Chapter 20

31 3 1
                                    

Alexa's POV

"Shutanginerns naman. Nasan na kaya yun. Lahat ng restaurant dito napuntahan na natin!!" Nagpa- padyak na si Engel. Kanina pa kami nag- hahanap kay rome. Hindi pa namin siya nahahanap hanggang ngayon. Kulang nalang magpa search and rescue kami ngayon eh.

"May isa pang mall dun. Medyo malayo nga lang" sabi ni jade. Hinahanap namin si Rome sa mga mall. Dun naman kasi kami madalas. Wala naman din kaming alam na pupuntahan nya. Lahat ng restaurant ng mga mall napasok na namin. Kulang nalang sa amin ay uniform ng mga pulis.

"Ireport na kasi natin sa pulis!! Paktet naman kasi 12:45 na. Madaling araw na mga te. May pasok pa tayo" sabi ni val.

"Absent nalang siguro tayo." Suggest ko.

"Hay nako. Siguro nga ganun ang mang- yayari. Ireport na natin" pag kasabi ni francine nun ay umalis na kami sakay ng kotseng dala ni Francine at pumunta sa police station.

**

"Pero manong pulis naman. Babae yung kaibigan namin. Kung kayo din naman po nasa katayuan namin, syempre po hindi nyo maiiwasan mag- isip ng negative. Di ba po!" Nakarating na kami dito sa police station. Nakikipag- talo pa kami kay manong police. Wala pa daw kasing isang araw nawawala eh.

"Sorry talaga mga iha. Pero ganun ang patakaran natin. Kung may magagawa lang ako, pero wala akong magagawa dahil isang pulis lamang ako na nag- lilingkod at wala sa mataas na katayuan para gawin iyon. Bumalik na lamang kayo dito pag- hindi pa sya umuuwi" Sabi ni manong police.

"Okay po manong police. Mauna na po kami" tumayo na kami at umalis.

Habang papauwi sa bahay nila rome. Napag- kasunduan kasi naming doon na matulog baka kasi umuwi na. Hindi na rin kasi kami papasok bukas. Ay hindi pala bukas ngayon pala 1:45 na kasi. Madaling araw na kasi.

"May feeling akong may tinatago sa atin si Rome. This past few days nag- iba siya" sabi ni francine habang nag- drive.

"Paranoid ka lang. Bayaan nating sya ang mag- sabi sa atin ng problema" sabi ni Val.

"Okay" sagot nalang ni Francine.

**

Papasok na kami sa bahay ng mapansin naming bukas lahat ng ilaw. Nung umalis kami ilaw lang sa sala at labas ang naka bukas.

"Hoy sino ba nag- bukas ng lahat ng ilaw sa inyo?" Tanong ni Jade.

"Buang, kita mong sama- sama tayo eh" sabi ni Engel.

"Baka may mag- nanakaw o kaya naman may multo!" Sabi ni Val.

"Luka, ikaw ang paranoid eh" Sabi naman ni Francine. Pandalian naming nakalimutan ang pag- kawala ni Rome dahil sa mga bukas na ilaw. Nakakaloka.

"Pumasok na nga tayo sa loob" matapang na sabi Jade.

"Jade astig ba pag hindi takot?" Tanong ni Engel.

"Hindi"

"Eh di ikaw nalang pumasok, hindi naman pala astig eh" sabi ni engel.

"Bahala na nga kayo dyan!" Nauna ng pumasok si Jade. Sumunod nalang ako, bahala na sila Engel dun.

"Alexa mauna ka nga. Mas matangkad ka sakin eh" sabi ni Jade.

"Ay grabe ka, pati ba naman dito by height. Baliw mauna ka, mas matanda ka sakin eh"

"Age doesn't matter anymore. Mauna ka na" tinulak na niya ako papasok. Kinakabahan ako, baka mamaya makasalubong nalang namin si Kayako, Saw, Chuckie, Sadako, at kung ano ano pang nilalang na kamukha ng mga kaibigan ko. Chars lang!

"Wag mo naman akong sobrang ipag- tulakan. Pag ako nadulas" sabi ko kay Jade.

"Okay lang yan, wala namang mababago eh"

"Anong walang mababago?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala, tara na nga" pumasok na kami sa loob. Lahat talaga ng ilaw ay bukas. Pati ata sa CR eh.

