Chapter 19

32 2 5
                                    

Alexa's POV 

Bilis naman ng araw. May pasok nanaman. Katamad na araw ito. Nakabihis na ako, handang- handa na pero yung diwa ko mukhang hindi pa. Parang gusto pang matulog. Kulang ang sabado't linggo. When katamadan hits you nga naman.

Tumayo na ako at nag- punta sa may kusina para mag- umagahan. Maaga pa naman eh. Katamad talaga, halos masubsob na ako sa lamesa.

"Anak, ayos ka lang. You look horrible" natatawang sabi ni daddy.

"Tinatamad po kasi ako pumasok" Nag- simula na kaming kumain.

"Dad nasan si Mom?" Tanong ko.

"Nasa taas pa. Masyadong napuyat, ang dami nya daw kasing paper works eh. Pupunta pa kami sa Korea next week para ayusin yung kumapanya doon"

"Ah kaylan po balik nyo?"

"Baka next week or next next week. Hindi naman siguro kami mag- tatagal ng mommy mo doon. Lalo na't buntis siya!" Sabi ni dad.

"Ah ayun n- BUNTIS SI MOMMY!! Kaylan pa dad. Hindi nyo man lang sinabi sa akin!" Buntis si Mom. Magkakaroon na ako ng kapatid.

"Gusto kasi namin kayong ma suprise kaya hindi muna namin sinasabi. Nadulas pa ako. Pagagalitan ako ng mommy mo mamaya" Mukhang gusto talaga nila suprise.

"Kung hindi pa po kayo nadulas ng sasabihin hindi ko pa po malalaman!"

"Okay, pero tahimik muna tayo sa mommy mo!" Tumango nalang ako.
Hindi talaga ako makapaniwala. Magkakaroon na ako ng kapatid.

**

"Daddy, pasok na po ako!" Niyakap ko si Dad sabay halik sa pisngi.

"Mag- ingat ka. Yung secret ha."

"Hahha opo!" Pumunta na ako sa labas at pumasok na sa kotse.

"Kuya Tony tara na"

"Okay mam" Umandar na ang kotse. Nag earphone nalang ako.

"Mam nandito na po tayo" narinig kong sabi ni kuya tony.

"Thanks kuya Tony" lumabas na ako. Dere- deretso lang ako sa classroom. Katamad talaga.

"ALEXA!!" Pag- pasok ko ayan agad ang bumungad sa akin.

"Bakit?"

"Yung project natin!" Sabi naman ni Francine.

Isip: Oo nga, may project nga pala kami. Sabay- sabay pa sa katamadan ko.

"Hanggang kaylan ba yan?" Tanong ko.

"Sa next monday yung pasahan" sagot ni Scud. Nakalimutan ko na. Ka- group nga pala namin itong mga ito.

"Next monday pa pala eh. Kaylan nyo gustong mag- start. Wag lang ngayon. Tinatamad ako eh"

"Sa Saturday at Sunday nalang. Madali lang naman kung lahat tayo gagawa!" Sabi ni Nath. Wow balik sa dati. Moodswings nito.

"Okay, saan naman tayo gagawa?" Tanong ni Val.

"Sa bahay namin" Malamig na sagot ni Nath.

"Okay na" Sabi ni Rome. Bumalik na kami sa mga ginagawa namin. Umupo na ako sa aking upuan. Pagkaupo ko ay syang dating ng aming teacher.

Discuss

Discuss

Discuss

Nobody But YouWhere stories live. Discover now