Chapter 7: I like you
(Zaarie's POV)
Time check: 11 o'clock in the evening. Infront of Tan's Family Mansion.
Nakatingala ako sa napakataas at napakatayog na Gate sa harap ng Mansion ni Mr. Tan. Nakasuot ako ng itim na Leather jacket, Fitted pants at killer boots. With matching itim na Cowboy hat na medyo matatakpan ang mukha ko upang hindi ako makilala ng mga Tao sa loob. Dala ko ang dalawang Beretta M9 na may silencer na nasa Holster na nakasabit sa hita ko.
Ngayon ko na gagawin ang Personal mission ko dahil binalaan ako ng Superior namin na pag hindi ko nagawa ang misyon na ito sa lalo't madaling panahon ay kinakailanganin ko itong gawin sa nalalapit na Christmas ball ng school namin which is 2 weeks from now na magaganap. Ayokong gumawa ng krimen sa espesyal na araw na iyon dahil gusto kong makasama magdamag ang Bibi ko.
"Za, do you hear me?"
Boses ni Heziah sa kabilang linya. Suot ko pa rin ang Blackpearl earings ko na may naka-attach na Hearing device na inimbento niya para sa amin. Gamit nito, maririnig ko ang bawat detalye na sasabihin niya sa lahat ng direksyon na tatahakin ko pag nakapasok na ako sa Mansyon.
Si Heziah ay ang Ladyhacker ng pangkat namin. Eksperto siya pagdating sa teknolohiya kaya siya ang maasahan namin sa oras na ginagawa namin ang aming misyon. Na-hack niya ang Blueprint ng Mansyon ni Mr. Tan kaya alam niya ang lahat ng pasikot-sikot sa loob. Even the CCTV ng buong mansyon ay nakuha niya rin kaya alam niya ang kwarto ni Mr. Tan at kung may mga tao ba sa bawat sulok ng bahagi ng bahay.
"Oo rinig kita.." pagsagot ko habang ngumunguya ng bubble gum. Nakaka- focus kasi ako sa ginagawa ko pag may nginunguya.
"Ok good. But please Za, be careful. Wag padalos-dalos. Madaming nakabantay na mga Tauhan sa loob. At halos sila ay may mga dalang dekalibreng baril."
"Yeah i know.." bahagya kong ibinaba ang brim ng Cowboy hat para matakpan ang mga mata ko bago ko hinugot ang dalawang Baril sa Thigh holster. "It's showtime.." ngising banggit ko at pinaikot sa mga daliri ko ang Baril.
"May dalawang bantay sa may gate. Pag nagbell ka, awtomatikong bubukas ang gate at bubungad sayo ang dalawang bantay na may dalang Rifle. Bukod sa dalawa ay wala ng ibang bantay. Pero na sa di kalayuan naman ay may mga nakaaligid na tatlong lalake."
"Ok got it.."
Inumpisahan ko na ang pag doorbell. Bumukas naman ito agad at bumungad sa akin ang isang barakong Bantay na may dala pang tasang kape.
"Sino sila?" anang baritonong boses nito.
"Estudyante po ako ni Mr. Tan." Mahinhing sagot ko habang nakatungo.
"Anong kailangan mo Miss?" tanong ulit nito.
Inangat ko ang mukha ko sa kanya sabay ngisi sa kanya , "Gusto kong kunin ang buhay niya."
Naalerto ito bigla ng marinig ang sinabi ko. Pero bago pa siya makasigaw at maitutok ang rifle niya sa akin ay naunahan ko na siyang barilin sapul sa bandang nuo niya. Bumagsak siya sa lupa kaya malaya na akong nakapasok sa loob.
"Mga walang kwentang bantay.."
"Nice one Za.." Komento ni Heziah.
"Sino ka??" biglang sulpot naman ng isang bantay. Nakatutok na sa akin ang rifle niya. Pinaikot ko ag eyeball ko sa inis. Ganyan ba talaga sila? Tanong muna bago umaksyon.
"Ako si kamatayan. Ang papatay sayo." bored na sagot ko at walang pagdadalawang isip na binaril siya sapul sa bandang puso. Buti na lang talaga may silencer ang baril ko. Wala talagang makakaalam sa mga nangyayari dito.