Chapter 8: Mission failed

654 42 15
                                    

Chapter 8: Mission failed

(Zaarie's POV)

"I like you, Arie. I like you so much."

*call ended*

Hindi ko alam kung ilang minuto akong napatulala sa kawalan. Nakanganga habang pinapakiramdaman ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi maipaliwanag ang tila mga paru-parong nagkakagulo sa loob ng sikmura ko. Kuryenteng bumabalot sa buong ugat ko. At tila may mga kwitis akong nakikita sa madilim na kalangitan.

Ang mas matindi pa, bumalik lang ako sa tamang huwisyo ng maramdaman kong may malapot na likido ang tumutulo sa ilong ko.

Deym! Nang dahil lang sa salitang iyon, nagnosebleed ako?? Agad kong pinunasan ng panyo ang ilong ko. Kingina Bibi ko, anong ginawa mo sa akin??

"Oi Za, nakikita kita. Tangina. Sinabihan ka lang ng 'I like you' nagnosebleed ka agad? Ahaha! Ano pa kaya kung I love you na? Pempem mo na siguro ang dudugo. Hahaha!"

Pinagtawanan pa ako ng bruhang to.

"Shut up Heziah. Hindi mo pa kasi nararanasan ang ma-inlove. Atsaka, ramdam ko kasi ang sobrang sincerity sa sinabi niyang iyon. Oo, sinasabihan niya ako na gusto din niya ako noon pero alam ko kasi nun na hindi pa siya sigurado. Pero ngayon? Deym! Ramdam na ramdam ko sa tono ng boses niya na gustong gusto niya na talaga ako --

--No let me rephrase it, ramdam ko na Mahal niya na ako. Hindi pa lang niya masabi ang katagang iyon pero ramdam ko. Nararamdaman ko talaga. Isa sa itinuro sa atin yang Reading of emotion sa mga opposite sex natin, Hez. At yung emosyon sa tono ng pagkakasabi niya ay patunay na inlove na sa akin ang Bibi ko.." kinikilig na pagsasalita. Kung sinabi niya lang sa akin yun ng harapan, malamang nilaplap ko na naman ang labi niya.

Narinig kong mahaba siyang napabuntong hininga.

"You're in a big trouble, Za. You really are. Actually, kayong tatlo ni Ate Gemini at Reilaze. Mas malala nga lang yung kay Ate Gemini."

Napakagat labi ako sa sinabi niya.

"We're just being inlove, Hez." mahinang banggit ko.

"Oo na oo na. Bago ka kiligin ulit ng todo diyan, wag mong kalimutan na nasa misyon ka pang bruha ka. Bilisan mo dahil hinahanap ka na ng mga ibang Tauhan diyan.."

Deym!! Nakalimutan kong nasa misyon pa pala ako. Nyeta. Si Bibi kasi eh. Humanda talaga siya sa akin bukas. I'm going to smash his lip tomorrow for making my heart feels so kinikilig.

Huminga ako ng malalim bago kinasa ang dalawang baril. Inangat ko ang bim cowboy hat at tinitigan ng taimtim ang veranda na nasa ikatlong palapag.

"Tan the satan, i'm coming for you now." diin na pagkakabanggit ko.

"Bring it on, Za!"

Inakyat ko na ang puno ng Narra. Hindi naman gaano kahirap akyatin ang puno dahil may mga maliliit naman itong sanga na napapatungan ng paa ko. Nang makarating na ako sa pwesto kung saan kaharap lang nito ang kwarto ay agad akong tumalon ng walang ingay papasok sa veranda.

Buti na lang naka-open ang glass door. Natatakpan nga lang ng kurtina ang nakaawang na pinto. Dahan-dahan kong binuklat ang kurtina at nanginig ang buong kalamnan ko sa poot at galit ng makitang mahimbing na natutulog ang hayop sa kama habang yakap pa niya ang asawa niya.

Ibinaba ko ng konti ang bim ng cowboy hat para matakpan ng konti ang mukha ko. Iningat ko na ang kamay ko at itinutok sa ulo niya ang baril. Dahan-dahan ko ng kinakalabit ang gatilyo ng baril ng biglang magising ang asawa niya.

"O my god!! Sino ka??? Honeyy! Gumising ka!!" dahil sa pagsigaw ng asawa niya ay napabalikwas na rin siya ng bangon. Nanlalaki ang mata niya sa sobrang pagkabigla ng makita ako. Madilim ang paligid kaya hindi niya masyadong maaninag ang mukha ko.

