Chapter 2: Bibi ko
(Yahiro's POV)
Tulala. Napanganga. Nanghihinang tuhod.
Yan ang reaksyon ko matapos niya akong halikan sa labi. Hindi ma-sink in sa utak ko ang ginawa niya. Masyado siyang mabilis gumalaw kaya hindi ako nakapag-reak agad. Para akong tuod kanina na nanigas sa pagkakatayo ng lumapat ang labi niya sa labi ko. Ang mas malala dahil sa sobrang shock ko din ay nagpanik ako sa harap niya at tinakbuhan siya. O di ba tanga lang? Ako yung lalake pero ako yung nagpapakipot.
Hawak-hawak ko pa rin ang labi ko habang naglalakad sa Quadrangle. Kakatapos lang ng Major subjects ko kaya heto ako mag-isang naglalakad sa di ko alam kung saang destinasyon ako dadalhin ng paa ko. Buti na lang, tahimik lang yung mga kaklase ko kanina at hindi ako pinagdiskitahan. Pero ramdam ko pa rin ang mailap na pakikitungo nila sa akin.
"Iba pala talaga ang pakiramdam ng First kiss.." mahinang banggit ko.
"Talaga? Anong naramdaman mo?"
"Masaya. Para akong lumulutang sa ere.." nakangiting sagot ko.
"Wow..Gusto mo ba ng second kiss?"
"Oo. Gusto ko--" natigilan ako ng mapagtanto kong may kausap na pala ako. Parang kilala ko kung sino tong katabi ko. Napapalunok ako habang dahan-dahan ko siyang nilingon. Sabi ko na nga ba eh! Langit lupa lamunin niyo na ako!
"Z-zaarie.. ikaw pala.. hehehe.." nahihiyang sabi ko sabay kamot ng ulo.
"So, do you want to have a second kiss?" panunukso niya.
Nanlalaki ang mata ko sa tanong niya, "H-hindi ah! Wag ka ngang ganyan. Di porket magkaibigan na tayo ay tutuksuin mo na ako.."
Tumaas ang kanang kilay niya at napahalukipkip siyang humarap sa akin.
"Magkaibigan? Koreksyon! Magka---Ibig-gan. Magka-IBIG-GAN tayo Yahiro." diin niya sa salitang Ibigan.
Napakunot noo ako. "Magkapareho lang naman ang salita ah. Magkaiba lang ng tunog pero pareho lang ng meaning.."
"Deym! Hindi kaya! Magkaibigan means Friends. While Magka-ibig-gan means Lovers!"
"A-no?" gulat na reaksyon ko.
"Let me remind you, Bibi ko. Earlier, i told you that from now on YOU ARE MINE. Hinalikan pa kita kanina para masiguradong akin ka na talaga. You're my first kiss and i am your first kiss too. Kaya sa ayaw't sa gusto mo, Mag jowa na tayo."
Nanlalaki ang mata ko sa huling sinabi niya.
"M-mag jowa na tayo? Agad-agad?" di makapaniwalang tanong ko. Nahihibang na ba talaga siya? Bakit masyado siyang mabilis?
"Oo. Bakit pa ba natin patatagalin kung pwede namang madaliin? Hindi naman ako pakipot na babae.
Kaya okey lang sa akin na ligawan mo ako while we're in a relationship na. Kung ayaw mo namang manligaw edi ako ang manliligaw sayo.""No!" agad na reak ko.
Hindi talaga ako makapaniwala sa kanya. Grabe talaga ang full of confidence niya, umaagos na sa lalagyan.
"Anong No? Ganyan mo ba talaga ako ka-disgusto?" gumuhit sa mukha niya ang malungkot na ekspresyon.
Agad akong umiling, "Hindi ah.. Ang ibig kong sabihin, a-yokong ikaw ang manligaw sa akin.. Ako ang lalake kaya obligasyon kong gawin ang l-ligawan ka.." nahihiyang sabi ko.
Lumawak naman ang ngiti niya sa sinabi ko. "So..Pumapayag ka na maging magjowa na tayo?"
Napakagat labi ako, "Oo. S-subukan natin. M-malay mo, mahulog ako sayo-"