Chapter 22

15 1 0
                                    

Alexa's POV

May pasok nanaman. Kaimbyerna naman this life. Nandito na ako sa school at nag- lalakad na ako papunta sa classroom namin. Malapit na ako sa room namin ng may biglang umakbay sa akin.

"Alexa sabay na tayo!" Sabi ni Nath.

"Ah okay!" Yun nalang ang sinagot ko sa kanya. Ang awkward nanaman.

Nakarating na kami sa may classroom. Lahat ng mga kaklase namin ay natigilan sa kanilang ginagawa at napatingin sa amin ni Nath. Doon ko lang ulit na alala na nakaakbay nga pala sa akin si Nath. Agad kaming nag- layo. Dumeretso na ako sa upuan ko. Nakita ko pa ang mga tingin nila eonni na *mag explain ka mamaya look*  Tumango nalang ako sa kanila, napatingin naman ako kay rome dahil naka- yuko lang siya. Para bang may iniisip na malalim, matanong na nga lang mamaya. Pumasok na ang prof namin at nag- umpisa na ang klase.

**
Nandito kami ngayon sa cafeteria. Lunch na kasi.

"Sinong bibili ng mga pagkain?" Tanong ni Val.

"Ak--" hindi na natapos ni Rome yung sasabihin nya dahil nag- salita na si Francine.

"Kami nalang ni Engel ang bibili, baka mawala ka pa!" Tumayo na si Francine at Engel. Napayuko naman si Rome.

"Wag mo nalang pansinin" bulong ko kay Rome. Tinanguan nya lang ako. May sariling mga mundo kasi si Val at Jade, naghe- headset.

"Ang tahimik mo ata?" Tanong ko sa kanya. Hindi na kasi sya masyadong nag- iingay nitong mga nag- daang araw, nakakapanibago.

"Wala lang, para kasing sumasama yung pakiramdam ko minsan kaya siguro ganun" nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Nagpunta ka na ba sa ospital? Gusto mo samahan kita mamaya. Nag- aalala ako!" Sabi ko sa kanya.

"Hindi okay lang naman siguro ako, tska baka dahil sa pabago- bagong panahon kaya ganito ang nararamdaman ko" sabi niya.

"Okay, pero pag- iba na talaga yang nararamdaman mo punta na tayong ospital ha!" Niyakap ko siya.

"Ang sweet naman ng bunso namin!" Yun naman ang sinabi niya sa akin at niyakap nya rin ako. Dumating naman na sina Francine at Engel at nagsimula na kaming kumain.

**
Pagkatapos namin mag- lunch ay deretso naman kami sa next class namin. Si Jade nalang ang kaklase ko dahil iba na ang schedule namin. Pagkapasok namin ay naupo kami sa pinakadulo. Para pag nagresitation huli kami. Wahahhhaha. Nakakainip talaga ang araw na ito. Ang boring ng buhay ko. Pumasok na ang prof namin.

"Class we are going to have a half day today. So bye class!" Sabi ng teacher namin. Ganun nalang yun, namayani ang katahimikan sa buong classroom at...

[WOOOHHHHH]
(AN: sound effect pa more!)

Nagsigawan ang mga kaklase ko, mga baliw sa half day.

"Alexa half day din kaya sila?" Tanong ni Jade sa akin.

"Tignan nalang natin, pero paghindi sila half day, mall muna tayo. Punta tayo sa boutique." Tumango nalang si Jade.

Pumunta na kami sa mga room nila eonni's, at sa kamalas- malasan nga naman. May class pa sila, at overtime. So kami nalang ni Jade ang pupunta sa mall. Kawawa naman sila eonni mago- overtime sila.

**
Nasa mall na kami. Bilis noh! Chars. Nandito na kami sa isa sa mga boutique namin dito sa mall na ito. Parang trip ko lang kumuha ng damit. Pumipili lang ako, ganun din ang ginagawa ni Jade. May nakita akong Red Dress, off shoulder na above the knee.

AN: Bahala na po kayo mag- imagine.. Hahhahha XD

Kinuha ko ito at inilagay sa may lalagyan ng mga napili ko. Tatlong damit lang ang nasa lalagyan. Kahit naman siguro kami ang may ari nito mahihiya parin ako, baka kasi maubos ko yung mga tinda namin. Edi wala na kaming ibebenta. Tumingin- tingin pa ako pero wala na akong napili. Pinabalot ko na yung akin. Si Jade naman ay nag- bayad pero may discount sila. Napaka- laking discount.

"Saan naman tayo sunod na pupunta?" Nagtanong pa si Jade pero may kinakain na siyang ice cream. Hindi manlang ako sinabihan, baliw talaga.

"Sa Chowking nalang tayo" tumango nalang siya.

Pumasok na kami sa loob, pumwesto kami sa may pinakadulo. Um- order na si Jade, bahala nga siyang um- order. May kinakain pang ice cream eh, bahala na talaga siya sa buhay niya. Nag FB nalang ako. May post si eonni Rome.

Its happening 😔
67 likes    56 comments    share

Ano kaya yun, ang gulo naman. Sana naman maayos na ni eonni Rome kung ano man yung problema niya.

"Anong emote mo dyan? Wala ka sa music video!" Paepal talaga tong si Jade.

"May iniisip lang!!"

"Wag mo ng isipin yun, mahal ka nun" baliw talaga.

"Ewan ko sayo, kumain nalang nga tayo" nilapag na niya ang mga pagkain at kumain na kami.

**
Pagkatapos naming kumain ay naglakad- lakad kami.

Kring....kring...

"Wait lang Alexa, may tumatawag" tinanguan ko lang si Jade. Tumingin lang ako sa mga tao. May sari- sarili silang mundo.

"Alexa mauna na ako, may emergency sa bahay. Kaylangan ako dun, mag- ingat ka" parang nagagahol na sabi ni Jade.

"Sige na, ako na bahala. Mukhang importante nga!" Tumango nalang siya at umalis na. Ano kayang nangyari. Sana naman ayos lang si eonni Jade.

Nag- lakad lakad lang ako. Nag- aalala ako kay eonni Jade. Sana naman okay lang siya. Sunod sunod na ang mga problema ngayon. Ano naman kayang gagawin ko ngayon dito. Wala naman akong kasama.

"Alexa, gusto mo pumunta tayo sa masayang lugar?" Tanong ng kung sino. Nagulat naman ako.

"Nath?" Si nath ngayon ang nakatayo sa harap ko.

"Oh parang nagulat ka?!" Tanong niya.

"Ah, hehe. Bigla- bigla ka kasing sumusulpot kung saan. Nakaka- gulat"
Sabi ko sa kanya.

"Hahaha minsan kakalabitin muna kita"

"Hehe okay!"

"May kasama ka ba?" Tanong niya sa akin.

"Wala eh, umalis si Jade. May emergency daw"

"Ah, pwede ka ba? Wala din kasi akong kasama eh" sabi niya. Nagpagisip- isip ko na baka paghindi ko tinanggap yung offer niya eh sumama yung loob niya. And ofcourse I don't want to be rude to him.

"Okay!"

"Thanks, saan mo gustong pumunta?" Tanong niya sa akin.

"Ikaw na bahala" tumango nalang siya.
"Okay sa quantum tayo!!" Sigaw niya.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Nobody But YouWhere stories live. Discover now