"Sino ka??? Ano ang iyong kailangan???" nagpapanik na yumakap sa kanya ang asawa niya.

Napangisi lang ako, "Buti naman at pareho kayong gising. Masasaksihan ng mahal mong Asawa ang pagkitil ko sa buhay mo. Intense yun di ba?" kalmado kong sabi na mas lalong ikinabahala niya. Hindi siya makakagalaw at makakalaban dahil tutok na tutok sa kanya ang baril ko.

"Jusko po!! Maawa ka!! Anong kasalanan namin sayo??" umiiyak na sa pagpapanik ang asawa niya.

"Anong kasalanan ng asawa mo? Huh? Sa dami ng krimen na ginawa niyang mapagpanggap mong asawa, malamang hindi niya na maaalala na sampung taon na ang nakalipas ay may ginahasa siyang Ginang at hindi pa siya nakuntento, walang puso pa niya itong pinatay!" nag-uunahan na sa pagbagsak ang mga luha ko ng maalala ang nangyaring sumapit sa mahal kong Ina sa mga kamay ng demonyong iyan.

Hindi ko na magawang ipagpatuloy pa ang sasabihin ko dahil nanggigil na ako sa kanya. Ipuputok ko na sana ang baril ng bumukas naman bigla ang pinto ng kwarto at pumasok ang isang bata na nasa sampung taong gulang na. Nanlalaki ang matang napatingin ako sa kanya.

"Daddy! Mommy! I can't sleep. I'm having a nightmare.." bakas sa pagkatakot ang emosyon ng bata na walang kamalay-malay sa nangyayari dito. "Huh? Sino ka po?" Bahagya akong napaatras ng makita niya na akong nakatayo sa tapat ng kama.

Agad namang tumakbo ang asawa ng hayop papunta sa batang babae at inakap ito.

"Maawa ka. May bata dito.." umiiyak na pagmamakaawa ng Ginang habang tinatakpan ang mata ng Bata.

"Za, don't mind them. Kill that bastard now! And might as well to kill his family too. This is your time to seek your revenge. Remember our Clan's motto, 'No rules, no mercy'. So take this fucking oppurtunity, Zaarie!"

Nanggagalaiti kong tinitigan ang matandang lalaki na natatakot at namumutla nang nakatingin rin sa akin. Ibinaling ko ang tingin sa bata na napaka-inosente ng tingin sa akin.

I can't ruin the innocent mind of that kid.

Damn it! Tinitigan ko muli ang matanda, "Sa susunod, sisiguraduhin kong mapapatay na kitang hayop ka. Magsimula ka ng magdasal ngayon, dahil hindi talaga kita tatantanan kahit saang sulok ng mundo ka man magtago." At tuluyan na akong tumalikod at lumabas. Itinalon ko lamang ang napakataas na pagitan ng ikatlong palapag pababa sa lupa.

"Freeze!!" bumungad sa akin ang mga tauhan at tinutukan ako ng baril. Inirapan ko lang sila at walang pag-aalinlangan na pinaulanan ko sila ng putok.

Kalmado lang akong naglalakad patungo sa Gate habang inuunahan sa pagbaril ang mga tauhan na sumasalubong sa akin. Hanggang sa tuluyan na akong nakalabas ng Mansyon na wala kahit konting galos. Tinungo ko ang Ducatti ko na nakaparada sa may kanto.

"And what was that Za?? Sinayang mo ang pagkakataon! Kailan ka pa naawa sa bata?? "

Litanya sa akin ni Heziah na ikinairap ko lang.

"I just don't want to ruin her childhood memory. Gusto kong patayin ng brutal ang hayop na yon. Pero ayokong gawin iyon na may batang makakasaksi sa gagawin ko. Ayokong matulad siya sa akin na nasaksihan kung paano pinatay ng hayop na yun ang Mahal kong ina.." mahigpit kong naikuyom ang kamao ko.

"That's not an excuse, Za. Kilala kita. Wala kang awa kung pumaslang ng tao kahit may mga Bata pa ang nakakakita. Patunay ang mga misyon na tinahak natin noon sa iba't ibang bansa. Alam kong may iba ka pang dahilan. Hindi mo kami magagawang pagsinungalingan, Za."

Marahas akong napabuga ng hininga sa sobrang inis.

"Fine! That kid is my Sister!"



I Love you, Nerdy! [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon