Chapter 7

51 2 0
                                    

JC's POV

Nakakainis naman si ate. Nakakabanas PAEPAL! May pa dare-dare pa. Nasa mall kami ni ate. Yun yung dare nya. Para makuha ko yung number ni Alexa. Maging slave nya ko. Ako ang tigabitbit ng mga pinamili nya. Para akong bodyguard sa ginagawa ko, ang gwapo ko namang bodyguard.

"Ate di pa ba tayo uuwi. Ang dami mo ng nabili"  Totoo naman talaga eh. Mahigit 10 paperbags na yung mga dala ko.

"Anong ang dami. Ang konti palang nyan. Wala pa yan sa kalahati ng cabinet ko." May balak pa siyang punuin yung cabinet nya.

"Ate naman eh!" Nakakainis na talaga.

"Ate talaga.. Gusto mo makuha diba, paghirapan mo. Torpe mo kasi!" Ako na torpe, ako na talaga.

Alexa's POV

Umaga na. May pasok ngayon pero hindi parin kami nagkakaayos ni mommy. Ang hirap naman ng sitwasyon nato. Ginawa ko na yung mga morning rituals ko. Pagkatapos ko makapag-ayos bumaba na ko para kumain ng breakfast.

"Goodmorning po!" Binati ko sila, para hindi naman awkward. Ako din naman yung may kasalanan.

"Good morning din. Nakatulog ka ba nang maayos?"  Kahit galit sya nagaalala parin sya sakin.

"Mommy!"  Umiyak ako sa harap ni mommy.

"Oh wag ka na umiyak. Alam ko na lahat. Im so sorry anak. Hindi muna kita pinag-explain. Sinabi ni Blue sakin lahat. Pero infairness ang sarap nung uwi nyong mga cookies. Next time invite mo yung mga friends mo. I want to meet them."  Yes.. Thank God. Salamat naman at napatawad nako ni mommy.

"Thank you mommy!" Thank you very much God. Nakakagaan ng loob.

"Ok let's eat. Stop the drama!" Cool mom.

Kumain na kami. Nagkwentuhan at kung ano-ano pa. Pumasok na ko sa school. Nag paalam muna syempre ako kila mommy. Nagpahatid ako sa chararat naming driver na si Kuya Tony. Chars lang, napamahal nako sa lahat ng mga kasambahay at driver namin sa bahay dahil mula bata kasama ko na sila.

"Kuya Tony doon nalang po sa may 7 eleven nyo ko ibaba. Maaga pa naman po eh may bibilhin lang po ako tapos mag-lalakad nalang po ako"  bibili na lang ako ng inumin tsaka trip ko maglakad.

"Yes mam, yes mam three bags full. One from the monster one for the day. One for the little boy who lives in the cave!" What the. May sapak nga talaga tong si kuya Tony.

"Ok Kuya Tony, pag nakabisa mo yang kanta ng maayos at hindi mali-mali ang lyrics. Ikaw na!!"  Grabe si Kuya Tony. Masyado ako striness. Hayy kaloka.

Lumabas na ko sa kotse at pumunta ng 7 11. Binili ko na lahat ng bibilhin ko.
Listahan.....
C2

Pic A

Mogu Mogu

Goya

Chips Delight

Tattoos

Gummy Bears

Nips

Piattos

Pagkatapos nyan naglakad na ko mamaya pa naman yung klase namin eh. Habang naglalakad kinakain ko na yung Goya. Yung mga binili ko mamaya ko kakainin sa recess. Paulit-ulit nalang kasi yung mga pagkain sa canteen. Mahaba haba din pala mga ikwe-kwento ko kila eonni's. Sila ang pangalawa sa pinaka magandang blessings na binigay ni God sakin. Syempre family first pero kahit ganun para ko na silang pamilya. My mother treat them as a daughter. Super close nila sa parents ko. Naglalakad lang ako papunta sa school ng may nakita akong nakauniform ng Shanghai University. Bago ko pala makalimutan "Shanghai University" pala yung name ng school namin. Nakakagutom yung name. "Shanghai" hahhha. Nagtataka lang ako bakit siya naglalakad para makapasok ng school.

AN: ano gusto mo. Gumapang yan. Eh ikaw nga din naglalakad, walang basagan ng trip.

Grabe yung author. Ang harsh!!! Meanie... Commonsense naman. Puro kasi mayayaman mga nag-aaral dun. Kulang nalang ata naka wheelchair din nagaaral sa school namin. Sa sobrang arte at yayaman ng mga nagaaral dun. Buti nalang kami nila eonni hindi ganun, kasi naniniwala kami. Kung may tiyaga may nilaga.

AN: Connect nun??!

Wala ka na dun. So I was saying parang bago ata siya. Kasama kasi kaming buong "Reapers" sa student council. Kilala ko mga mukha ng nag-aaral dun. Mga mukhang tinapay sa sobrang dami ng make up na parang harina na. Kala mo naman kinaganda nila. Inagawan lang nila ng trabaho ang mga clown. Matawag nga para may kasabay ako. Mukha syang mayaman. Maka make up din wagas eh. Pero okie na yan. Baka friendly naman.

"Hey!!"  Wag kayo. Ganyan talaga ako bumati. Aba lumingon lang.

"Girl na naka make up ng MAKAPAL!!"  Hahahhha all copslock para intenst.

"Me!" Gosh mayaman nga weird naman.

"May iba pa ba?!" Nakakaewan siya kami lang naman naglalakad dito eh.

"What do you want?" Maldita etech.

"Sabay na tayo, parehas naman tayo ng school eh" sabi ko sa kanya.

"Sorry pero hindi nalang. Baka pagkamalan pakong basura kapag kasama ka!" Wow naman. Mas mataas pa fashion quality ko sa kanya.

"Oh so mayaman ka. Magbigay ka ng isang designer na nabilan mo man o hindi paman ng damit pero sobrang sikat!" Baka magulat sya.

"Alexandra Carias. She's a famous designer. I'm sure you don't know her" Sabi na nga ba eh.

"Yeah I don't know her. Because I very very very know her. Shes my mother!" Gulat ka. Porket di lang ako nakapag-ayos. Kala mo naman kung sino. Sya na nga isasabay ko aarte pa. Alexa Carias na yung nagaalok sa kanya aarte pa.

"I don't believe you!" Aba I don't believe you pa more.

"Ok see you later. Bye" bahala siya kung ayaw nya maniwala. Kala ko pa naman mabait hindi naman pala. Makapag lakad na nga ng mabilis para maabutan ko pa sila eonni. Late comer ako eh.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Here's my update guys. Na authors block ako eh. Wala maisip pero babawi ako yun lang. Thank you sa lahat ng nagbabasa. I'm appreciating your effort. I'm craving for your votes and comments guys.. Kamsa!! Krukers

Nae Nae!!

Nobody But YouWhere stories live. Discover now