Chapter 21

39 2 1
                                    

Alexa's POV

Grabe puyat na puyat ako. 11:30 na ako nagising. Pero okay lang, naka- uwi naman ng ligtas si Rome eh tapos hindi pa kami papasok. When katamadan hits you nga naman! Bumangon na ako at ginawa ang mga morning routine ko na naging afternoon routine. Chars, pagkatapos ay bumaba na ako sa may kusina para kumain. Wala pa sila mommy dito, hindi pa sila nakakauwi mula sa kanilang business trip. Lumalaki na daw kasi ang company namin, dumadami na rin ang mga clothing boutiques namin.

"Alexa kumain ka na" nasa kusina si nay Lolit.

"Thanks Nay, uhm nasabi na po ba nila mommy kung kaylan sila uuwi?" Tanong ko kay nay.

"Hindi pa eh, pero baka malapit na rin sila umuwi" kumain na ako pag- katapos namin mag- usap ni nay. Wala ngang pasok, boring naman. Tsk... Buhay nga naman.

**

Pag- katapos ko kumain ay pumunta na lang ulit ako sa kwarto ko at nanuod ng dora the explorer. Buti pa si Dora, gala lang ng gala. Hindi man lang nag- aaral. Yung mga magulang naman niya hindi man lang pagalitan dahil puro lang pag- lakwatsa ang ginagawa ng anak nila. Pero idol ko parin si Dora. Hindi ko nga lang alam kung bakit. Nanunuod ako ng biglang nag- vibrate yung phone ko. Tinignan ko at nakita kong may nag- text.

From: JC
'Bakit hindi ka pumasok?'

To: JC
'Mahabang kwento eh, may problema ba?' Reply ko sa kanya.

From: JC
'Wala naman, hindi kasi natuloy yung alis natin kahapon. Nakakatampo! *pout*'

To:JC
'Sorry, kaylan kaya pwede. Ikaw nalang mag- isip ng araw. Nagka- problema kasi kahapon. Sorry na bestfriend!' Reply ko. Kakain nga pala kami ng icecream, hindi na natuloy. Minsan ko na lang din sya makasama. Magkaiba kasi kami ng class. Miss ko na boy bestfriend ko.

From:JC
'Bestfriend miss na kita. Mag- kaiba kasi tayo ng schedule eh😔'

Bigla akong nagtaka, bakit kaya sa lahat sa kanilang mag- kakaibigan si JC lang ang hiwalay. Wag na ngang isipin. Napaka boring talaga ng araw na ito. Mag- bikti kaya ako. What a good idea. Maya nalang, tinatamad ako eh. Habang nag- iisip ako kung paano ako magbibikti (chars) mayroong kumatok sa pintuan. Binuksan ko at nakita ko si Nay Lolit na sobrang ngiting- ngiti.

"Bakit po Nay?" Tanong ko kay Nay Lolit.

"May naghahanap sayo sa labas"

"Sino po ba yun Nay?" Sino naman kayang dadalaw sakin.

"Hindi ko kilala eh, at ikaw bata ka may manliligaw ka na pala!" Kinurot pa ni Nay yung tagiliran ko.

"Manliligaw, para namang hindi ko kabisado tong bahay Nay. Manliligaw, hindi na kaylangan nun nay. Hindi naman ako maliligaw eh" sabi ko kay nay.

"Anak ka ng... Tinamaan ka na anak. Ano bang nasinghot mo. Bumaba ka na nga lang at makita mo kung sino"

"Ok nay!" Bumaba na ako sa may sala. Sino naman kaya yung bisita ko daw. Pag-kababa ko hindi ko inaasahan ang nakita ko.

"Nath!!" Si nath nakaupo sa sofa.

"Alexa" tawag niya sa akin at inabot nya sa akin yung bulaklak na dala niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Wala, nalaman ko kasing hindi ka papasok kaya nag- alala ako. Akala ko kasi may sakit ka" sabi niya.

"Ahh okay, thanks sa concern. Meryenda ka muna" pinaupo ko ulit sya at sinenyasan yung isa naming kasambahay na pahingi ng meryenda. Hindi ko ma- explain kung anong senyas yun pero naintindihan naman ni ate eh.

