EPILOGUE

974 55 22
                                    

EPILOGUE

[Makalipas ang Walong taon]

Mula sa kinatatayuan ko sa malawak na Balkonahe ng aking Opisina na nasa pangatlong palapag ng aking Tahanan, makikita ang mga Batang musmos na masayang naglalaro at nagtatampisaw sa ibabaw ng tubig nang Talon ng Eiraaz.

Natutuwa akong makita silang masaya at  nagtatawanan. Ang dating masalimuot na buhay nila ay naglaho na simula nang kunin ko sila at alagaan. Ang ngiti sa mga labi nila ay katumbas ng malaking tagumpay na natamasa ko sa buhay.

"Mr. Zamante.."

Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin. Ang aking pangalawang kamay, si Trish. Oo si Trish na nagtatrabaho na sa akin ngayon. Matapos ang pangyayari noon, naging kaibigan ko na siya ulit. Yun lang at wala ng iba.

"Ano yun?" ngiti kong tanong.

"Dumating na ang mga taga-media na mag-iinterview sayo. Nasa Conference room na silang lahat.." imporma niya. Nginitian ko siya bilang tugon.

"Sige, bababa na ako.."

Pag-alis niya ay muli kong pinagmasdan ang mga Bata na masaya nang nagkakantahan kasama ang mga Tauhan ko na siyang tumutulong sa akin sa pag-aalaga sa kanila. Naka-pwesto na sila sa malaking bato malapit sa Talon kung saan maririnig ang malakas na pagbagsak ng tubig nito mula sa itaas ng bundok.

Kung nandito ka lang, paniguradong matutuwa ka sa mga Batang nandito.

Malakas akong napabuntong-hininga ng sumagi na naman siya sa isip ko. Tumingala ako sa langit at pinagmasdan ang mga ulap na nag-iiba-iba ng hugis.

"Hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita. At hindi ka kailanman mawawala dito sa puso ko. Arie ko .." pumikit ako at ninamnam ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa buong katawan ko.

Nasa loob na ako ng Conference room. Handa na para sa pakikipagpanayam sa akin ng mga taga-media ukol sa tinayo kong Bahay-ampunan na kung tawagin ay 'Home for the Innocence'. Nakangiti lamang ako sa kanila habang hinihintay ang mga katanungan na nais nilang malaman mula sa akin.

"Umm..Mr. Zamante..P-paano kami makakapagtanong sayo kung masyado pong nakakatunaw ang ngiti mo.."

Natawa ako sa sinabi iyon ng isang Babaeng kasamahan nila. Tinawanan lang din siya ng mga kasamahan niya.

"Oi, Luisa nandito ka para mag interview hindi para humarot.." pabirong sabi ng kasamahan niya.

"Ihhh sobrang gwapo kasi.." pabulong niyang banggit na ikina-iling ko na lamang.

"Umm..Kailangan ko bang seryosohin ang mukha ko?" inosenteng tanong ko.

"Ah hindi Mr. Zamante. Mas komportable po kami sa maaliwalas na ngiti mo.. hihihi.." sabi noong isa.

"Ah ok. Simulan na natin?" ngiti ko.

"Sige po." at umayos naman silang lahat. "Unang tanong, Ano pong nag-udyok sa inyo na magtayo ng malaking Orphanage? At the young age of 28, ikaw po ang kauna-unahan at pinaka-batang nakapagtayo ng napakalaking bahay-ampunan dito sa Bansa. At hindi lang Bahay-ampunan ang itinayo niyo, pati na rin Elementary School. At sa loob ng anim na taon, sobrang naging matagumpay na ito."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love you, Nerdy! [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon