Chapter 14

19 1 2
                                    

"Nakaayos na ba yung pagkain?" Tanong ni eonni Rome. Nandito na nga pala ako sa kanila. Naihatid naman ako ng ligtas ni kuya Tony. Thank God. Nagpaalam ulit ako kila mom and dad bago umalis.

"Yup. Okay na lahat. Tawagin mo na sila" umakyat na ako para tawagin sila eonni Jade. Nag-aayos pa kasi sila ng gamit nila kaya sila naiwan sa taas.

"Eonni's kain na"

"Yeah. Wait lang, lalagay ko nalang ito at TADAH tapos na." sabi ni Val.

"Nasan nga pala si Eonni rome?" Tanong ni engel.

"Nasa kusina" sagot ko.

"Ano ginagawa?" Tanong ni engel.

"Baka naliligo!!! Tsk, malamang nagluluto man o kumakain" pangbabara ko.

"E di waw!"

"Tara na nga. Magpatayan pa kayo dyan" bumaba na kami at pumunta sa kusina.

"Oh bakit ganyan mukha mo engel?" Tanong ni eonni rome.

"Ganyan talaga yan, mukhang nabundol!" Pang-iinis ni Jade.

"Tsk. Kanina pa kayo!! Pag ako napuno!!" Sigaw ni Engel.

"Tsk, e di aapaw. Puno na pala eh" sabi naman ni Francine.

"Magsitigil na nga kayo. Mamaya na kayo mag-away, kumain na muna tayo" sabi ni eonni rome.

"Basta talaga pagkain. Iba hatak sayo eonni Rome" sabi ni val.

"Syempre naman yes!" Sagot ni eonni rome. Umupo na kami at nagsimulang kumain. Habang kumakain may napansin ako. Hindi naka focus si eonni rome sa pagkain nya.

"Eonni Rome, ano yan?" Tanong ko kay eonni Rome. Halatang nagulat siya eh.

"Ah wala. Kain na tayo"

"Okay!" Hindi ko nalang pinansin. Nagpatuloy na ulit kami sa pagkain.

*****Fastforward*****

"Matulog na nga kayo. Mga paepal, ang iingay ninyo!!!" Sigaw ko.

"KJ mo, matulog ka mag-isa!!" Sigaw na sagot ni engel. Nagkaka-gulo na kami dito, ako gusto ko matulog sila gusto nila maglaro ng truth or dare.

"Talaga matutulog ako mag-isa. Ayaw kitang katabi. Panget mo!!!" Nahiga na ako at nagtalukbong ng kumot.

"Lol!!" Sigaw ni engel.

"Ok, wag nalang kayo magsigawan. Alexa sumali ka na. Bahala ka baka may gusto ka malaman pwede mo itanong sa truth" sabi ni eonni Rome. Naintriga ako. Parang may gusto akong itanong pero hindi ko alam kung ano.

"Tsk... Sige na nga" tumayo na ako at nagpunta sa baba ng kama. Nakapaikot kaming nakaupo.

"Okay sa akin mag start!" Sigaw ni Val. Inikot na ni Val yung bote ng lotion ni eonni rome dahil walang makitang bote ng kahit manlang soft drink.

"Sayo natapat engel!!!" Sabi ni Val.

"Ok. Engel ano ang pinaka- ayaw mong ginagawa o naririnig mo?" Tanong ni Val.

"Tsk.. Ang ayaw ko ay yung lagi akong binabara!!" Sagot ni Engel sabay tingin sa amin.

"Ayaw mo pala ng ganun. E di ganun nalang gagawin namin!" Sabi ni Jade. Hahhaha loka talaga.

"Okie na. Mag-aaway pa eh. Engel iikot mo na yan" saway samin ni eonni rome. Pinaikot na ni Engel yung bote at tumapat kay Francine.

