Chapter 11: Enochlophobia

728 38 14
                                    

Chapter 11: Enochlophobia

(Yahiro's POV)

Nandito na kami sa simbahan nakikinig sa mga sermon ng Pari. Kanina ko pa pansin na parang hindi mapakali si Zaarie. Pinagpapawisan siya kahit malamig naman dito sa loob dahil may Aircon at may nakatapat pa na Ceilling fan sa amin. Medyo hiningal din siya at nag-aalala na ako ng sobra.

"Arie, ok ka lang ba? Malamig naman bakit ka pinagpapawisan?" pag-aalala kong bulong sa kanya. Dinukot ko ang Panyo ko sa bulsa at pinunasan ang noo niyang tumutulo na ang pawis.

"Sorry Bibi. First time ko kasing pumasok sa simbahan. Di lang siguro sanay ang katawan ko sa environment dito. Ok lang ako Bibi..hehe.." pagdadahilan niya.

Alam kong hindi siya komportable at napilitan lang siyang sumama sa amin dito. Tinignan ko sina Am-am at Ap-ap sa kabilang hilera ng upuan kasama si Kuya Herrence. Tumango at nginitian lang ako ni Am-am ng makita niyang nakatingin ako sa kanila. Pati sila napansin na hindi komportable si Arie dito at kita din sa reaksyon ng mukha nila na nag-aalala sila. Medyo mahaba-haba pa naman ang Misa kaya paniguradong mas mahihirapan siya.

"Halika.." hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya patayo.

"B-bibi..kasisimula pa lang ng Misa.." pagtataka niya.

"Your condition is more important, Arie. Don't worry, God will understand us." sabi ko atsaka siya hinila palabas ng simbahan.

Paglabas namin ay atsaka pa siya nakahinga ng maluwag. Hinihingal siyang napaupo sa upuang kahoy. Agad ko namang nilabas ang Mineral water mula sa backpack ko at pina-inom sa kanya. Naka-squat position akong nakaupo sa tapat niya. Magtatakipsilim na kaya walang masyadong tao sa paligid atsaka nasa loob ng simbahan ang lahat.

"Sana sinabi mo na may Enochlophobia ka pala." pag-aalalang sabi ko. Enochlophobia is a fear of the crowd places. Madaming Tao sa loob ng simbahan at medyo masikip pa.

Nagtatakang napatingin siya sa akin.
"P-paano mo nalaman?"

"Pareho kayo ng kondisyon ni Ashiya kaya hindi namin siya sinama dito dahil takot siya sa madaming Tao. Sana sinabi mo sa akin para hindi kita pinilit. Maiintindihan ko naman.."

"I just can't resist you. I-i don't want to disappoint you.." napapatungo niyang sabi.

Nanlalambot tuloy akong nakatingin sa kanya. Hinaplos ko ang pisngi niya at itinaas ng bahagya ang nakatungo niyang mukha para mapatingin siya sa akin.

"I really appreciate that you're trying your best for me to be happy with you, Arie. But you don't have to sacrifice your condition. Just tell me if you don't want. I will always understand you. Naiintindihan ko nga ang kakaibang ugali mo, ang kondisyon mo pa kaya?"

Natawa siya sa sinabi ko. "Pero Diyos na ang lumalapit sa akin tapos tatakbuhan ko pa? Gusto ko rin namang mapalapit sa kanya kahit papaano. Gusto kong maging katulad mo na napakabuting tao kasi malapit ka sa kanya.."

"Arie, madaming paraan para maging malapit ka sa Panginoon. Hindi mo kailangang pumasok sa simbahan para mapalapit sa kanya. Kasi hindi naman lahat ng nagsisimba ay mabubuting Tao at hindi din lahat ng hindi nagsisimba ay masasama. Kung sino pa nga minsan ang Relihiyoso ay sila pa yung hindi makatao eh. Pwede mo siyang kausapin ng ikaw lang mag-isa na walang mga Tao sa paligid. Hangga't nasa puso mo ang pakikipag-usap sa kanya, makikinig siya at gagabayan ka pa niya sa lahat ng suliranin mo sa buhay."

"P-pero masama akong Babae. Mapapatawad pa kaya niya ako?"

"Hindi ka masama, Arie. Mabuti kang Tao. Kinakain ka lang ng galit mo dahil sa nakaraan mo kaya ka nagkakaganyan.."

I Love you, Nerdy! [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon