lolo ko na nananahimik sa Amerika.

I Love you, Nerdy! [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon