Chapter 16

19 1 0
                                    

Hinintay ko lang sila mom and dad. Nag-dinner lang kami sama-sama. Napag-usapan na din namin yung tungkol sa bakeshop. Kaya kaylangan ko na talaga makausap si ate jenny. Pag-katapos namin kumain ay nag-punta na ako sa kwarto ko. Gumawa lang ng ilang assignment at nahiga na rin at natulog.

☀☁☀☁☀☁☀☁☀☁☀☁☀☁

Good morning sunshine!!! Ganda ng gising ko. Tumayo na ako ay ginawa ang mga routine ko. Bumaba naman ako para mag-breakfast. Mamayang 11:00 pa naman yung pasok namin eh.
Wala sila mom and dad. Pumasok na daw sabi ni manang. Pagkatapos mag-bake nalang ako, tapos dalhin ko kila rome. Pagkatapos ay umalis na rin ako.

"Kuya Tony, kila rome tayo" sumakay na ako sa kotse at nag drive na si kuya tony. Habang nasa byahe may na receive akong text galing kay JC.

Good morning! 😊

Natawa ako sa text niya. Talagang may emoticon pa.

"Good morning din 😃😊"
I reply.

Nakarating na kami kila rome. Nag doorbell lang ako at lumavas ang isang kasambahay.

"Good morning po mam Alexa" bati sakin nung kasambahay. Kilala na kasi ako dito.

"Good morning din po manang. Nasan po si rome?" Tanong ko.

"Mam nagpunta po sa inyo"

"Sa amin, pero wala siyang nabanggit. Kanina pa ba siya umalis?" Tanong ko ulit.

"Opo mam. Kanina pa po" pagkasagot ni manang nun ay bigla akong kinabahan.

"Okay po manang paki iwan nalang po itong nga cookies. Aalis na po ako" binigay ko na kay manang yung lalagyan ng cookies.

"Okay po mam. Mag-ingat po kayo" umalis na ako at sumakay sa taxi papuntang mall. Naguguluhan parin ako. Tumawag ako sa bahay. Tinanong ko kung nagpunta si Rome pero hindi naman daw.

Pumunta muna ako ng Starbucks at um-order. Habang wala pa yung mga order ay nag text ako kila Francine maliban kay rome.

"Kasama nyo ba si Rome??"

Agad-agad naman silang nag reply. Hindi daw nila kasama si Rome. Kung hindi nila kasama si Rome nasan kaya siya. Inubos ko lang yung order ko at umalis na rin. Papasok nalang ako. Baka nandun na si Rome. Pagpasok ko, walang ni isa akong naabutan. Ako palang ang pumapasok, tinignan ko ang oras. Mag 10:00 palang. Sobrang aga pa. Naupo nalang ako sa may desk at yumuko. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

"Alexa gising" narinig ko na parang may yumuyugyog sakin kaya minulat ko ang aking mata.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Nakatulog ka, ang aga mo siguro pumasok" sabi ni Janna. Isa sa classmate ko.

"Ahh okay. Thank you sa pag-gising" bumalik na siya sa upuan niya. Marami narin palang tao dito sa classroom. Wala parin sila. Lagpas 11:00 na. Habang abala ako ay biglang pumasok si Jade.

"Alexa, wala pa sila?" Tanong nito.

"Oo, lagpas 11:00 na nga eh. Buti wala pang prof" umupo na siya sa tabi ko.

"Guys!!!" Tawag samin ni Val, Engel, at Francine.

"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong namin ni Jade.

"Traffic eh. Nag-kita lang kaming tatlo sa may gate" paliwanag naman nila.

"Wala pa si Rome?" Tanong nila.

"Yeah, kanina pumunta ako sa kanila pero wala daw dun. Pumunta daw sa amin, tumawag naman ako sa bahay hindi naman daw dumating" sabi ko.

"Baka naman may pinuntahan, o kaya naman may importanteng gagawin" sabi ni Engel.

"Sobrang importante naman nun. Knowing Rome ayaw niya ng may absent dahil top student siya" paliwanag ko naman.

"Bahala na, tawagan nalang natin mamaya. Nandyan na yung prof" umayos na kami ng upo at nag-simula na.

Natapos ang klase pero wala pa din si Rome. Lunch na kaya pumunta na kami sa may canteen.

***Beep***
Nasan na kayo?
Nagtext si Rome.

"Sa canteen" reply ko.

"Guys nag-text siya" sabi ko.

"Anong sabi??" Tanong ni Val.

"Wala naman. Tinanong lang kung nasan tayo"

"Okay" yun na lang ang sagot nila at kumain na.

"Guys!!!" May tumawag mula sa likod namin.

"Rome!" Bati ko naman. Tumingin lang sila kay Rome at kumain nalang ulit.

"Saan ka galing?" Tanong ko.

"Ah-- sa ano-- sa.. Na-late ako" napatingin nalang sila kay rome. Ang weird naman kasi, para kasi siyang balisa.

"Okay, kumain ka na ba?" Tanong ko naman. Hindi kasi nag-sasalita yung iba.

"Bibili lang ako" tumayo na siya at pumunta sa may bilihan.

"Ang weird right!!" Sabi ni Francine gamit ang sarkastikong boses.Tumango nalang kami. Ang weird nga ng araw na ito.

"Pabayaan mo na" sabi ni Jade.

"Pabayaan, pero nag-lilihim na siya sa atin. Para saan pa at mag-kakaibigan tayo!!" Pagalit na sabi ni Francine. Kinalma lang niya ang sarili nya at nag-patuloy na lang sa ginagawa niya.
Bumalik na si Rome na may dalang pagkain.

"Guys sorry nga pala na late ako kanina" sabi ni Rome.

"Buti na-isip mo pa yan" sabi ni Francine ng hindi nakatingin kay Rome.

"Oo naman, kaibigan ko kayo eh" sagot naman ni Rome.

"Bakit ka na-late. Pumunta si Alexa sa inyo, wala ka daw at pumunta ka sa kanila. Pero wala ka naman, saang lupalop ka ba talaga nag-punta?" Tanong ni Francine.

"Na traffic lang" sagot naman ni Rome.

"Tsk.. Na traffic. Rome yung totoo nga, nag-lilihim ka ba sa amin" tanong ni Francine. Hindi na lang kami nag-salita nila Jade. Para namang nag-panic si Rome sa tanong ni Francine.

"Ba-- bakit naman ako mag-lilihim" nauutal na sagot ni Rome.

"Siguraduhin mo lang" Pag-katapos sabihin ni Francine iyon ay bigla na lang siyang tumayo. Tumingin muna sila kay Rome at tumango naman si Rome. Naiwan ako kasama si Rome.

"Away nanaman" nasabi ko nalang yan.

"Sorry" narinig ko ang sabi ni Rome. Nakatingin lang siya sa sahig.

"Bakit ka naman nag-sorry?"nagtatakang tanong ko.

"Malalaman mo din" sabi niya. Bigla naman akong kinabahan. Ano ba yun..

"Tara na!!" Nagising na lang ako sa aking pag-iisip ng bigla na lang siyang nag-salita. Pumunta na kami sa may next subject. Naguguluhan parin ako sa mga nang-yayari. May feeling ako na lahat ay konektado sa akin.

Rome's POV

I'm so sorry, Alexa.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

~Nae Nae

Nobody But YouWhere stories live. Discover now