Chapter 6: The Orphans
(Yahiro's POV)
Hinihingal kaming huminto sa kakatakbo nang makalayo na kami sa Guidance office. Grabe, halos liparin ko na ang Hallway para lang maitakas si Zaarie mula kay Dean.
"Deym! Grabe ka Bibi! Di ko akalain na runner ka pala! Anak ka ba ni The flash? Ang bilis mong tumakbo eh!" hinihingal na reklamo niya. Natawa ako ng makita ko siyang nakatihayang nakahiga na sa damuhan. Halata ang pagod sa itsura niya.
"Sorry Arie. Kailangan lang talaga kitang itakas kay Dean eh.." hinihingal pa rin na paumanhin ko habang nakayuko at nakapatong sa tuhod ko ang dalawang kamay ko.
"So kailangang tumakbo para lang takasan siya? Wala naman akong pake-alam kung sermunan niya ako eh.."
Nang makarecover na ako sa kakahingal ay agad akong umupo sa tabi niya. Nakahiga pa rin siya habang nakapatong na ang ulo niya sa dalawang braso niya. Ang cool tuloy niyang tignan sa pwesto niya. Nandito nga pala kami sa quadrangle. May mga estudyante ring nakatambay pero malayo ang distansya namin sa kanila.
"Paano kung ma-kick out ka na dahil sa ginawa mo? School president pa naman yung sinapak mo. Hindi ka ba natatakot?" pag-aalalang tanong ko.
"Bakit naman ako matatakot sa kanya? Siya dapat ang matakot sa akin. Kasalanan niya naman dahil ininsulto ka niya. Atsaka, masyadong mabait ang Dean para i-kick out ako sa school na 'to.."
Tama siya. Ang school dean namin na si Mr. Yamashito Tan ay sobrang mabait, matulungin at mapang-unawa sa aming mga estudyante lalo na sa mga Babae.
"Kahit na, Arie. Sa ginawa mo baka mapahamak ka pa. Sanay naman na akong laitin nila. Immune na ako sa lahat ng pang-iinsulto nila sa akin. Kaya dapat hindi mo na ginawa iyon."
"Immune ka na? Nagpapatawa ka ba?" ismid niya. "Hindi ko naman gagawin yun kung hindi ko nakitang nasasaktan ka." napatungo ako sa sinabi niya. Bumangon siya at umupo siyang naka-indian sit sa tapat ko. "Tumingin ka sa akin." utos niya na sinunod ko naman. "Kitang-kita ko sa emosyon ng mata mo ang sakit na naramdaman mo kanina. Isang pitik na lang ng dipungal na yon, iiyak ka na. At iyon ang ayaw kong makita dahil mas nasasaktan ako pag nakikita kitang nasasaktan. I'll rather choose to hurt them physically than seeing you hurting emotionally. Yahiro, i just wanted to protect you as long as i am still alive from those fucking asshole."
Ramdam ko ang sinseridad sa bawat bigkas ng mga salitang sinasabi niya. At gusto ko siyang yakapin dahil pinaramdam niya sa akin na masyado akong mahalaga para sa kanya. It's really rare to hear that kind of sincerity lalo na't isa siyang babae. Maaring isipin ng iba na tinatapakan niya ang ego ng mga lalake pero para sa akin nakakamangha siya ng sobra. Mas lalo akong humahanga sa katapangang taglay niya. Ibang klase siyang babae.
Pero bigla ko na lang naalala ang salitang sinabi niya na ikipinagtaka ko.
"You wanted to protect me as long as you still alive? B-bakit mo nasabi yan?" pagtataka ko. Nakita kong natigilan siya. Ngayon, ako naman ang nakakita sa emosyon ng mata niya. Takot, pangamba? Anong ibig sabihin ng emosyon niyang iyon?
"Nah, don't mind it." napalitan ng malawak na ngiti ang emosyon niya.
Napabuntong hininga na lamang ako at taimtim siyang tinitigan. "Arie..Please listen to me.." banggit ko. Kinuha ko ang dalawang kamay niya at marahang hinawakan ito.
"Bilang kasintahan mo, gusto ko din na protektahan ka. Alam kong duwag ako pero para sayo susubukan kong maging matapang. Pero sana, iwasan mo na ang makipag-away sa iba kung dahil lang sa akin lalo na sa mga lalake. Hindi dahil sa natatakot ako sayo, kundi dahil nag-aalala ako na baka mapahamak ka sa mga ginagawa mo. Babae ka pa rin kahit malakas ka. Yung mga pinapatulan mo ay mga Lalake na mas malakas pa sayo. Hindi mo alam kung anong mga iniisip nila sa mga panahong napapatumba mo sila. Paano kung magkaroon sila ng planong saktan ka sa paraan na hindi mo kayang lumaban? Anong mangyayari? Mas lalo akong masasaktan pag nalaman kong may nangyaring masama sayo at baka mabaliw pa ako pag nagkatotoo itong naiisip ko."