"Nath hindi ka ba papasok?" Tanong ko sa kanya. Classmate ko siya diba.

"Hindi na, wala ka dun eh!" Medyo namula naman ako sa sinabi niya.

"Hehe okay, pero graduating na tayo. Dapat hindi tayo nag- papabaya"

"Malayo pa naman eh!" Sabi niya. Malayo pa nga ang graduation namin.

"Baka naman sisihin mo ako kapag hindi mo nalaman ang lesson ngayon"

"Haahha grabe. Hindi naman siguro!" Sabi niya.

Ang awkward na ng atmosphere namin ngayon. Ang tagal kasi ni ate eh. Yung meryenda.

"Bakit ka nga pala hindi pumasok?" Tanong niya sa akin.

"Si Rome kasi, gabing- gabi na hindi pa umuuwi. Nag- alala kami kaya hinanap namin. Ayun, inabot kami ng madaling araw"

"Ah, okay. Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong niya.

"Oo naman, bakit?" Tanong ko naman sa kanya.

"Wala lang, gusto kong laging maayos ang pakiramdam ng prinsesa ko!" Sabi niya. Nawindang naman ako sa huling sinabi niya.

"Hehe!" Tumawa nalang ako ng mahina. Dumating na ang meryendang pinadala ko kay ate.

Tinitignan ko lang siya habang kumakain. Ang gwapo ni Nath, well lahat naman silang magkakaibigan. Pati si best friend JC, makalaglag panty rin. LOL

"Papasok ka na ba bukas?" Tanong nya habang umiinom ng juice.

"Oo naman, ngayon lang hindi. Ayaw ko namang mahuli sa mga lessons eh"

"Ahh okay"

**

"Alexa mauna na ako. Mag- ingat ka." Paalam nya pero parang may ibinulong pa siya. Bayaan na nga.

"Okay, ingat ka rin sa pag drive. Thanks sa pag- dalaw!" Nginitian niya ako sabay sakay niya sa kotse nya at umalis. Tinanaw ko nalang ang kanyang kotse na papalayo.

Pagkapasok ko sa loob, nakahilera naman sila nay lolit. Kasama ang mga kasambahay namin. Para silang mga kinikilig.

"Bakit po?" Tanong ko sa kanila.

"Anong pangalan nun Mam!?" Tanong ni ate Chay.

"Alin po ba ate chay?"

"Yung lalaki dito kanina mam. Ang gwapo eh, boyfriend nyo po ba yun?"

"Naku hindi po, kaibigan ko lang po yung si Nath!" Depensa ko.

"Mam eh, deny pa!" Pangungutya ni ate chay.

"Ate Chay naman, alam nyo naman na wala pa sa isip ko yang pagbo- boyfriend eh. Aral muna diba bago lovelife!" Sabi ko sa kanila. Pero may part sakin na kinikilig.

"Okay mam, sabi nyo eh" tsk.. Ate chay nga naman.

"Bahala na po kayo, kaibigan ko lang po talaga iyon"

"Oo na mam, pero pagnan- ligaw sagutin mo na agad" parang kinikilig pa si ate chay nung sinasabi niya iyon. Tumawa nalang ang mga ibang kasambahay. Pagkatapos kong makipag- kulitan sa kanila eh bumalik na lang ulit ako sa kwarto. Wala nanaman akong gagawin.

Nath's POV

I'm so happy because my plan is working. Its kinda gay but this is my sweet revenge. Walang nakakaalam ng mga plano ko kung hindi ako at ang aking girlfriend. Im to dumb because i never ask her what's about her feelings. I know that she's alexa's friend but i let her involved in my plan. What kind of boyfriend I am. I'm a mess, sya nalang ang meron ako pero iba ang ibinibigay ko sa kanya. Puro sakit nalang ang naidudulot ko sa kanya. I'm not expressive in my feelings. I love her more than she thinks but i love my mother too. Hindi ko kayang talikuran ang taong nag- silang at nag- alaga sa akin na nawala ng dahil sa kanila. This is just the beginning.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Hehe!! Mianhe, slow update guyseo!
*Sa mga ONCE sino na nakapanuod ng Signal. Waahhahha parang nakasama ata si V sa MV eh.

~Nae☺

Nobody But YouWhere stories live. Discover now