"Wahhhh Francine, okay. Kung ikaw ang papipiliin ano ang gusto mo. Pogi pero hindi ka mahal o panget pero mahal na mahal ka at lahat ay gagawin para sayo?. Knowing you, mahilig ka sa gwapo" hahhaha it burns..

"Hayy nako napakahirap naman. Wala bang madali like, anong kulay ng panty mo, ano ulam nyo kahapon. Mga ganun!!" Hahaaha may topak talaga.

"What the. Francine, serious talk!!" Sabi ni Jade. Naalala ko tuloy si Scud.

"Hayy oo na. Wala pa akong alam sa love pero pipiliin ko yung pogi pero hindi ako mahal" sagot ni Francine.

"And why?" Tanong ulit ni val.

"Kasi kung pipiliin ko yung PANGET. Magiging unfair lang ako sa kanya. Dahil for the first place alam naman nating lahat na hindi ko siya mahal. So ang lalabas nun ay ginagawa ko lang siyang rebound. Napaka sama ko naman siguro kung ganun, dahil wala naman siyang ginawa kundi mahalin ako ng mahalin pero wala naman akong nararamdaman sa kanya. Pag pinilit ko ang sarili ko na mahalin siya, wala ding mangyayari. Kung makikipag relasyon naman ako sa kanya, one sided love ang mangyayari kaya mas pipiliin ko nalang yung pogi na hindi ako mahal dahil makakalimutan ko naman panigurado yung nararamdaman ko sa kanya. Pwera nalang dun sa panget na mahal na mahal ako pero hindi ko din sigurado kung mamahalin ko din" sagot ni Francine.

Spell nganga. Kami yun ngayon. Hindi ko ito expected sa isang Francine Froie. Knowing her, mahilig siya sa pogi pero kahit pogi yung pinili nya. May kahulugan.

"Ikaw ba yan Francine. Anong kaluluwa sumapi sayo??" Inaalog -alog ko yung balikat ni Francine.

"Ako to. Para yun lang eh. Iikot ko na" inikot na ni Francine at tumapat kay Jade.

"Ikaw na jade" sabi val.

"Okay jade. Ano ang gusto mo sa lalaki?" Hahhha ang gara naman ng tanong ni eonni Francine.

"Hala, bakit naman ganyan"

"Wala, sagutin mo nalang" no choice si jade.

"Um.. Mabait,matalino,masipag,matiyaga at, mapag-kakatiwalaan kahit sobrang gwapo okay lang" wahahaahaha may pahirit pa siya.

"Luka, okay ikot mo na" inikot na nila ulit at natapat naman sa akin. Bullshit naman.

"Okay. Alexa, may nagugustuhan ka ba ngayon?"tanong ni jade.

"Wala" easy as pie ang sagot.

"Sure ka ba. Eh si JC wala ka bang nararamdaman sa kanya?"

"Wala. "

"Okay, ikot mo na" inikot ko na at tumapat naman kay eonni rome.

"Eonni Rome, kaylan ka mag bo-boyfriend?" Tanong ko lang dahil she's at her right age at hindi pa siya nagkaka boyfriend.

"Oh... Ahh -- hi -ndi ko pa alam" sagot ni eonni rome. Pautal utal pa siya sumagot. Parang may mali. Hayaan na nga.

"Okie, bukas nalang ulit natin ituloy" inaantok na talaga ako.

"Oo nga, antok na rin ako eh" sabi ni val.

Nahiga na kami at nagtalukbong ng kumot. Isang malaking bed lang ang nasa kwarto ni eonni rome. Naglatag nalang kami sa baba. Ako si eonni rome at jade sa kama sa baba naman sila francine, val, at engel. Sa sobrang antok naman ay nakatulog na ako.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Voting is not a crime. So you can vote as long as you want para naman may inspirasyon ako sa pag gawa ng bagong chapters. And comment whats on your mind. Kung sino din po yung may gusto you can follow me. Thanks ...kamsa...

Pakipindot nalang po yung star sa baba. 😉

Nobody But YouWhere stories live. Discover now