"Yaya!!" Sigaw namin ni Jade. Yung mga yaya lang kasi yung tao dito kanina bago namin hanapin si Rome.

"YAYA!! KINGINA, NANAKOT BA KAYO!" Sigaw ko.

"Ulol, bakit may kingina. Baka akala nila yaya minumura mo sila!" Hinampas ako ni Jade sa braso.

"Shutang, masakit ah!" Tumuloy na kami sa pag- pasok. Nakakakaba naman ito, daig pa namin nasa conjuring.

"Luka tara na kasi sa may taas. Dami mong sinasabi eh!" Nasa may hagdan na kami. Kaloka, baka mamaya may babaeng bumababa na naka- bending. Hindi ko ma take eh gayahin ko, chars.

"Bukas yung pinto ng kwarto ni Rome. Gaga baka may tao" pabulong na sabi ni Jade.

"Kingina, bakit mo ba ko minumura. Gaga ka ng gaga, commonsense naman may tao dyan. Sinarado pa natin yan eh. Pag- walang tao-" natigilan kaming dalawa.

"Moo moo, may moo moo" natatakot na sabi ni Jade. Kumapit agad siya sa braso ko.

"Paktet tara na nga!" Nag- tulakan kami papasok ng kwarto.

**Cry**

Pagkatapat namin sa pinto, sakto namang may narinig kaming umiiyak.

"Alexa, iba na ito. Alam ko sunod ng mga ganitong scene. Mayroong kakanta" pabulong na sabi niya.

"Ganito na nga ang nangyayari may kakanta pa! Ano namang kanta?" Tanong ko sa kanya.

"Sino yang kasama mo" takte tumaas lahat ng buhok ko sa katawan. Chars lang.

"Shut up na nga. Pasok na" Nakatapat na kami sa may pintuan ng may matanaw kaming isang anino. Lights out ang peg, pero nakabukas lahat ng ilaw. Lights in.

Lakas loob kaming pumasok sa loob at naabutan namin si Rome na umiiyak. Gosh..

"Rome!" Sabay naming tawag ni Jade. Napalingon sya sa amin at pinunasan agad niya ang kanyang mga luha.

"Bakit nandito pa kayo, dapat umuwi na kayo" sabi niya.

"Hinanap ka pa kasi namin. Saan ka ba nanggaling? Alalang- alala kami sayo. Pumunta pa kami ng police station para i- report ang pagkawala mo. Saan ka ba nanggaling?" Naghi- hysterical na sabi ni Jade. Bigla namang pumasok sila Francine.

"Nandito ka na pala, hindi ka man lang magtext o tumawag. Wala ka bang load, taghirap na ba! O baka naman lowbat yung cellphone mo" sunod sunod na sabi ni Francine.

"Hindi ko dala yung phone ko, sorry naabala ko pa kayo" nakayuko lang si rome habang sinasabi ang kanyang mga gustong sabihin.

"Oo hindi mo dala. Naka- patay nga eh. Mukha ka namang okay. Tara na guys, baka kaylangan niya pa ng madaming oras" umalis na si Francine pagkatapos niya sabihin iyon.

Wala na kaming nagawa, bakit ba nangyayari sa amin ito. Dati naman hindi kami nag- sisigawan at nag- aaway eh. Bakit naman ganito na ngayon. Everything happens for reason. Yun nalang ang pang- hahawakan ko. Sana naman hindi mag- tagal itong away namin. Kasi bilang kaibigan, nasasaktan akong nakikitang hindi sila mag- kakasundo.

Francine's POV

Taon na ang nabilang ng pag- kakaibigan namin. Dapat tumitibay ang pag- kakaibigan namin. Pero ngayon, nag- kakalabuan na kami. Hindi ko hiniling na mangyari ang bagay na ito pero bakit dumating nalang. Iba talaga si God, maraming surprises. Alam ko na may tinatago si Rome sa amin. Hindi ko alam pero nararamdaman kong napakalaking problema non. Dahil hindi niya magawang masabi sa amin. Sana naman ay matapos na ito. Ang bigat kasi sa pakiramdam.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Tadah! Here's my update.

Love you guys!!

Thanks eonnie Gel sa Book Cover
Sugar_Fruity

~Nae

Nobody But YouWhere stories live. Discover now