Chapter 4: Sweet Evil
(Yahiro's POV)
Nakatungo lamang ako habang naglalakad sa School field. Wala pa si Zaarie kaya ako pa lang mag-isa. Hindi ako mapanatag at nakakaramdam na naman ako ng takot sa tuwing mag-isa lang ako. Pakiramdam ko kasi, sa anumang oras may mambubully na naman sa akin dito. Kanina nga lang sa Gate ay rinig kong pinagtatawanan na naman ako ng ibang estudyante. At Ewan ko ba, nasasanay na rin ako sa presensya niya.
Kahapon kasabay ko siya sa pag-uwi pero hindi siya nagpahatid sa akin sa bahay niya. Kumain pa kami nun ng streetfoods at syempre libre ko. Nakakatuwang isipin na kay gandang babae eh ang lakas kumain ng kwek-kwek, fishball, tempura at pati Balut. Naubos nga allowance ko eh dahil hindi niya talaga tinantanan ang mga streetfoods doon. Samantalang ako, dalawang stick ng fishball lang ang nakain. Pero kahit ganunpaman, sobrang nag-enjoy ako na kasama siya.
"Yahiro.."
Natigilan ako sa paglalakad ng marinig kong may tumawag sa akin mula sa likod. Kilala ko ang malumanay na boses na 'to. Nag-aalinlangan ko siyang hinarap.
"T-trish.." banggit ko. Kahit nadismaya ako sa sinabi niya sa akin may parte pa rin ng puso ko na gusto pa rin siya. Tatlong taon din kasi kami naging magkaibigan at sa loob ng taon na yon, nagkagusto ako ng lubusan sa kanya.
"Pwede ba tayong mag-usap?" nahihiya niyang tanong.
"Nag-uusap na tayo Trish.."
"H-hindi dito. Doon sa Study shed na dati nating tambayan.."
Papayag na sana ako ng biglang dumating si Zaarie.
"Yahiro!! Bibi ko!!" Napangiwi ako sa pag-sigaw niya. Napatingin tuloy ang lahat sa kanya at yung iba pinagtawanan pa siya. Kumakaway pa kasi siya habang tumatakbo palapit sa akin. May dala pa siyang isang kahon. Napatingin ako kay Trish na napasimangot ng makita siya.
Yung masayang ngiti naman niya ay napalitan ng pagka-irita ng makitang kasama ko si Trish.
"Bibi, are you cheating on me?" agad na tanong niya ng makalapit na siya sa akin. May nginunguya na naman siyang bubble gum. Habit niya na ata yan. Inangkla niya ang kamay niya sa kaliwang braso ko at nabigla ako ng halikan niya ako sa pisngi.
"Huh? H-hindi ah.." agad na sabi ko. Nangangamatis na ata ang pisngi ko dahil sa ginawa niya.
"Eh bakit magkasama kayo?" bumaling siya kay Trish na nagulat din ata sa paghalik sa akin.
"I-i just want to talk to him for what happened last time--"
"Para saan pa?" pagputol ni Zaarie sa pagsasalita niya. "If you want to apologize, just say sorry and go away. You don't need to have an explanation. What you did that time, already explains everything. That you don't like him. Na ikinakahiya mo siya--"
"No! Hindi ko siya ikinakahiya. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun--"
"Oh thats bullshit! I already gave you a chance to own him. But what you did is really improper! Kung napahiya ka sa ginawa niya, edi sana binusted mo na lang o tinakbuhan mo na lang siya hindi yung pinagsabihan mo pa siya ng masasakit na salita!"
"Z-zaarie..stop it.." pagpipigil ko sa kanya. Ang dami nang nakikiusisa sa paligid. At konti pitik na lang niya maiiyak na si Trish.
"You know what is painful? He treated you as a special friend for fucking 3 years. But you just treated him back like a trash. This man doesn't deserve you. You are a great pretender, Trish."
"Alam ko ang kamalian ko! Kaya nga ako nandito sa harap niya para humingi ng tawad eh!"
"Apologize now then leave!"